CHAPTER 14

47 4 0
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 14)

—LEA POV—

Ilang minuto matapos makaalis sila Althea at ang boyfriend nitong si Nash na nanggaling pa sa ibang mundo, ay siyang dating naman ni Justine. Si Justine na may gusto kay Althea.  Jusko ang haba naman kasi ng buhok nitong si Althea.

“Hey!” bati sakin ni Justine saka naupo sa paborito niyang upuan dito sa coffee shop. Malapit kasi 'yun sa glass window.“Nakita ko si Althea, may kasama siya. Bodyguard niya ba 'yun?” seryosong tanong ni Justine. Naupo naman ako sa katapat na upuan niya.

Ano bang sasabihin ko? Dapat ko na bang sabihin kay Justine na yung babaeng gustong gusto niya, may mahal ng iba. Kapag ginawa ko naman 'yun, tiyak akong masasaktan si Justine.

“Justine...” saad ko.

“Ano 'yun?” may pagtatakang tanong niya.

“Do you really like Althea?” mahinahon kong tanong ngunit may laman.

“What kind of question is that?” sarcastic pang tanong ni Justine saka siya ngumisi. Sige lang ngisihan mo lang ako, iiyak ka talaga mamaya.“Of course I like her...No, hindi ko na pala siya gusto. 'Cause I started to fall in love with her.” nakangiting pagkakasabi ni Justine. He deserves to know, kahit masaktan pa siya.

“Yung lalake noong nakaraang linggo..” mahinahon kong pagkakasabi hindi ko rin alam kung itutuloy ko pang sabihin sakanya.

“Ah 'yun ba? Diba sabi ko sa'yo secret lang natin 'yun. Wag na wag mong sasabihin kay Althea ang tungkol sa lalakeng 'yun.” saad ni Justine. Hindi ko na kailangan pang sabihin sa kanya Justine, 'cause she's already with him. They also living on the same roof.

“About sa lalakeng 'yun...” mahinahon kong pagkakasabi kasabay ng pagbuntong hininga. Seryoso naman na nakatingin sakin si Justine na para bang inaabangan ang susunod na sasabihin ko.“Alam na ni Althea ang tungkol kay Nash. In fact, yung lalakeng nakita mo kaninang kasama ni Althea, He's Nash. Althea's boyfriend.” mahinahon kong pagkakasabi bakas naman sa mukha ni Justine ang pagkabigla.

——

—NASH POV—

“I-ikaw 'yun?” halos hindi mapakaniwalang pagkakasabi ni Althea. Nakangiti naman akong tumango sakanya.

“But you exactly look the same. H-How....”

“I'm Immortal..” sambit ko.

“I-Immortal?” pag uulit ni Althea. At saka ako tumango.

“So you mean you're older than me? If 5 mins is equivalent to 5years, so how old are you now?...” intresadong tanong ni Althea agad naman siya napatakip ng bibig niya at nanlalake ang matang tumingin sakin.“OMG sobrang tanda mo na pala!“ gulantang na saad ni Althea pero agad naman siyang natawa.“Pero hindi halata, ang gwapo mo parin eh.” nakangising pagkakasabi ni Althea.

——

Nandito na kami ngayon sa opisina ni Althea, pumipirma siya ng kung ano anong papeles. Habang ako ay naka-upo sa couch at pinagmamasdan siya. Sobrang ganda niya parin kahit abala siya sa trabaho. Kaya naman tumayo ako sa kinauupan ko at lumapit sakanya saka naupo sa working table niya. Agad naman siyang napatingin sakin.

“W-why?” mahinahon tanong niya.“Do you need something?” muling tanong niya sa malambing na tono ng pananalita. Agad naman ako tumango sakanya.“Nabo-bored ka ba-----” hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya ng hagkan ko siya labi.

——

—JUSTINE POV—

Patungo ako ngayon sa opisina ni Althea, gusto ko siyang makausap. Gusto kong alamin kung totoo ang sinasabi ni Lea. Alam kong wala akong karapatan magselos o masaktan, pero mahal ko si Althea. Mahal ko siya simula't simula pa. At hindi ko kakayanin kapag napunta siya sa iba.

Pagbukas ko ng pintuan ng opisina ni Althea, nadatnan ko siyang nakangiti habang nagtititigan sila ni Nash, ang sinasabi ni Lea na boyfriend ni Althea. Si Nash na nanggaling pa sa ibang mundo at hindi tao tulad namin.

“Oh Justine!” gulantang na pagkakasabi ni Althea ng mapansin niya ako at agad na napatayo sa kinauupan niya. Binaling ko naman ang tingin ko kay Nash, saka ako muling tumingin kay Althea

“Pwede ba tayo mag-usap?” garalgal ang boses ko na tanong kay Althea. Agad naman siya tumingin kay Nash.

“Can you leave us for a while? Mag uusap lang kami ni Justine. He's my friend.” mahinahon na tanong ni Althea kay Nash, hinagkan ni Nash si Althea sa noo bago umalis na lalong nagpadurog sa puso ko.

Nang makalabas na ng opisina si Nash, agad akong lumapit kay Althea saka siya niyakap.

—THEA POV—

“Anong nangyayari sa'yo?” pagtataka kong tanong kay Justine ng bigla nalang niya ako yakapin. Kasalukuyan kami nagbibiruan ni Nash ng biglang dumating si Justine dito sa opisina ko. Bakas din sa mata niya ang matinding lungkot hindi ko alam kung bakit.

Maya maya pa ay kumalas narin si Justine mula sa pagkakayakap sakin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko habang nakayuko siya.

“Tell me what happened?” mahinahon kong tanong na may pag aalala. Inangat niya ang ulo niya at nakita ko ang luhang umaagos mula sa mata niya at dumadampi sa kanyang pisngi.

“Totoo ba? Totoo bang..boyfriend mo na ang Nash na 'yun?” naluluhang tanong ni Justine sakin.

“Oo..” mahinahon kong sagot.

“Paano naman ako?” umiiyak na tanong sakin ni Justine na labis ko pinagtaka.

“H-hindi kita maiintindihan.” saad ko.

“Althea mahal kita..simula pa noong una mahal na kita...” sincere na pagkakasabi ni Justine. Sa pagkabigla ay hindi agad ako nakapag salita.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now