CHAPTER 2

133 7 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 2)

—THEA POV—

Nakauwe na ako dito sa condo, mag isang kumakain ng hapunan. Sanay naman na 'ko, ilang taon narin naman ako namumuhay ng mag isa magmula ng sumakabilang buhay yung mommy ko. Ang daddy ko naman, nag asawa na siya ng bago si Tita Elisa pero hindi ko siya kasundo lalo na ang anak nitong si Melissa na step sister ko. My Dad is the owner of asia's biggest perfume company ang 'Lovely Perfume', alinsunod sa pangalan ng mommy ko na Lovely Lynn.

Pagkatapos na kumain ng mag isa, agad ko na 'tong inilagay sa kitchen upang mahugasan ang pinagkainan ko. Nang matapos ako maghugas ay agad na ako nagtungo sa silid ko upang makapag pahinga, nang bigla nalang ako makaramdam ng malamig na hangin na dumampi sa aking balat.

Agad ako napalingon sa glass sliding window sa kanan bahagi ko, saradong sarado ito. Ah, siguro yung aircon lang.

——

[Therwania Kingdom]

—NASHA POV—

“Mahal na prinsipe, sigurado kana ba talaga sa desisyon mo? Susundan mo ang babaeng nakilala mo kanina lang?” may pag aalalang tanong ni Yazer sakin, si Yazer ang malapit kong kaibigan. Ang kanyang ama ay ang punong kawal ng Therwania.

Kanina kanina lang, habang hinahabol ako ng mga bandido matapos ko iligtas ang matandang babae sa pamilihan ay nakilala ko naman ang isang babae na may kakaibang kasuutan. At sa tingin ko, hindi siya nagmula sa mundo ito. At maaaring nanggaling siya sa ibang mundo.

“Buo na ang desisyon ko Yazer, kaya ikaw nalang ang bahala magpalusot sa aking amang hari at inang reyna.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Pero mahal na prinsipe, hindi ba't maraming nagsasabi na hindi makakabuti para sa'tin ang mundo ng mga tao? Baka mapahamak ka lamang mahal na prinsipe. Sigurado akong patay ako sa'yong amang hari.” may pag aalalang saad ni Yazer na balak pa yata tutulan ako.

“Wag kang mag alala. Kaya kong pangalagaan ang sarili ko. Hindi rin naman ako magtatagal. Sa oras na makita ko na siya, babalik narin ako agad. Gusto ko lang muling masilayan ang wangis ng babaeng may kakaibang ganda.” nakangiting pagkakasabi ko.

Huminga ako ng malalim pagkatapos ay inihakbang ko na ang mga paa ko palagpas sa bakod na nagdurogtong sa mundo ng mga tao at sa kaharian ng Therwania.

——

[MUNDO NG MGA TAO]

“Bakit ganyan yung damit niya?”

“Oo nga, para siyang a-attend ng costume party”

“Pero ang gwapo niya. Saka ang ganda ng mata niya, kulay asul. Tapos may six packs abs pa. Oh my god!”

“Si Hercules yata 'yan.”

Lahat ng tao ay sa'kin nakatingin, hindi ko rin maintindihan kung anong pinagsasabe nila. Ano ang costume party? s-six packs abs? at sino si Hercules? nahihibang na ba sila? Tila may sayad sila sa pag iisip.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang namamangha sa buong paligid. Tunay ngang napakaganda ng mundo ng mga tao kung iko-kompara sa kaharian aking pinagmulan. May tila metal din na may bilog sa ibabang bahagi na pinapatakbo ng mga tao.

“Kuya..pwede pa-picture?” nakangiting tanong sakin ng isang babae.

“Pa p-picture?” pagtataka ko, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng salitang 'yun kaya mas makakabuti kong tatanggi ako. Hindi ko sinagot ang tanong niya at agad na umalis.

“Ang sungit naman.” inis na tono ng pananalita ng babae. Anong ibig sabihin ng salitang 'yun?

——

—LEA POV—

Pasado alas-diyes na ng gabi at pasara narin ako ng Coffee Shop ko, ang ilang empleyado ko sa Coffee Shop ay nag aasikaso narin ng pag-uwe. Nang mapansin ko ang tila nagkakagulo ang ilang kababaihan sa kabilang kalsada.

“May artista ba?” tanong ko sa sarili ko.

Maya maya pa, napansin ko ang isang lalake na may kakaibang kasuotan ang tila manghang mangha sa kanyang sarili. Ang kasuotan niya ay maihahalintulad kay Hercules kaya naman kitang kita ang kanyang abs. Siguro galing siya sa isang costume party.

[FLASHBACK: FIVE YEARS AGO]

“Ano ba hitsura ng prinsipeng sinasabi mo?” intresado kong tanong kay Thea o Althea Reign Madrigal.

“Basta gwapo siya. Color blue yung mata niya, tapos parang kulay chocolate buhok niya. Para siyang si Hercules dahil sa suot niya.” nakangising pagkakasabi ni Thea.

[END OF FLASHBACK]

“OMGGGG!” napatakip na lamang ako ng aking bibig ng maalala ang depinisyon ni Thea sa lalakeng nakilala niya noon, at ang depinisyon na 'yun ay tila nagtutugma sa lalakeng pinagkakaguluhan ng kababaihan ngayon.

Thea should know about this! Agad kong tinawagan si Thea pero nagri-ring lang ang cellphone niya at hindi n'ya 'to sinasagot. Tulog na ba siya? Ang aga pa ah.

Hello, My PrinceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin