“HELLO, MY PRINCE”
(CHAPTER 15)
—JUSTINE POV—
“Althea mahal kita..simula pa noong una mahal na kita...” sincere kong pagkakasabi habang nakatitig sa mga mata ni Althea, bakas naman sa kanyang mukha ang pagkabigla dahil sa sinabi ko.
“Justine..”
“Natatandaan ko pa 'yung araw na sinabi mo sakin na wag akong ma-fall sa'yo. Tinawanan kita noon, dahil ang sabi ko, imposibleng ma-fall ang tulad ko sa babaeng gaya mo dahil masyado kang boyish noon...”
[FLASHBACK]
“Bakit ka ganyan makatingin sa'kin?” maangas na tanong ni Althea sakin.“Naku Justine, don't fall for me. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo.” mataray na pagkakasabi ni Althea, napailing na lamang ako.
“Ako? Magkakagusto sa'yo? Imposible, hindi ang tulad mong babae ang tipo ko.” sarcastic kong pagkakasabi.
“Hindi..pero nagseselos ka kanina kasi kausap ko si Tristan?” nakangising tanong ni Althea.
“Hindi selos ang tawag doon, iniiwas lang kita sa lalakeng 'yun dahil marami ng pinaiyak na babae 'yun. Kaibigan kita kaya natural lang na protektahan kita.” pagpapaliwanag ko.
“Ah basta nagseselos ka.” pagpupumilit ni Althea tinignan ko na lamang siya ng masama.
[END OF FLASHBACK]
“....pero hindi nagtagal, sa araw araw na nakakasama kita. Tuluyan na nga akong nahulog sa'yo. Pinigilan ko naman 'yung sarili ko. But I can't help myself to fall in love with you. Hindi ko masabi sa'yo noon dahil natatakot akong iwasan mo 'ko. Kaya kay Lea ko nalang sinasabi ang nararamdaman ko para sa'yo. Kung kinikilig ba ako o nasasaktan. Sa kanya ko kinu-kwento....Althea alam kong hindi mo kayang suklian yung pagmamahal ko sa'yo..pero gusto kong malaman mo na kahit kailan man, hindi ako mapapagod na mahalin ka. Kahit pa, magmukha na akong tanga.” mahabang sanaysay ko habang tuloy sa pag agos ang luha sa aking pisngi.
“I don't know what to say..” mahinahon na saad ni Althea.
——
—NASHA POV—
Panay ang tingin ko sa wrist watch ko, may trenta minutos ng nag-uusap sa loob ng opisina sila Atlhea at ang kaibigan niyang si Justine. Kaya naisipan kong pumasok na rin sa loob, bubuksan ko na sana ang pintuan ng bumukas na 'to at lumabas ng pintuan si Justine. Nakita ko ang mga mata niya na namumugto.
“Congrats...” pagbati niya saka niya nilahad ang kamay niya sakin, agad ko naman 'yun kinuha at nakipag kamay sakanya kahit may pagtataka ako.
“Mahal na mahal ka ni Althea, sana wag mo siyang paluluhain. Wag mo siyang iiwan mag-isa.” seryosong saad niya saka bumitaw mula sa pakikipag kamay sakin. Tinapik niya ang balikat ko bago siya naglakad palayo.
Pagpasok ko sa loob ng opisina ni Althea ay nadatnan ko siyang umiiyak. Pero ng makita niya ako ay agad niyang pinunasan ang luha niya saka ngumiti sakin. Pero hindi kayang pekein ng isang matamis na ngiti ang lungkot sa mga mata ni Althea. Lumapit ako sakanya saka ko siya niyakap at tinapik tapik ng mahina ang likod niya. Walang salita ang namutawi sa mga labi namin dalawa ng mga sandaling 'yun, nakasubsub lang siya sa dibdib ko habang ramdam ko ang mainit na luha na dumadampi sa balat ko.
—THEA POV—
“I don't know what to say..” mahinahon kong pagkakasabi dahil tila nawindang ako sa mga sinabi ni Justine. Wala akong kaalam alam sa kung anong nararamdaman niya para sa'kin. Masyado niya 'yun sinekreto sakin kaya hindi ko napapansin, o sadyang nasa iisang tao lang ang atensyon ko kaya naging manhid ako pagdating kay Justine.
Hinawakan ni Justine ang magkabilang kamay ko saka muling tumingin sakin.
“Wala kang kailangan sabihin Althea, sapat na sakin na pinakinggan mo 'ko. Ito narin siguro ang pagpapaalam ko sa'yo. Nakaraan araw kasi, nang pinapunta ako ni Ate Shantel sa Mansion may sinabi siya sakin...kinakailangan kong magtungo sa London. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal doon. Kaya sana alagaan mo ang sarili mo. Mahal na mahal kita.” saad ni Justine saka niya ako hinagkan sa noo pagkatapos noon ay umalis na rin siya.
Hindi ko mapigilan na hindi umiyak, nakakaramdam ako ng guilt dahil hindi ko man lang nabigyan ng chance si Justine. Kung tutuusin, hindi mahirap mahalin si Justine. Napaka boyfriend material niya. Siya 'yung tipo ng lalake na pinapangarap ng mga kababaihan. Pero hindi ko 'yun napansin dahil nakatuon lamang ang atensyon ko sa iisang lalake, kay Nasha.
Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan at nakita ko si Nash na pumasok, kaya agad ko pinunasan ang luha ko. Lumapit sakin si Nash na hindi nagsasalita saka ako niyakap.
BINABASA MO ANG
Hello, My Prince
FantasyIt's the story about two characters living in different time and world. Nasha is a Prince from Therwania Kingdom while Althea Reign Madrigal is the heiress to asia's biggest perfume company-Lovely Perfume. One day, after 5years their path crossed ag...