CHAPTER 19

51 2 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 19)

—NASH POV—

Nadala na sa ER si Althea, nandito ako nakaupo sa waiting area sa gilid ng pasilyo habang iniintay ang paglabas ng doctor mula sa ER. Sa hindi kalayuan, nakita ko ang isang lalake na sa tansya ko ay nasa edad 50's na hindi maipagkakaila na nagmula 'to sa mayamang pamilya, nakasuot din 'to ng salamin sa mata na may grado. Kasama nito ang isang babae na mas bata kung ikokompara sa kanya, todo alahas 'to ay naka-hair dress pa. Sa likod ay isang dalagita na hindi nalalayo sa edad ni Althea, si Melissa..ang step sister ni Althea.

“Oh! natatandaan kita, ikaw ang bodyguard ni Althea tama ba?” sarcastic na tanong sakin ni Melissa sa mataray na tono ng boses.

“May bodyguard si Althea?” pagtataka naman ng sa tingin ko ay Daddy ng fiance ko.

“Yes, Tito Rodolfo. Siya ang bodyguard ng unica ija niyo.” sarcastic na sagot ni Melissa.

“Kung ikaw bodyguard ng anak ko, nasaan ka ng mangyari ang aksidente? Bakit hindi mo man lang iniligtas ang anak ko?! Bakit hinayaan mo siyang mapahamak?! Alam mo bang critical ang sitwasyon niya ngayon?!” nanggigigil sa galit na pagkakasabi ng daddy ni Althea matapos ako nitong kwelyuhan.

“Honey..that's enough! Look, pinagtitinginan na tayo ng mga tao.” pag awat ng step mom ni Althea habang impit ang boses nito. Agad narin ako binitawan ni Mr. Madrigal habang hindi niya inaalis ang matalim na tingin niya sakin. I can't blame Althea's dad. Kasalanan ko naman talaga kung bakit critical ngayon ang sitwasyon ni Althea, alam ko una palang na may nagtatangka sa buhay niya pero hinayaan ko siyang mag isa. Oo tama, kasalanan ko 'to. I should took the blame.

“Umalis kana, at wag na wag ka magpapakita sakin lalong lalo na sa anak ko.” mariing pagkakasabi ni Mr. Madrigal.

“Pero hin---”

“Sige na iho, umalis kana. Para wala ng gulo. Kami na ang bahala kay Althea.” mahinahon na pagkakasabi ng step mom ni Althea. Wala akong ibang nagawa kundi ang sundin sila, umalis nga ako pero nababalot parin ako ng pag aalala para kay Althea lalo pa't nasa delikadong kondisyon siya.

——

Lumabas ako ng hospital at ang una kong nakita ay ang kotseng itim na naka-parking hindi kalayuan sa hospital. Nakita ko ang plate number ng kotse, yun ang parehas na kotseng nagmamadaling umalis matapos mabaril si Althea at yun din ang kotseng muntik ng sumasaga sakanya. Hindi ako nagdalawang isip at agad na tinungo ang kotseng 'yun, papalapit na ako ng makita ko ang lalake mula sa kabilang dako na patungo din sa naka-parking na kotse. Siya si Henry, ang lalakeng nagtatangka sa buhay ni Althea.

“Hello----” hindi niya na naituloy pa ang sasabihin niya matapos ko siyang umbagan ng suntok sa mukha at agad siyang napasubsub sa lupa. Mabilis kong kinasa ang hawak kong baril saka 'yun tinutok sakanya.

“Nash, kalma. Alam mo dapat nga magpasalamat ka sa Althea mo eh. Kasi dahil sakanya buhay ka pa. She'd take the bullet for you. Dahil sa kanya buhay ka pa.” nakangisi pang pagkakasabi ni Henry sa sarcastic na tono ng pananalita.

[FLASHBACK]

“You always save my life..darating araw, ako naman ang magliligtas sayo. I'd take the bullet for you.” sincere na pagkakasabi ni Althea.

“You don't need to do that. Magagalit ako sa'yo kapag ginawa mo 'yun.” saad ko.

[END OF FLASHBACK]

Nabitawan ko na lamang ang baril ko ng biglang may humampas sa likod ko kaya napaluhod din ako sa lupa. Paglingon ko nakita ko ang isa sa mga kasamahan ni Henry na binugbog ko nakaraang araw. Muli sana ako nitong hahambalusin ng dos-por-dos pero mabilis ko 'yun nailagan. Gamit ang aking kamao, inupakan ko siya sa mukha mabilis na nakalas ang isang ipin niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kwelyo niya at itinaas ang kamao ko...

“Nash..”

Napatigil ako sa akmang pagsuntok muli sa mukha niya ng tila marinig ko ang boses ni Althea na tinatawag ang pangalan ko. Nabitawan ko ang kwelyo niya at nagmamadali akong bumalik sa loob hospital.

——

—THEA POV—

Pagdilat ng mata ko, una kong hinanap si Nash. Pero hindi ko siya makita. Inilibot ko pa ang tingin ko sa buong paligid ng silid, pero wala siya. Ngunit nakita ko si Daddy nakaupo sa couch.

“Nash..” nanghihinang sambit ko.

“Althea anak..salamat sa diyos at gising kana.” masayang pagkakasabi ni Daddy ng lapitan niya ako.

“Nasaan si Nash..nasaan siya?” nanghihina kong tanong kay Daddy.

“Wag mo ng hanapin ang lalakeng 'yun. Dahil hindi na-----”

“Althea!” rinig kong boses ni Nash, kaya agad akong napatingin sa pintuan. Nakita ko siyang may sugat na naman sa pisngi.

“Dad, can you leave us?” mahinahon kong tanong kay Daddy. Hindi kumibo si Daddy at hinagkan lamang ako sa noo bago siya tuluyan lumabas ng silid kung saan ako naka-comfined.

Unti unting humakbang si Nash papalalit sa hospital bed ko habang seryosong nakatingin sakin.

“Why you did that?!” seryosong tanong niya sakin.“Alam mo bang muntik ka ng mawala sakin dahil sa ginawa mo?! Paano kung hindi kana nagising?!“ panenermon sakin ni Nash, alam kong galit siya dahil sa tono ng pananalita niya pero ramdam ko ang pag aalala niya sakin.

“S-sorry..” nauutal kong pagkakasabi at tuluyan ng pumatak ang luha ko.

Mas lumapit pa nga sakin si Nash at maging siya ay nanggigilid narin ang luha sa mata niya. Nang makalapit na siya sakin ay tinaas ko ang kamay ko upang abutin ang pisngi niya na may sugat.

“Ayos ka lang? Bakit ka may sugat ka?” pag aalalang tanong ko, agad naman hinawakan ni Nash ang kamay ko.

“Ako pa talaga ang iniisip mo? Althea nabaril ka at muntik ka ng hindi magising kanina. Pero ako ang parin ang inaalala mo?!” tumaas na ang tono ng pananalita ni Nash.

“Sor---” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng hagkan ako ni Nash sa labi.

Hello, My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon