21: CONNECTIONS

4K 289 13
                                    

“So, they are erasing the infected with the use of nuclear bombs?” Tyler asked while extracting a blood sample from Chi’s bozos body part.

Together with their patient Chi, Tyler and Parker were isolated to the kitchen area where they are doing their study. Chi told them to study her infected body part while the sun is up, we were against her idea at first, but she emphasized that it could really help us if we know the difference between the infected to the normal ones.

I saw how Cara twisted her lips while looking at the blood remove from Chi’s body being transferred to a test tube. It was a gelatinous dark red blood and was swaying along with the movement of the RV.

“Tyler,” Parker called as he held the two test tubes, which are both Chi’s blood, one from the infected side and one from her normal body.

“Hoy. Bakit jelly-jelly ‘yong isa?” Tanong ko. Nang tumigil ang RV ay agad kong narinig ang mga hakbang ni Spencer sa likuran ko. Tiyak kong nasa Gethsemane na kami dahil sumusilip na sa may bintana si Cara at tumigil na rin si Spencer sa pagdadrive.

“Chi’s infected part has the absence of the bone marrow,” Parker answered. He carefully put a small amount of gelatinous blood to a coverslip and examines it in a microscope.

“Kung walang bone marrow si Ate Chi sa part na ‘yon, ibig sabihin walang white cells na lalaban sa mga infection niya.” Bulong ni Spencer sa gilid ko.

Nagulat ako nang biglang binato sa akin ni Cara ang katana saka niya ako hinila palayo kay Spencer, “Aalis tayo,” sambit ni Cara.

“Halata nga.”

“Where are you going?” Spencer asked. He is really better when the presence of chocolate is missing in his system; he is calm and serious.

“Gethsemane General Hospital,” Cara answered.

Napangisi na lamang ako nang dahil do’n, nang mag-angat ako ng mga mata ay nakita ko ang pagtitig sa amin nina Parker at Tyler na naka-surgical mask at gloves ngayon kasabay no’n ang makahulugan na tingin ni Parker kay Cara.

“Do you think that hospital has 2000x magnification?” Parker asked Cara.

“It is a hospital, moron.”

“Then get one.” Cara nodded to Parker’s command and once again pulled me outside. I frowned at her when we exited the RV and in front of us was the biggest hospital in the Philippines, the Gethsemane General Hospital.

Habang inaayos ko ang katana ay nahagip ko si Spencer sa gilid ng mga mata ko na nakasunod sa amin. May nakasukbit na mga baril sa gilid ng kaniyang baiwang at mayroon din siyang bag sa likuran bukod do’n ay dala-dala rin niya ang baseball bat ni Parker.

“Bakit ka nandito?” Tanong ko.

“Baka may vending machine sa loob. Mangunguha lang ako ng chocolate.” Nice one! Nang makapasok kami sa loob ay tahimik lamang ang paligid dahilan upang maging alerto kami.

Dumiretso naman si Cara sa front desk dahil nando’n ang CCTV monitor, kung saan maaari naming makita kung saang palabag mayroong bozos. Ang ospital na ito ay may labing limang palapag ngunut kahit isa sa mga ito ay walang makikitang bakas ng dugo o kahit anino ng mga bozos.

“Mas delikado talaga pag ganitong katahimik,” bulong ko saka ko napansin ang floor plan ng ospital na nakadigkit sa front desk. Agad kong tinuro iyon kina Cara at Spencer dahilan upang muli naming i-check ang mga CCTV camera sa bawat palapag.

“Nasa 12th floor ang laboratory. Aside from that marami rin na vending machine ro’n,” sambit ni Spencer habang inaayos ang bag sa kaniyang likuran.

OUTCAST (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon