CHAPTER 26

62 4 0
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 26)

—LEA POV—

“Ano balita d'yan? Kamusta na si Althea? Hindi ba siya pinapabayaan ni Nash?” magkakasunod na tanong ni Justine mula sa kabilang linya.

“Isa isa lang 'yung tanong pwede? Anong balita dito? Well, may pagbabago pa ba? Mainit parin kahit hindi naman summer. Hindi parin nag i-snow sa Pilipinas. Yung about naman kay Nasha at Althea..” sandali akong napabuntong hininga bago nagtuloy sa pagsasalita.“Umalis na si Nasha, nagbalik na sa Therwania. Kaya itong si Althea, medyo sad girl. Pero hindi lang 'yun ang chika, dahil may matinding pasabog ang Madrigal Family lalo na si Elisa na step-mom ni Althea.” pagtutuloy ko.

“Matinding pasabog?” pag uulit ni Justine.

“Si Elisa ay ang biological mother ni Althea.” sagot ko.

“What?!” gulantang na tanong ni Justine, well ganyan din reaction ko kanina. IFY Justine.

Dahil sa abala ko sa pakikipag usap kay Justine ay hindi sinasadya napaso ang daliri ko ng mainit na kape kaya agad akong napa aring-ing.

“What happened?!” may pag aalalang tanong niya.

“Wala, sa sobrang ganda ko kasi hindi ko namalayan na napaso na pala 'yung daliri ko.” confident ko pang pagkakasabi.

“Puro ka kalokohan!” inis na pagkakasabi ni Justine.

“Hoy hindi kalokohan 'yun. Maganda naman talaga ako ah.” confident kong pagkakasabi.

“Ewan ko sa'yo. Pasalamat ka malayo ako sa'yo dahil kung hindi baka napitik ko na 'yang noo mo.” tila pagbabanta pa ni Justine sakin. As if naman na matatakot ako sa'yo Justine Heaven.

“Kailan naman pala babalik si Nasha?” muling seryosong tanong ni Justine.

“Yan ang hindi ko alam. Bakit? May plano kang landiin si Althea habang wala si Nasha? Bad yan Justine, alam mo bang engaged na 'yung dalawa?”

“Engaged?!”

“Oo, actually kanina ko lang din nalaman. Nasha proposed to Althea before he came back to Therwania. Kaya wala kana talagang pag asa kay Althea. Maghanap kana lang d'yan sa London ng jojowain mo.” nakangisi kong pagkakasabi.

“I'm happy to both of them most especially to Althea. I know how much she loved Nasha from very beginning...” masaya naman ang tono ng boses ni Justine.“Mahal ko si Althea, kaya naman hahayaan ko na siya kung saan talaga siya mas sasaya. At alam kong hindi ako 'yun.” saad ni Justine.

“Wow naman, siguro may nakilala kana d'yan sa London.” biro ko, rinig ko naman ang mahinang tawa ni Justine sa kabilang linya.

“Wala pa, kaya siguro iintayin ko nalang na magkita tayo dito.” saad ni Justine.

“Para ano? Para asarin mo? Dibale nalang.” mataray kong sagot.

“Ganyan ganyan ka pa d'yan kinikilig ka lang eh.” pagbibiro ni Justine.

“Ako? Kikiligin sa'yo? In your dreams.” inis kong saad, rinig ko naman ang pagtawa ni Justine na lalo kong ikinainis.

——

—THEA POV—

Just to make sure na ako nga ang anak ni Tita Elisa ay sumailalim kami sa DNA test. Ako, si Dad at si Tita Elisa. Sobrang kabado ako sa magiging resulta ng DNA test, at kung mapapatunayan na siya nga ang biological mother ko, I don't know what to do nor what to feel. I used to hate her since she came to our life then all of the sudden, malalaman kong siya pala yung totoong mommy ko. Habang ang babaeng kinilala ko bilang nanay ko sa loob ng maraming taon ay siya palang dahilan kung bakit kami nagkalayo ni Tita Elisa noon.

Few days later, lumabas na ang result ng DNA test na isinagawa samin.

“P-positive..” nauutal kong pagkakasabi kasabay ng pagpatak ng luha ko habang hawak ang piraso ng papel—ang DNA result.

Tinignan ko si Daddy na hindi rin halos makapagsalita, habang si Tita Elisa----my biological mom ay nakita ko ang pag agos ng luha sa kanyang pisngi. Hindi rin halos makapaniwala si Melissa na younger sister ko pala talaga. Tumayo ako sa kinauupan ko at agad na lumapit kay Mommy.

“M-mommy..” naluluhang saad ko at agad ko siyang niyakap. Maging si Daddy ay yumakap din samin ni Mommy.

“Sissy..” rinig kong boses ni Melissa agad ko siyang tinignan, umiiyak siyang nakatingin sakin. Lumapit ako sakanya saka ko siya niyakap.“I'm so sorry..” garalgal ang boses niya habang nakayakap sakin. Hinagod ko naman ang kanyang likod.

“I'm sorry too..” saad ko saka ako kumalas mula sa pagkakayakap sakanya.

“Hindi ako naging mabuting kapatid sa'yo. Pinagtangkaan mo pa ang buhay mo. Hindi ko hihingin na mapatawad mo 'ko agad, pero gagawin ko lahat para makabawe ako sa'yo.” sincere na pagkakasabi ni Melissa habang tuloy sa pag agos ang luha sa kanyang mata.

“I already forgive you. And you deserve a second chances.  Nagkaroon din ako ng pagkakamali sa'yo noon. Kaya sorry din at sana mapatawad mo rin ako.” saad ko.

“Oo naman, Ate kita eh.” nakangiting saad ni Melissa at muli niya akong niyakap.

——

“Nasaan na nga pala si Nasha? Hindi ko na yata siyang nakikitang kasama mo?” may pagtatakang tanong ni Mommy sakin.

“Oo nga, where is he?” tanong din ni Melissa sakin.

“It's a long story Mom.” saad ko saka ko pinilit na ngumiti..

“Nag break na ba kayo?” may pagtatakang tanong ni Daddy na nagda-drive ng kotse. Alam niya narin kasing may relasyon kami ni Nasha, Lea already told him. Umiling naman ako.

“Oh hindi naman pala eh bakit ang lungkot mo? Nasaan na ba talaga si Nasha?” saad ni Melissa.

“He came back to his family. And I don't know if we were able to meet again.” malungkot kong sagot.

“Taga saan ba ang family niya at parang nawawalan kana ng pag asa na magkikita kayo ulit?” malumanay na tanong ni Mommy.

“Far far away land ba?” sabat naman ni Melissa, ngumisi naman ako ng bahagya.

“Alam mo anak, kahit nasaan lupalop pa ng mundo yang si Nasha. Kung kayo talaga, kayo talaga. Kahit ilang taon pa ang lumipas, kahit ano pa man ang mangyari pagtatagpuin at pagtatagpuin kayo ng tadhana.” nakangiting saad ni Mommy. How I wish.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now