PROLOGUE

1.5K 36 1
                                    

Welcome to the Love Academy Series 2nd installment! Fix Marriage With My Enemy. This story contains spoiler po from series one kaya sana basahin niyo rin po 'yon.

Series #1 My Ex Is Back!

Series #2 Fix Marriage With My Enemy



Prologue...

~Rona Serene Norriente~

Kanina pa ako tulala rito sa kinau-upuan ko. Ang mga pisngi ko ay nakatukod sa palad habang tulalang tinititigan ang blankong black board.

Bakit black board ang tawag kung green naman?

See? Ang layo na ng abot ng isip ko sa pagkatulala ko.

Hindi ako makapaniwala, kahit na kahapon pa nangyari lahat ayaw pa rin iproseso ng utak ko ang lahat.

Grabe! Ang ganda naman ng unang araw ng December ko! Ang ganda nitong pamasko! Promise!

Naalala ko na naman ang buong nangyari kahapon.

“I got to go girls!” Paalam ko sa mga kaibigan kong sina Lian at Mae. That was the end of our daily routine every school days. Sabay kaming pupunta sa parking lot ng school then we’re going to separate ways, sasakay sa sariling services at uuwi.

“Sige ingat,” Lian said then kissed my checks. I smirked at her, medyo badtrip si Lian ngayon kaya nakakunot ang noo.

“Huwag na ikunot ang noo madali kang tatanda niyan!” I reminded her, she just rolled her eyes at me.

“Hayaan mo na! Badtrip eh,” sabi ni Mae sabay halik rin sa pisngi ko. Unang dumating ang service ko kaya mauuna akong umalis sa kanila.

Nakangiti akong umalis at sumakay sa kotse namin. “Afternoon Ma'am,” bati ni Kuya driver.

Nang maka-upo na ako sa likod ng sasakyan ay automatic na nawala ang ngiti ko. Agad ang pagbigat ng dibdib ko dahil alam ko na ang dadatnan sa mansyon mamaya.

This day is extra different and heavy, hindi lang sa patong-patong naming projects and assignments sa school. But also because of the stupid thing na mangyayari mamaya pag-uwi ko.

Pag-uwi ko lang naman sa mansyon ay ipapakilala na nila sa ’kin kung sino ang papakasalan ko kuno.

I can’t believe my parents did this to me! I’m just eighteen and a Grade Twelve student pero plinaplano na nila ang panghabang buhay kong future.

I understand that it’s for business, pero naisip din kaya nila kung ano ang mararamdaman ko?

Ilang beses na akong sinabihan ni Mommy tungkol dito but I still couldn't get why it’s so necessary? Last time I checked hindi pa naman bumabagsak ang business namin, infact nag-expand pa nga, eh!

Of course! I’m against of this fix marriage thing. Kaya plinano ko na ang mga dapat gawin. But first, I need to see who they are going to fix me on a marriage, I need to talk to that person! Plan things out para hindi matuloy ang kahibangang ito!

Kailangan ko munang kilalanin ang taong papakasalan ko— na kailanman hindi mangyayari. . . for me to make a step, mas better kung makikipag cooperate siya sa ’kin.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now