CHAPTER 5

78 5 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 5)

[ONE WEEK LATER]

—THEA POV—

Mabilis naman natutunan ni Nash ang bagay bagay dito sa mundo ng mga tao. He can speak Filipino and even English fluently, he already knows how to drive a car, he also already know how to used smart phones and even computer. Natuto narin siyang kumain ng meats and rice, pati nga ang pag inum ng white and red wine. At sa kakapanood niya ng Cooking Show sa TV ay natuto narin siya magluto.

Kapag pumapasok ako sa kompanya, naiiwan dito sa condo si Nash. Mas magiging kampanate kasi ako kung nandito lang siya.

Napagkwentuhan na nga rin namin ang tungkol sa mundong pinanggalingan niya, napag alaman ko na ang isang taon dito ay katumbas lamang ng isang minuto sa mundong pinanggalingan niya ang Therwania. Kung kaya naman halos limang minuto lang pala ang nakakaraan sa mundo nila magmula ng mag crossed ang landas namin kung saan unang beses kami nagkakilala.

At sa araw araw na magkasama kami, pinipigilan ko ang sarili kong tuluyan na mahulog sakanya. Alam ko naman kasing panandalian lang siya dito, darating ang araw na aalis siya at babalik sa mundo kung saan talaga siya nababagay.

“Good Morning.” nakangiting bati niya sakin bitbit ang food tray. Agad naman ako napabangon mula sa pagkakahiga ko at papungas pungas pa ng mata.

“Good morning too. Anong oras na ba?” malumanay kong tanong ko.

“7:27AM na. Kaya kumain kana, para may laman yung sikmura mo bago ka pumasok.” malumanay na sagot ni Nash saka nilapag ang food tray sa harapan ko.

—NASH POV—

“Oh! kumain kana, hindi ka mabubusog niyan kung tititigan mo lang yung pagkain na niluto ko para sa'yo.” saad ko ng mapansin na nakatitig lamang si Thea sa pagkain.

“Wag mo na ulit gagawin 'to.” seryosong pagkakasabi niya, saka tumingin sakin.

“B-bakit naman? Hindi mo ba nagustuhan?” mahinahon kong tanong, agad naman siyang umiling.“Kung ganun, bakit----”

“Dahil baka masanay ako.” seryosong sagot niya ngunit ramdam ko ang lungkot sa tono ng pananalita niya.

“Thea...”

“I'm fine. Don't worry about me, Nash. Ayaw ko lang talagang sanayin yung sarili ko. Dahil baka mahirapan ako at hindi ko kayanin kapag gumising ako isang umaga tapos wala kana.” paliwanag ni Thea.“Sige na, mag aasikaso na ako.” seryosong pagkakasabi ni Thea saka siya tumayo mula sa pagkakaupo sa kama niya.

—THEA POV—

Nakokonsensya man ako sa ginawa ko, pero 'yun lang ang sa tingin ko ay tama. Hindi ko pwedeng sanayin ang sarili ko na nasa tabi ko si Nash, dahil ano man oras ay pwede siyang umalis. Pwede niya akong iwan.

“Hayaan mo sanang pagsilbihan kita, protektahan at alagaan ka. Dahil 'yun naman ang dahilan kung bakit kita hinanap. Kung natatakot ka na baka isang araw ay mawala ako sa tabi mo, wag kang mag alala hindi ko hahayaan na mangyari 'yun. Hindi ko hahayaan na iwan ka mag isa.” sincere na pagkakasabi ni Nash kaya naman agad na nanggilid ang luha sa mata ko, lumapit siya sakin pagkatapos ay agad niya ako niyakap. Habang nakayakap ako sakanya ay naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa likod ko.

——

—LEA POV—

Isang linggo ng hindi nagpaparamdam samin si Thea, hindi ko alam kung bakit. Pero baka masyadong busy sa kompanya, malapit na kasi siyang maging tagapag-mana ng Lovely Perfume. Kaya naman naisipan ko nalang puntahan siya mismo sa condo unit niya. Palabas na ako ng Coffee Shop ng makasalubong ko siya sa pintuan.

“Thea?!” sambit ko dahil sa pagkabigla.

“Long time no see.” nakangiting pagkakasabi niya pagkatapos ay nagbeso-beso kaming dalawa.

Naupo kami sa madalas inuupan namin dito sa Coffee Shop kapag nagpupunta ang isa sa kanila ni Justine.

“Kamusta kana? Kaloka ka gurl, isang linggo kang walang paramdam ah. Ano na bang balita sa'yo?” intresado kong tanong kay Thea.

“Pasensya na, naging busy lang this past few days kaya hindi ko mareplayan mga text message mo even your calls.” mahinahon na pagkakasabi ni Thea.“And don't worry, I'm safe and sound.” dagdag niya pa.

“Iba talaga pag malapit na maging CEO. Masyado ng busy.” biro ko pa, agad naman siyang ngumisi.

“Siya nga pala, may sasabihin nga pala ako sa'yo.” saad ko. Ay putek! May usapan nga pala kami ni Justine!

“Ano?” tanong niya. Bigla naman ako natahimik, iniisip ko kasi kung ano ang gagawin kong palusot.“Ano 'yung sasabihin mo?” tanong niyang muli.

“Ano 'yung....”

“Nice one, tamang tama pala ang dating ko nandito ang soon to be CEO nating kaibigan.” biglang dating ni Justine at agad naupo sa tabi ni Thea, jusko Justine kalmahan mo lang.

“Hey!” bati ni Thea kay Justine.

“Anong hey?! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa'min?” seryosong tanong ni Justine.

“Pasensya, busy lang.” nakangising pagkakasabi ni Thea.“Wag na kayo magalit o magtampo, treat ko nalang kayo ngayon.” nakangising pagkakasabi ni Thea.

“Yown ang gusto ko sayo, kaya mahal na mahal kita eh.” nakangiting pagkakasabi ni Justine na alam kong may laman ang bawat salita niya. Akma rin itong yayakap kay Thea pero agad pinakita ni Thea ang kamao niya. Kawawang Justine, mukhang one-side-love.

——

—MELISSA POV—

“Dad, sure na po talaga kayo na kay Althea niyo ipapaman itong Lovely Perfume Company? Look, mukha naman walang amor si Althea pagdating sa kompanya. Mas gusto pa nga niya ubusin ang oras niya kasama ang mga kaibigan niya kaysa mag focus dito sa kompanya. Chairwoman pa man din siya.” mahabang sanaysay ko ng puntahan ko ang step father ko sa office niya.

“She has a point, Sweetheart. Pag isipan mong mabuti ang gagawin mong desisyon. Itong si Melissa, nag aral siya ng Business Management sa London noon. Kaya naman mas maalagaan niya ang kompanyang ito kung saka sakali na si Melissa ang gagawin mong CEO ng Lovely Perfume.” sabat naman ni Mommy.

Hindi naman kumibo si Daddy at tinignan lang ng seryoso si Mommy. Maybe naisip niyang tama ang sinasabi ni Mommy.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now