CHAPTER 11

56 4 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 11)

—THEA POV—

Nakauwe na kami sa condo ko at ngayon nga ay ginagamot ko ang sugat ni Nasha sa pisngi. Hindi ko parin alam kung anong nangyari bakit nagkaroon siya ng sugat, o kung kanino ba siya nakipag basag ulo.

“Yan ok na.” saad ko ng matapos ko lagyan ng band-aid ang sugat ni Nasha. Medyo nailang lang ako ng seryoso niya akong titigan.

“Don't look at me like that..” naiilang kong pagkakasabi pero hindi niya parin inaalis ang mga titig niya sa'kin.

“Sorry kung pinag alala kita.” mahinahon na pagkakasabi ni Nash habang nakatitig pa rin siya.

“Sa susunod..sana sabihin mo sa'kin kung saan ka pupunta..sabihin mo sa'kin kung aalis kana..sabihin mo sa'kin kung....” mahinahon kong pagkakasabi pero bigla na lamang akong natigilan saka tumititig sa mga mga mata niya.“...iiwan mo na 'ko.” malungkot kong pagkakasabi naramdaman ko rin ang pamamasa ng mata ko. Agad naman hinawakan ni Nash ang kamay ko.

“Oo sasabihin ko sa'yo..” seryosong pagkakasabi niya. Tumango naman ako habang pinipigilan ang pagpatak ng luha ko.

Ewan ko ba pero bigla nalang sumagi sa isip ko ang ginawang paghalik ni Nasha sakin kanina.

“Sa mundo niyo ba, n-natural lang sainyo na h-hagkan ang babae ng lalake..s-sa labi? kahit wala naman silang malalim na relasyon? Tulad ng mag asawa o magkasintahan?” medyo naiilang ko pang tanong kay Nasha. Pero mas ng alam ko, kaysa naman mag false hope ako. Isa pa, para masabihan ko rin siya na dito sa mundo ng mga mortal hindi mo pwedeng basta basta halikan ang isang tao kung wala naman kayong romantic relationship o hindi sinabi ng direktor sa isang pelikula.

—NASHA POV—

“Sa mundo niyo ba, n-natural lang sainyo na h-hagkan ang babae ng lalake..s-sa labi? kahit wala naman silang malalim na relasyon? Tulad ng mag asawa o magkasintahan?” medyo naiilang na tanong sa'kin ni Thea, agad naman akong umiling sakanya.

“Hindi naman pala, eh kung ganun bakit mo 'ko hinalikan kanina? Nagnanakaw ng halik ah. Hoy Nasha, hindi porket lagi mo 'ko nililigtas ay pwede mo na 'kong pag nakawan ng halik!” panenermon sakin ni Thea.“Alam kong maganda ako at malakas ang sex-appeal kaya naiintindihan kita kung na-attract ka sa'kin. Pero Nasha naman, wag mong gawin trip lang ang paghalik sa babae. Naiintindihan mo ba?” saad ni Thea habang pinandidilatan ako ng mata.

“Ginawa ko 'yun dahil mahal kita.” sincere kong pagkakasabi kaya ang kaninang tila mabangis na tigreng si Thea at tila naging maamong tupa.

—THEA POV—

“Ginawa ko 'yun dahil mahal kita.” sincere na pagkakasabi ni Nasha kaya natulala na lamang ako.

“Anong...anong sabi mo?” pag uulit ko dahil tila nabingi ako ng marining ang salitang 'mahal kita' mula kay Nasha.

“Ang sabi ko mahal kita..” pag uulit niya at tuluyan na ngang kinilig ang buong pagkatao ko pati yata konsensya't kaluluwa ko kinilig din. Inilapit ni Nasha ang mukha niya sa'kin saka niya ako hinagkan sa labi. Ang halik na 'yun ay walang kasing tamis.

——

Nandito na ako sa silid ko, hindi parin makatulog. Hindi parin ako makapaniwala na boyfriend ko na nga si Nasha. Alam kong gising parin si Nasha sa kabilang kwarto ng mga oras na 'to. Ngunit ang kagalakan na nararamdaman ko ay napalitan ng lungkot ng maisip ko na we're not from the same world. And anytime soon, he will leave me. Kaya naman agad nalang tumulo ang luha sa mga mata ko, pigilan ko man ang pagpatak ng luha ko ay hindi ko kaya lalo pa't naiisip ko na kung anong kahahantungan namin dalawa ni Nasha. Hindi rin kami magkakasama sa huli.

Natigil ang pag e-emote ko ng umilaw ang cellphone ko.
'You have 1 unread message'

Agad ko 'yun binuksan at napailing na lamang ako ng makita ko ang pangalan ni Nasha sa conversation list.

'Still awake?' message from Prince Nasha.

Aksayado naman sa load ng lalakeng 'to, palibhasa hindi naman siya 'yung nagpapaload sa number niya kundi ako.

—NASHA POV—

Nandito lamang sa balcony habang nakatingala sa kalangitan, pinagmamasdan ang mga bituin. Naisipan kong i-text si Thea dahil baka sakaling gising pa siya sa mga oras na 'to. Lumipas ang tatlong minuto pero wala siyang reply sakin. Baka tulog na siya, habang ako ito nananatiling gising upang masigurong nasa ligtas na kalagayan si Thea. Lalo pa't alam kong meron nga nagtataka sa buhay niya.

Patungo na sana ako sa silid ko ng magsalubong kami ni Thea sa sala. Una kong napansin ang ang mata niya tila kagagaling lang sa pag iyak.

Lumapit ako sakanya saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

“Bakit umiiyak kana naman?” may pag aalalang tanong ko.

“I'm scared...” saad niya habang tuloy sa pag agos ang luha sa mga mata niya.

“Don't be scared, as long as nasa tabi mo 'ko. Nothing bad will happened to you.” paninigurado ko.

“Yun na nga eh, hanggang kailan ka nasa tabi ko? Pwede bang dito kana lang? Wag ka ng umalis. Wag mo 'kong iwan mag isa.” umiiyak na pagkakasabi ni Thea agad ko naman pinunasan ang mga luha niyang nag-uunahan sa pagpatak saka ko siya niyakap.

“Dito lang ako lagi sa tabi mo, hindi ako mawawala pangako 'yan.” sincere kong pagkakasabi.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now