CHAPTER 22

50 2 0
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 22)

—YAZER POV—

Ilang araw narin ako nag hahanap kay Prinsipe Nash. Gutom, uhaw at pagod na ako kakalakad. Hindi naman ako makakain dahil wala akong dalang ginto, nakita ang ilang bata na tila nanlilimus sa kalye, may mangilan-ngilan na nag aabot sa kanila ng pilak na hugis bilog. Pagkatapos ay ipinangbibili nila 'yun ng pagkain. Kaya naman ginaya ko sila. Nagpalimus din ako sa mga dumaraan pero walang nag aabot sakin. May ilang binibi na napapatitig sakin kapag napapadaan sila, hindi ko alam kung bakit.

Sa sobrang pagod ay napaupo nalang ako sa isang gilid. Hanggang sa isang lalake ang tumapat sa pwesto ko kaya agad akong napatingala.

“M-mahal na prinsipe? I-ikaw nga!” halos hindi ko makapaniwalang pagkakasabi at agad na napayakap sakanya sa sobrang tuwa. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami.

——

—THEA POV—

Hindi na muna kami tumuloy sa pagpunta sa supermarket ng mag reunite sila Nash at ang kaibigan nitong si Yazer. Nag drive-thru nalang kami sa isang fast-food chain at umuwe narin agad sa condo.

“Sige lang, kumain kalang.” nakangiting pagkakasabi ko kay Yazer na tila nag aalalangan pang kumain. 

“Hindi ka malalason sa mga pagkain na 'yan, ganyan talaga ang pagkain dito sa mundo ng mga mortal.” nakangising pagkakasabi ni Nash, saka pa lamang tinikman ni Yazer ang fried chicken.

Maya maya pa ay nag ring ang cellphone ko, nakita ko ang pangalan ni Daddy. Tila nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba 'yun o hindi.

“Go, answer the phone.” nakangiting saad ni Nash. Nag excuse muna ako kila Yazer at Nash saka ako nagtungo sa balcony bago ko sinagot ang tawag ni Dad.

——

“Hello Dad..” malumanay kong pagkakasabi.

“How are you? Nakalabas kana pala ng hospital.” mahinahon na tanong sakin ni Dad.

“Feel better now. Bakit ka napatawag?” seryoso kong tanong.

“Wala naman, gusto ko lang kamustahin ang unica ija ko.” malambing na pagkakasabi ni Dad.

——

—NASH POV—

“Bakit ka nga ba nagpunta dito? Bakit mo 'ko kailangan hanapin?” pagtatakang tanong ko kay Yazer.

“Pinapunta ako dito ng 'yung inang reyna. Malubha ang kalagayan ng 'yung amang hari at kinakailangan mo ng magbalik sa Therwania sa lalong madaling panahon.” saad ni Yazer kaya hindi ako agad nakapag salita.

—THEA POV—

Pabalik na ako sa dinning area ng matapos ang pag uusap namin ni Daddy, ngunit napatigil ako ng marinig ang pag uusap nila Yazer at Nash.

“Pinapunta ako dito ng 'yung inang reyna. Malubha ang kalagayan ng 'yung amang hari at kinakailangan mo ng magbalik sa Therwania sa lalong madaling panahon.” rinig kong pagkakasabi ni Yazer.

“Hindi pa ako pwedeng umalis, hindi ko pa pwedeng iwan si Thea lalo pa't may nagbabanta sa buhay niya.” saad ni Nash.

“Pero mahal na prinsipe, kailangan kana ng Therwania at ng iyong ama't ina. Kaya nga ako nagtungo dito upang sunduin ka at ng makabalik na agad sa Therwania.” saad ni Yazer at agad ng tumulo ang luha ko. Tila dumating na ang araw na aking kinakatukan.

——

“Oh, bakit gising ka pa? Kalalabas mo lang sa hospital hindi ka dapat nagpupuyat.” may pag aalalang pagkakasabi ni Nash ng madatnan niya akong nakatayo lang sa balcony ko habang nakatingin sa kawalan. Agad ko naman pinunasan ang luha ko saka ako tumingin kay Nash.

“Umiiyak ka?” pagtataka niya.

“H-hindi, napuwing lang.” palusot ko pa saka ako ngumiti kay Nash.

“Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling sakin ang mahal ko.” mahinahon na pagkakasabi ni Nash.“Tell me, why are you still awake?” mahinahon niyang tanong sakin. Tumitig naman ako sa mga mata ni Nash.

“Natatakot kasi ako...na baka pag gising ko wala kana.” saad ko habang nanggigigilid ang luha sa mata ko.

“Althea..”

“Narinig ko ang pag uusap niyo ni Yazer. Kinakailangan mo ng umalis dahil kailangan kana ng pamilya mo.” saad ko at tuluyan na ngang pumatak ang luha ko.

“Pero hindi ko kayang iwan ka, lalo pa't alam kong nasa panganib ang buhay mo.” saad ni Nash, hinaplos ko naman ang pisngi niya saka pinilit kong ngumiti.

“Wag mo 'kong alalahanin, kaya ko na ang sarili ko Nash. Kailangan ka ng pamilya mo, kaya hindi kita hahadlangan kung nanaisin mo ng magbumalik sa Therwania.” saad ko habang minamasdan ang mga mata ni Nash. Hinawakan naman ni Nash ang kamay ko saka ako hinila palapit sakanya at agad akong niyakap na para bang nagpapaalam na. Napapikit nalang ako kasabay ng pag agos ng luha ko.

“Babalik ako pangako ko yan sa'yo, babalikan kita upang tuparin ang mga pangako natin sa isa't isa.” saad ni Nash habang nakayakap sakin.

“Panghahawakan ko ang pangako mong 'yan. Hihintayin kita, kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako sa'yo.” umiiyak kong pagkakasabi habang nakayakap kay Nash. Kumalas si Nash mula sa pagkakayakap sakin ngunit nananatiling nakahawak ako sa bewang niya. Hinawi niya ang hibla ng buhok ko sa pisngi saka ngumiti sakin.

“Mahal na mahal na mahal kita..” sincere na pagkakasabi ni Nash sakin.

“I love you more..” saad ko saka niya ako hinagkan sa labi.

——

Kinabukasan ng umaga, pag gising ko ay agad ako napabalikwas at tinungo si Nash sa silid niya, ngunit lubhang napakalinis ng kanyang silid. Tila walang bakas na may gumamit dito. Agad akong lumabas, at tinungo ang dinning area maging ang living room ngunit wala rin si Nash. Napa-upo nalang ako sa sahig kasabay ng pag hagulgol.

“How I supposed to live without you..Why do you need to leave so soon...what should I do If I miss you..” umiiyak kong pagkakasabi. Para bang mababaliw ako sa sobrang lungkot.

——

<Therwania Kingdom>

—NASH POV—

“How I supposed to live without you..” rinig kong boses ni Althea kaya agad akong napalingon. Nakaramdam din ako ng kirot sa dibdib ko.

“Bakit mahal na prinsipe, may problema ba?” pagtatakang tanong ni Yazer. Umiling lamang ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now