CHAPTER 6

73 2 1
                                    

"HELLO, MY PRINCE"

(CHAPTER 6)

-RODOLFO POV-

"Dad, sure na po talaga kayo na kay Althea niyo ipapaman itong Lovely Perfume Company? Look, mukha naman walang amor si Althea pagdating sa kompanya. Mas gusto pa nga niya ubusin ang oras niya kasama ang mga kaibigan niya kaysa mag focus dito sa kompanya. Chairwoman pa man din siya." mahabang sanaysay ng step-daughter ko na si Melissa. Ang nag iisang anak ng asawa kong si Elisa.

"She has a point, Sweetheart. Pag isipan mong mabuti ang gagawin mong desisyon. Itong si Melissa, nag aral siya ng Business Management sa London noon. Kaya naman mas maalagaan niya ang kompanyang ito kung saka sakali na si Melissa ang gagawin mong CEO ng Lovely Perfume." sabat naman ni Elisa, saka ko siya tinignan ng seryoso.

"Elisa, alam kong matalino at maasahan si Melissa. Pero walang ibang pwede maging tagapagmana ng kompanya kundi si Althea lang. Hindi dahil legitimate daughter ko siya, kundi alam kong may kakayahan siyang na mapatakbo ng maayos ang kompanya." seryosong pagpapaliwanag ko.

Hindi na kumibo pa si Elisa at agad ng tumayo saka lumabas ng opisina ko, kasunod nito ay ang pag alis din ni Melissa.

-MELISSA POV-

"I can't believe na talagang mas gusto ni Dad na maging CEO si Althea kaysa sakin? Si Althea na walang ibang ginawa kundi ang ubusin ang oras sa mga kaibigan niya. Tapos pupunta lang dito kapag trip niya. Yun ba talaga ang gusto ni Dad na maging CEO ng Lovely Perfume?" inis kong pagkakasabi habang naglalakad kami ni Mommy sa hallway.

"Don't worry sweetie, hindi ko naman hahayaan na mapunta sa Althea na 'yun ang kompanyang 'to." nakangising pagkakasabi ni Mommy.

"Then do something Mom. Utusan mo ulit si Henry, and make sure na magagawa niya na ng maayos ang trabaho niya." saad ko.

-THEA POV-

"Nandito na pala ang soon-to-be CEO ng Lovely Perfume." sarcastic na pagbati sakin ng step-sister kong si Melissa ng magkasalubong kami sa hallway habang patungo ako sa opisina ko. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Wala rin naman ako sa mood na makipagtalo pa o kung ano pa man.

"Ayaw ko sa lahat yung tinatalikuran ako kapag kinakausap ko." mataray na pagkakasabi ni Melissa kaya napatigil ako sa paghakbang saka siya nilingon.

"Ano bang gusto mong pag-usap natin?" sarcastic kong tanong sa mataray na tono ng pananalita. Humakbang si Melissa papalapit sa'kin bago 'to nagsalita.

"Ibigay mo sakin ang position bilang CEO ng kompanyang 'to. Kapag ginawa mo 'yun, magiging maayos ang pakikitungo ko sa'yo biglang kapatid mo." seryosong pagkakasabi ni Melissa.

"Do you think I'm stupid to do that?" sarcastic kong pagkakasabi kay Melissa at nginisihan ko pa siya."Ang kompanyang 'to, magkasamang itinaguyod nila mommy at daddy noon. Kaya kung meron man dapat na maging tagapagmana ng kompanya, walang iba kundi ako 'yun. If you want to be a CEO, then build your own company." mataray kong pagkakasabi. Akmang pagbubuhatan ako ni Melissa ng kamay pero agad kong nahawakan ang braso niya.

"Wag mong ubusin ang pasensya ko Melissa, dahil mahirap akong kalaban." pagbabanta ko pa bago ko bitawan ang kamay niya at naglakad palayo.

--

-NASH POV-

"Bitawan niyo 'ko! Saan n'yo ba ako daldalhin?!"

"Nash! Tulungan mo 'ko!"

Napabalikwas matapos magising mula sa masamang panaginip. Nakita ko si Thea sa panaginip ko na pilit isinasakay sa puting van ng dalawang lalake. Agad akong napatingin sa oras, pasado alas-otso na ng gabi at pauwe narin si Thea. Bumangon ako saka hinanap ang cellphone ko. Maka-ilang beses ko tinawagan si Thea pero hindi niya 'to sinasagot ko.

Kung kaya't nagmamadali nalang ako nagtungo sa kompanya kung saan siya nagta-trabaho bilang chairwoman.

-THEA POV-

Pagbukas ng pintuan ng elevator sa ground floor ay agad akong lumabas. Patungo ako sa kung saan naka-parking ang kotse ko.

"Susmaryosep!" sambit ko habang sapo sapo ang dibdib ko dahil sa pagkagulat ng makita ko si Nash."You scared me to death!" usal ko. Pero agad siyang lumapit sakin saka niya ako niyakap na pinagtaka ko. Ay miss niya na ako agad? Ayiee naman. Maya maya pa ay kumalas narin siya mula sa pagkakayakap sakin.

"Ano bang ginagawa mo dito?" pagtataka ko.

"You're not answering my calls." sambit nito.

"Ah yung cellphone ko ba? Nalowbat eh. Pasensya na." nakangising pagkakasabi ko saka nag peace sign."Eh ano ba kasi talagang ginagawa mo dito?" pag uulit na tanong ko.

"Sinusundo ka." sagot niya.

"Sinusundo?" pag uulit ko. Sorry nabingi lang ng kunti.

"Sa pag uwe nalang natin ako magki-kwento." seryosong pagkakasabi ni Nash saka hinawakan ang kamay ko at tinungo ang kotse ko. Binuksan niya ang pintuan sa front seat saka tumingin sakin."Get inside." saad niya.

"Huh?"

"Ako na ang magda-drive, sumakay kana." saad niya habang seryosong nakatingin sakin. Hindi na ako kumibo pa at sumakay nalang habang siya ay sa driver's seat.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now