27: LYCORIS

3.6K 281 114
                                    

“Amira, kung hindi mo kakainin, h’wag mong panlisikan ng mata.”

Inis kong tiningnan si Peter na nasa aking harapan. Nasa hapag kami at nag-aalmusal kasama rin ang mga magulang niya maging ang kay na Cara at Tyler. Inirapan ko naman s’ya at muling tinuon ang atensyon ko sa almusal.

Dinig na dinig ko ang pagtawa n’ya maging ang biglaang pagtataray sa kanya ni Cara dahil magkatabi sila.

“Is something bothering you, ija? Don’t worry, Tyler is still free—”

“Dad, tigilan mo nga ang kakabugaw sa akin kay Amira,” Singhal ni Tyler sa kanyang Ama na inosente lamang siyang nilingon. At gamit ang tinidor n’yang may hotdog pa, gigil na tinuro ni Tyler si Parker, “Iyan ang ibugaw mo kay Amira!”

“Anak, wala kang jowa. Concern lang naman ako lalo na’t may pandemya, mahirap na makahanap ng magagandang babae ngayon. ‘Yong iba nanakmal—”

“Dad!” Tyler screamed with disbelief. His father teasingly zipped his mouth and winked at me as he suppresses his laughter.

Parker’s father curiously raised his brow while he was switching glances towards Parker and me, “So, what’s the meaning behind Tyler’s remark?” I suddenly felt a glint of nervousness when Spencer’s lips slowly curled.

“Tito Pierre! Tito Pierre! Magkatabi sila sa RV matulog tapos nag-momol sila tuwing—”

Parehas kaming nasamid ni Parker dahil sa biglaang pag-imik ni Spencer. May nakalolokong ngiti ang nakausbong sa kanyang mukha na tila pinahihiwatig n’ya ang kanyang munting ganti sa hindi ko pagtulong sa kanya kahapon na makasali sa meeting.

“Momol?” Tanong ni Tita Mathilde, ina ni Cara.

Napangiwi na lamang ako. Gustong-gusto ko na talagang tumayo kung hindi lamang n’ya hawak ang aking braso. Makakaganti rin talaga ako sa batang ‘to. Hintayin n’ya lang.

“Sabi ni Ate Cara sa akin dati ‘yon po ay naghahalikan—” Wala sa sarili kong nasampal ang bibig ni Spencer upang manahimik s’ya.

Samantalang ang kapatid ni Parker ay hagalpak na kakatawa, kulang na lamang ay patayin ko s’ya.

“Manahimik ka, please lang,” I pleaded. Spencer suddenly bit my hand and forcefully shook his head, simply telling his refusal to my request.

I glared at him and pointed my fork, “Shut up—”

“Shut up or what, Amira?!”

I gasped and looked at Parker, “Daddy! He is not calling me Mommy any… more…” I shut my mouth when I realized what I just have said.

And the fucking kid beside me was wiggling his eyebrows as if he just won against me. Malapit ko na talagang makalimutan na bata lang ’to. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni Parker sa gilid ng aking mata maging ang gulat na pagtingin sa akin ng matatanda sa paligid.

Tumikhim ako at umakto na tila walang mali sa paligid. Nang matapos akong kumain ay umayos ako nang upo at napansin na nakatingin sa akin si Mr. Gonzalo.

“Ija, Parker na ba—”

“Dad, subukan mo… makakakita ka ng anak na sinaksak ang tatay.”

Natatawang bumaling muli sa akin si Mr. Gonzalo matapos s’yang pagbantaan ng kanyang anak, “Ija, may dalawanf infected na nakatali sa loob ng laboratory. Wala pang formula ng Lycoris Albiflora sa katawan nito dahil baka matunaw agad ang katawan nito. Sasamahan na lamang kita sa loob—”

OUTCAST (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon