CHAPTER 13

50 3 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 13)

—NASHA POV—

Makalipas lang ang ilang sandali ng pag iintay ay bumalik na rin si Thea kasama ang kaibigan niyang si Lea.

“Ano, tara na?” mahinahon kong tanong kay Thea, nakangiti naman siyang tumango sa'kin.

“Ingat sa biyahe, pag may time kayong dalawa. Pasyal lang kayo dito ha.” nakangiting saad ni Lea. Nginitian ko lamang s'ya. Pagkatapos ay inalalayan ko na si Thea pagsakay ng kotse.

——

“Ang haba yata ng pag uusap niyo ng kaibigan mo?” mahinahon kong tanong kay Thea habang nagmamaneho ako ng kotse.

“She just can't believe that you're really exist.” nakangiting saad ni Thea saka tumingin sakin.

“Anong oras ba ang uwe mo mamaya?” tanong ko.

“Same time, 9PM parin bakit?” pagtatakang tanong ni Thea.

“Mag date tayo mamaya.” nakangiting pagkakasabi ko.

“D-date?” tila gulantang pang tanong ni Thea sakin.

“Oo, bakit? Is this the first time that a man asked you to go out for a date?” sarcastic kong pagkakasabi.

“Huh? first time? Sa ganda kong 'to? Kung hindi mo naitatanong, maraming lalake ang gusto akong maka-date but for one reason mas pinipili kong i-ignore nalang sila.” sarcastic din na sagot ni Thea at tila confident sa bawat salitang binibitawan niya.

“One reason?” pagtataka ko.

“Oo, may isa akong dahilan kung bakit hindi ako pumapayag na makipag date sakanila.” agad na sagot ni Thea.

“Ano naman 'yun?”

“Hindi ano..kundi, sino.”

“Then who?”

“Because of you..” mahinahon na pagkakasabi ni Thea saka tumingin sakin.“Five years ago, we met in very unexpected and unexplainable moment of my life. Since that day, hindi kana naalis sa utak ko. For the past five years I'm still hoping that one day, our path will cross again. At sa hindi ko rin inaasahan na sandali ng buhay ko, nagkita tayo ulit.” pagki-kwento ni Thea agad ko naman siya sinulyapan ng tingin.

[FLASHBACK]

<Therwania Kingdom>

Matapos kong tulungan ang matandang babae sa pamilihan ay hinabol naman ako ng mga bandido na nakasakay sa kabayo. May pagka-pasaway din kasi akong prinsipe sa aming kaharian.

Agad akong tumakbo patungo sa kakahuyan. Kung saan nakita ko ang isang babae na may kakaibang kasuotan na palinga linga sa paligid. Napansin ko isang bandido na tila papanain ang babae kaya mabilis ko siyang hinawakan sa bewang saka hinatak palapit sakin agad naman tumama ang palaso sa punong kahoy.

“Nasaktan ka ba, Binibini?” may pag aalalang tanong ko.

“Isa ka bang anghel?” agad na tanong niya sakin habang hawak ko parin siya sa bewang.

[END OF FLASHBACK]

—THEA POV—

“Alam mo bang hindi 'yun ang unang beses na pagkikita natin?” seryosong tanong ni Nash habang nagmamaneho ng kotse agad ko naman pinagtaka ang tanong niyang 'yun.

“Seven years old ka noon, nang unang beses tayong magkita. And I'm the one who gave you the necklace that has a ruby stone pendant. Ang kwintas na hanggang ngayon ay suot suot mo parin.” nakangiting pagkakasabi ni Nash na ikinagulat ko.

[FLASHBACK: 20 YEARS AGO]

“Althea, meet your new mom and your sister Melissa.” pagpapakilala ni Daddy sa babaeng kasama niya at sa batang kasama nito. Wala pang dalawang taon mula ng mamatay si Mommy dahil sa sakit na Leukemia at ngayon, magdadala si Daddy dito sa bahay ng ibang babae?!

“My mom, is my only mom!” naiiyak kong pagkakasabi.

“Sweetie, matagal ng wala si mommy. But don't worry, dahil pwede mo rin naman maging mommy si Tita Elisa mo. Dito na siya titira kasama ang step-sister mong si Melissa.” mahinahon na pagkakasabi ni Daddy, akmang hahawakan niya ako pero agad kong iniwas ang braso ko sakanya at umiiyak akong tumakbo sa labas ng bahay.

“Althea!” rinig ko pang tawag ni Daddy sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang umiiyak. Hanggang sa isang lalake ang mabilis na yumakap sakin at dinala ako sa kabilang kalsada. Nakita ko nalang ang mabilis na pagharurot ng isang Truck.

“Nasaktan ka ba?” may pag aalalang tanong ng lalake na kulay asul ang mata at nakasuot ng tila pang prinsepe. Umiling lamang ako sakanya habang tuloy sa pag-iyak.

Nakita kong hinubad niya ang suot niyang kwintas. Nang makita ko 'yun ay bigla nalang ako tumigil sa pag iyak.

“Sa'yo na ang kwintas na 'to. Ingatan mo at sana, muli tayong magkita sa takdang panahon.” nakangiting pagkakasabi niya saka niya isinuot sakin ang kwintas.“Hanggat na sa'yo ang kwintas na 'to, mahahanap at mahahanap parin kita saan ka man naroroon.” nakangiting pagkakasabi niya. Pagkatapos ay tumayo na'rin siya. Narinig ko ang boses ni Daddy kaya agad ako napalingon. Pagtingin ko sa nagbigay sakin ng kwintas ay wala na siya.

[END OF FLASHBACK]

“I-ikaw 'yun?” halos hindi ko mapakaniwalang pagkakasabi. Halos maluha narin ako sa halo halong emosyon na nararamdaman ko. Kung ganun pala, hindi lang isang beses niya nailigtas ang buhay ko. At dumarating din siya sa tuwing nasa panganib ako.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now