CHAPTER 12

52 3 0
                                    

"HELLO, MY PRINCE"

(CHAPTER 12)

-THEA POV-

"Ako na ang magda-drive, may dadaanan muna kasi tayo." saad ko saka ko kinuha sa kamay ni Nasha ang susi ng kotse.

"Saan?" pagtataka niya.

"You'll going to meet my friends." nakangising pagkakasabi ko. Saka ko binuksan ang pintuan ng kotse sa driver's seat. Agad narin naman sumakay si Nash sa front seat.

--

-LEA POV-

"Yung mga bulaklak sa bawat table, palitan niyo na mga 'yan. Kailangan laging fresh yung mga bulaklak." utos ko sa ilang empleyado ng Sonederful's Coffee Shop.

"Opo Ma'am." magalang na sagot ng mga ito at agad na sinunod ang utos ko. Mga bandang 8AM kasi ay magbubukas na kami. 7:45AM palang at may ilang minuto pa ang mga empleyado ko upang makapag linis at makapag prefer.

"Ma'am Lea, may naghahanap po sainyo." saad ni Steven, isa mga empleyado ko.

"Sino?" pagtataka ko.

"Si Ms. Althea po." saad nito. Oh?! Ang agad naman niyang magpunta. Siguro miss na ako ng beshycakes ko. Sa back door ako ng coffee shop dumaan dahil sarado pa sa front door. Naabutan ko si Althea na nakaupo sa isa sa mga upuan sa gilid ng coffee shop. May kasama siyang lalake na naka-men suit, nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang mukha. Bodyguard siguro?

"Thea." tawag ko sa kaibigan ko at agad siyang napalingon sakin saka siya tumayo sa kinauupan niya at nakipag beso-beso sakin.

"Ang aga mo naman masyado, magkakape ka ba? Hindi pa kami opening pero pwede na kita bigyan ng paborito mong espresso." nakangiting pagkakasabi ko.

"No need, I'm just passed by. May ipapakilala kasi ako sa'yo." nakangiting pagkakasabi ni Althea.

"Sino? May ire-reto ka ba sakin na jowa?" nakangising pagkakasabi ko.

"Hindi..pero alam kong gusto mo narin siya makilala simula pa noong kini-kwento ko siya sa'yo." nakangiting pagkakasabi ni Althea. Bigla tuloy napakunot ang noo ko, wala naman ibang kini-kwento sakin si Althea kundi ang nakilala niya five years ago na si Nasha daw prinsipe ng isang kaharian. At Hindi rin niya maintindihan kong panaginip ba o hindi. Bigla tuloy nagflashback sa isip ko ang nakita kong lalake last week na tila pupuntang costume party dahil sa kakaibang kasuotan nito.

"Meet Nasha, the one that I'm talking about for the last five years." masayang pagkakasabi ni Thea kaya halos malalag ang panga ko ng bangitin na niya ang pangalan na 'yun. Tumayo mula sa pagkakaupo ang lalakeng nakasuot ng men suit. Saka 'to humarap sakin. Kaya naman pala pinagkakaguluhan siya ng mga kababaihan noong nakaraang linggo ay dahil sobrang gwapo naman talaga mala Hyun Bin ang kagwapuhan. Jusko Lea kumalma ka.

"H-Hi.." nauutal ko pang pagkakasabi habang nakakatitig sakanya."Marunong ba 'to makaintindi ng salita natin?" bulong ko kay Althea habang hindi inaalis ang pagkakatitig kay Nasha. Ang gwapo talaga juskooo! Bahagyang ngumisi lamang sakin si Althe.

"Hi, and nice to finally meet you. I'm Nasha, Althea's boyfriend." wait...a-ano daw? B-boyfriend?! Agad akong napatingin kay Althea na namumula ang pisngi.

"Nice to meet you too Nasha. I'm Lea, Althea's bestfriend for a longest time. Sandali lang ha, kakausapin ko lang 'tong kaibigan ko." nakangisi kong pagkakasabi saka ko hinila si Althea patungo sa lugar kung saan hindi maririnig ni Nasha ang pag-uusap namin.

-THEA POV-

"Gurl what happened?! Kailan pa naging kayo ng lalakeng 'yun? Ni Nasha?! Kailan pa siya nakarating dito? Kailan pa naging kayo?" magkakasunod na tanong ni Lea sakin bakas sa mukha niya na gulong gulo siya.

"Ok Lea, hinga muna ng malalim ok?" mahinahon kong pagkakasabi at sinabayan si Lea na mag inhale-exhale."To be honest, nagulat din ako sa biglang pagdating ni Nasha dito sa mundo natin. He also saved my life ng muntik na akong masagasaan last week...."

"Teka, sabi mo last week? Meaning to say, alam mong nandito na si Nasha pero hindi ka nagki-kwento samin? Noong nagpunta kami sa condo mo, at nakita namin ni Justine ang dalawang mug sa dinning table. Yung time na 'yun, magkasama na kayo ni Nasha? You living on the same roof?!" seryosong tanong ni Lea kaya naman hindi ko na naituloy ang sinasabi ko kanina.

"Oo..sorry If I lied, hindi ko pa kasi alam kung paano sisimulan na magkwento sainyo. Oo, itinago ko si Nasha, to protect his identity. Marami narin akong itinuro sakanya at mabilis niya rin 'tong natutunan kaya naman kung titignan, akala mo tao din siyang tulad natin." mahinahon kong pagkakasabi.

"Eh kailan naman naging kayo? Ang sabi niya boyfriend mo siya, totoo ba 'yun?" seryosong tanong ni Lea, at agad naman akong tumango.

"Oh! Gosh!!" gulat na reaction ni Lea at napatakip pa ng bibig niya.

Hello, My PrinceDove le storie prendono vita. Scoprilo ora