PROLOGUE

298 10 4
                                    

“Alam niyo ba, my grandma told me that there's something unexplainable when you crossed that line.” saad ni Lea sabay turo sa isang bakod na hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.

To be honest, hindi yun ang una't huli na narinig ko yun. Madalas din yun sinasabi sakin ng mga tito/tita ko, and even my lolo and lola noong nabubuhay pa sila.

“Ano nga kaya meron kapag lumagpas tayo sa linya o bakod na yan?” pagtataka ko.

“Well, paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?” sabat naman ni Justine at agad kami nagtinginan ni Lea.

Alam kong pinagbabawal ang lumagpas sa linya o bakod na yun. Maraming gustong sumubok na lumagpas ngunit hindi sila nagtatagumpay sa hindi maipaliwanag na dahilan. Maraming kwento akong naririnig tungkol sa kung anong meron sa kabilang bakod o linya.

May nagsasabi na ibang dimension na daw yun, may nagsasabi naman na mundo yun ng kakaibang nilalang. Noong bata pa ako, naniniwala pa ako sa mga naririnig kong yun. Pero habang tumatagal natatawa na lang ako.

“Ano Thea, go ka ba? Pasukin na natin yung bakod na yan. Para malaman natin kung totoo ba o hindi yung kwento kwento.” saad ni Lea.

Agad naman ako napatitig sa bakod na gawa sa kahoy na nababalutan ng mga ligaw na damo. Saka umihip ang malamig na hangin.

“Ano ba yan, bakit parang uulan. Tignan niyo yung langit, makulimlim.“ puna ni Justine.

"Bukas na lang natin ituloy ang plano natin. Saka mag a-la singko narin ng hapon. Medyo gagabihin tayo pauwe.” saad ko naman.

——

“Justine....? Lea?” tawag ko sa mga pangalan ng dalawang kaibigan ko ng mapansin na hindi ko na sila kasabay maglakad.

Nagpalinga linga ako sa paligid pero hindi ko sila makita.

Nagulat na lamang ako na may isang lalake ang humawak sa bewang ko at kinabig ako palapit sa kanya.

Saka isang pana ang nakita kong tumusok sa katawan ng isang punong kahoy na mula kung saan.

At muling nabaling ang tingin ko sa isang lalake na siyang nagligtas sakin mula sa pana na dapat sa'kin tatama.

Napakaamo ng kanyang mukha, para siyang anghel na bumaba mula sa langit, napakaganda ng kanyang mata. Ang gwapo talaga. Nakakatunaw ang bawat titig niya sakin.

“Nasaktan ka ba, Binibini?” may pag aalalang tanong niya.

“Isa ka bang anghel?” agad na tanong ko habang hawak niya parin ako sa bewang.

Hindi siya nagsalita at tinignan lang ako ng seryoso.

“Ayon si Prinsipe Nasha!” rinig kong sigaw ng isang lalake na umalingawngaw sa buong kakahuyan.

“Prinsipe?” bulong ko sa sarili ko na may halong pagtataka.

Mabilis na hinawakan ng sinasabi nilang prinsipe ang kamay ko at agad kaming tumakbo patungo kung saan, upang takasan ang mga nakasakay sa kabayo na humahabol samin.

Pero teka, bakit may mga nakasakay sa kabayong humahabol samin? At bakit ko kasama ang lalakeng 'to na isang prinsipe? Nasaan ba 'ko?

——

“Natakasan na natin sila.” nakangisi niyang pagkakasabi habang hawak parin ang kamay ko.

“Siguro naman pwede mo ng bitawan ang kamay ko.” saad ko at agad siyang napatingin sa kamay niya na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Saka ito agad na binitawan.

“Bakit tayo hinahabol ng mga nakasakay sa kabayo? At bakit prinsipe ang tawag nila sayo? Sino ka ba talaga? Saka...nasa anong lugar ako?” sunod sunod na tanong ko.

“Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Sino ka at anong ginagawa mo sa lupain ng kaharian ng Therwania. At bakit ganyan ang iyong kasuotan? Ispiya ka ba na nagmula sa ibang kaharian?” seryosong tanong niya sakin at saka tinutok sa leeg ko ang hawak niyang espada kaya nanlaki ang mata ko.

Pero bigla nalang niya ibinaba ang espadang hawak niya saka umupo sa harapan ko at hinawakan ang binti ko.

“Anong ginagawa mo? May balak ka bang pagsamantalahan ako?” agad na usal ko.

“Wala akong balak na pagsamantalahan ka. Tinitignan ko lamang ang sugat mo.” seryosong pagkakasabi niya at agad ako tumingin sa tuhod ko na may sugat nga.

Walang pasubalit ay kaagad niya akong binuhat at saka iniupo sa isang malaking bato.

“Dito ka lang. Kukuha ako ng halaman gamot upang gamutin ang sugat mo.” saad niya at kaagad lang akong tumango.

Maya maya pa ay agad narin rin siyang bumalik dala ang sinasabi niyang halaman gamot. Saka maingat na ginamot ang sugat ko.

“Salamat.” saad ko saka niya ako muling tinitigan na pakiramdam ko ay talagang matutunaw ako.

“Doon sa kweba na yun tayo pansamantalang magpapalipas ng gabi.” saad niya sabay turo sa isang kweba sa hindi kalayuan.

Hindi pa man ako nakakapagsalita o nakakasagot ay kaagad na niya akong binuhat.

——

“Magpahinga kana muna. Lalabas lang ako upang kumuha ng makakain. Batid kong nagugutom kana rin.” nakangiting pagkakasabi niya saka ako tumango.

“Sandali.” usal ko kaya agad siyang napatigil.

“Mag-iingat ka.” saad ko at agad naman siya ngumiti sakin.

“Wag ka mag alala, mag iingat ako para sayo.” saad niya at agad narin siyang umalis.

——

“Thea..Thea...gising.” rinig kong tinig ni Justine kaya agad ako dumilat napabalikwas.

“Akala naman napano kana eh. Nandito ka lang pala sa ilalim ng puno ng Acasia natutulog. Tara na umuwe na tayo.” saad ni Lea.

——

Hindi ko batid kong totoo o panaginip lang ba yun. Halos limang taon narin ang nakakalipas, ilang beses ako bumalik sa lugar na yun pero walang nangyari. Hindi ko na muling nasilayan ang Prinsipeng nakilala ko. Ngunit patuloy akong umaasa na isang araw, muli magtatagpo ang mga landas namin.

Hello, My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon