CHAPTER 23

53 4 2
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 23)

—RODOLFO POV—

“May balita na ba sa pinapa-imbestigahan ko sa'yo? Alam mo na ba kung sino ang nagtatangka sa buhay ng anak ko?” seryosong tanong ko kay Arthur ng magtungo siya sa opisina ko.

“Oo, Mr. Madrigal.” agad na sagot ni Arthur saka nilapag ang brown envelope at flashdrive sa ibabaw ng coffee table.

“Nasa brown envelope at flashdrive na 'yan ang sagot sa mga katanungan mo Mr. Madrigal.” seryosong pagkakasabi ni Arthur.

Inuna kong tignan ang nilalaman ng flashdrive saka 'to sinalpak sa Laptop ko at inopen ang nag iisang files.

——

“Mom, paano kapag ikinanta tayo ni Henry? Paano kapag nagsumbong siya sa mga pulis or kay Tito Rodolfo? Paano kapag nalaman niya na ako talaga 'yung nagtatangka sa buhay ni Althea? Mom, ayaw kong makulong.” paghe-heristerikal ni Melissa sa video.

“Kumalma ka nga Melissa, hindi ka makukulong. Hindi naman ako papayag na makulong ka. Kaya bago pa man makapag sumbong si Henry, patatahimikin na natin siya.” saad naman ni Elisa.

——

“Bukod pa d'yan, nalaman ko rin na may kinalaman ang second wife mong si Elisa sa pagkamatay ni Lovely.” saad ni Arthur saka inilapit sakin ang brown envelope. Kaya agad ko 'yun binuksan. Medical record ng totoong sanhi ng pagkamatay ni Lovely.

“Hindi namatay ang dati mong asawa sa sakit na Leukemia, palabas lamang 'yun ni Elisa at ng doctor ng asawa mo na kakotsaba niya. Ang totoo ay nilason siya ni Elisa, matapos itong sapilitan na injection-an ng nakalalason na chemical sa katawan na naging resulta ng paglalagas ng buhok, mga bruises at panghihina ng katawan ng dati mong asawa.” mahabang paliwanag ni Arthur dahilan upang hindi ako agad makapag salita dahil sa pagkabigla.

——

—ELISA POV—

“Oh! Honey, sobrang aga mo yata umuwe. Hmmm alam ko na, namiss mo agad ako 'no?” nakangiting saad ko yayakapin ko sana si Rodolfo ng mapansin ko na may kasamang siyang mga pulis.

“B-bakit may kasama kang mga pulis?” nauutal kong tanong na may pagtataka.

“Nagsisisi ako, na nagawa kong pakasalanan ang halimaw na tulad mo.” mariing pagkakasabi ni Rodolfo. Hindi kaya...hindi kaya alam na niya ang totoo?“Dahil sa'yo, nasira ang pamilyang matagal kong iningatan at pinangalagaan..dahil sa'yo nawala sakin ang babaeng unang minahal ko.” panunumbat ni Rodolfo agad naman pumatak ng tuluyan ang luha sa mga mata ko.

“Mommy what happened? Bakit may mga pulis dito sa bahay?” pagtatakang tanong ni Melissa na kararating lang.

Hindi na ako nagsalita pa at lumapit na sakin ang isang pulis saka ako nilagyan handcuffs sa kamay.

“Mom! Ayaw kong makulong! Ano ba bitawan niyo 'ko! Tito Rodolfo..Tito please I'm begging you! I don't want to be in jail.” umiiyak na pakiusap ni Melissa habang hawak siya ng dalawang pulis sa magkabilang braso.

Bago ako sumakay ng police mobile ay sinulyapan ko pa ng tingin si Rodolfo. Hindi ko inakala na hahantong sa ganito ang lahat, ang nais ko lang naman ay muli kaming magkasama ni Rodolfo kahit namatay na ang anak namin noon na si Ayesha.

30years ago, bago pa man magkakilala sila Rodolfo at Lovely ay may relasyon na kami ni Rodolfo. He's my first boyfriend at first love niya naman ako. Hindi ako nagmula sa mayamang pamilya, kaya naman hindi ako gusto ng mga magulang ni Rodolfo para sakanya. Gustuhin man ako pakasalan ni Rodolfo noon ay hindi pwede dahil hindi boto sakin ang mga mga magulang niya. Dalawang buwan akong buntis sa anak namin ni Rodolfo ng makipaghiwalay siya sakin. Hanggang sa nalaman ko nalang na ikinasal na si Rodolfo sa babaeng hindi niya mahal na si Lovely. Masakit para sakin na makitang bumubuo ng sariling pamilya ang lalakeng nangako sa'yo ng habang buhay na pagmamahalan.

Walang kamalay-malay si Rodolfo na nagbunga ang pagmamahal naming dalawa noon. Itinaguyod ko ng mag isa ang anak namin na si Ayesha. Ngunit isang araw, ang kalahating buwang gulang palang noon na si Ayesha ay nagkasakit. Dinala ko siya sa hospital kahit alam kong wala akong pera, ngunit tila yatang masyadong maliit ang mundo para samin ni Lovely ang babaeng pinakasalan ni Rodolfo sa ngalan ng kasunduan.

[FLASHBACK: 30 YEARS AGO]

—LOVELY POV—

“Madam Lovely, hindi ba't ang babaeng 'yun ang ex girlfriend ng asawa niyong si Sir Rodolfo? Anak ba nila ang batang karga niya? Nagka-anak ba talaga sila?” maintrigang tanong sakin ni nurse Paula.

“Naiisip mo ba ang naiisip ko?” nakangising tanong ko kay Paula.

“H-hindi po..” nauutal nitong sagot.

“Ang batang 'yan ang posible maging dahilan para maghiwalay kami ni Rodolfo. At hindi ako papayag na mangyari 'yun.” seryosong pagkakasabi ko.“Anong sakit ng bata?” seryoso kong tanong.

“Sipon lang naman Madam, kulang kasi sa bitamina yung bata pati 'yung nanay.” saad ni Paula.

“Palalabasin niyong namatay ang bata dahil sa ibang sakit nito.” nakangisi kong pagkakasabi.

“P-po?!” gulantang na reaction ni Paula.

“Baka nakakalimutan mo Paula, wala ka sa kinalalagyan mo ngayon kung hindi dahil sa pamilya ko.” pangongonsensya ko pa kay Paula na may panunumbat.

“Eh ano pong plano n'yo sa bata?” may pag aalalang tanong ni Paula.

“Ako ng bahala sa bata, palalabasin ko nalang na nanganak na ako kahit hindi ko pa kabuwanan. Dahil 'yun naman ang dahilan kaya rin nagmadali si mommy na maikasal kaming dalawa ni Rodolfo, dahil inakala nilang nabuntisan ako ni Rodolfo.” nakangising pagkakasabi ko.

——

—ELISA POV—

“Anong ibig mong sabihin? Na nagkaanak tayo?!” hindi makapaniwalang tanong sakin ni Rodolfo matapos niyang malaman na namatay ang anak namin kalahating buwan matapos ko 'tong ipanganak.

Umiiyak naman akong tumango sakanya.

“Pero bakit hindi mo agad sinabi sakin? Bakit inilihim mo sakin?! Elisa naman, anak ko rin 'yun!” tumaas na rin ang tono ng boses ni Rodolfo.

“Sinubukan kong sabihin sa'yo noon. Pero hindi mo 'ko binigyan ng pagkakataon dahil nakipaghiwalay kana sakin.“ umiiyak kong paliwanag.

[END OF FLASHBACK]

Years later, I came back to make revenge. Ginawa ko lahat upang makuha ko ulit si Rodolfo sa babaeng nang-agaw sakin noon. Si Melissa ang naging sangkalan ko upang maisakatuparan 'yun. Si Melissa ang naging bunga ng bangungot na nangyari sakin noon. Gayun pa man, hindi ko naisipan na ipalaglag siya. Dahil wala naman kasalanan ang bata sa kung ano man ang nangyari sakin noon.

——

—THEA POV—

Nilibang ko ang sarili ko habang tinitignan ko ang photo album na naglalaman ng larawan namin ni Mommy noong nabubuhay pa siya hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang lumang litrato noong baby pa ako. May nakasulat sa likod ng litrato kaya agad ko 'yun binabasa

'BABY AYESHA MAGDRIGAL'

“Sino si Ayesha? At bakit nakasulat 'yun sa likod ng picture ko?” labis na pagtataka ko.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now