CHAPTER 07

489 19 0
                                    

CHAPTER 07 | Connections |

"Sinadya niyang ibigay kay Tine 'yon para pagbintangan ang kaibigan natin." Natigilan ako sa paghakbang dahil sa sinabi ni Archy. I know she's accusing me.

Umiling na lang ako at ipinagpatuloy ang pag-akyat, they don't know and they don't saw the whole story so there's no use explaining what happened or explaining myself to them. Besides, hindi ko naman sila ka-ano-ano para mag-explain ako sa kanila. Magsasayang lang ako ng laway para sa mga taong tulad nila.

"'Di ba Serene? Sinadya mo 'yon?" Really? And she has the gut to mention my name? 

Nakangiti kong hinarap sila, medyo nagulat ako nang makitang nandoon pa rin si Prine.

"W-wala akong alam sa sinasabi ninyo." Binalingan ko ang mga kaibigan ni Tine bago nagmamadaling umakyat para makaapak na sa floor ng room namin.

Napapikit ako nang mariin nang mag-flashback sa 'kin ang itsura ni Prine kanina. I'm sure narinig niya ang pinag-uusapan nila Archy at Givanne. Ano na lang ang iisipin niya tungkol sakin?

Hayst! Probably he'll think that I'm a bad person and I deserve those who bully me both physically and verbally.

Teka nga! Bakit ko ba iniisip ang opinion ni Prine rito? Kailan pa ako nag-isip sa sasabihin ng ibang tao sa 'kin? Eh, sanay naman na ako na bukod sa mga kaibigan ko at some classmates, halos lahat ng population sa school na 'to ay the same lang ang perspective tungkol sa 'kin?

"Busangot ka? Kayo palang dalawa," puna ni Mae pagdating ko sa room. Nandito na rin si Lian na humahaba ang nguso. Napapansin ko talaga ang pagka-bad mood nito simula nang magsimula ang pasokan, hindi naman siya gan'yan dati.

Umupo muna ako sa tabi ni Lian at Mae dahil wala pa ang teacher at 'di pa nagsisimula ang klase. Actually, malayo na ang seat arrangement namin sa isa't-isa, hindi na tuloy kami makapag-usap at makapag-kopyahan sa isa't-isa dahil sa layo namin.

"Hindi talaga ako naniniwala sa rason mo? What's with you and Clark ba?" Ang tinutukoy kong Clark ay 'yung transfery na humila bigla kay Lian noong papunta kaming cafeteria.

"Sabi ko nga 'di ba? May kailangan lang 'yung tao tungkol sa assignment," aniya sabay iwas ng tingin. Kami naman ni Mae ang nagkatinginan, bahagya pang tinaas ni Mae ang kilay sa 'kin.

"Eh, bakit wagas makatitig 'yon?" si Mae. Nagkibit naman ng balikat si Lian.

"Baka gano'n lang talaga siya manitig. Alam n'yo naman mata no'n." Ngumuso ako at naisip ang mga mata ni Clark. Maganda at mapupungay nga iyon, gwapo rin ang kaklase naming 'yon, pero kung ikukumpara kay Prine mas charming si Prine. Masyado kasing seryoso si Clark, medyo nakakatakot din.

Teka! Bakit ba nasingit si Prine sa isipan ko?

Malapit nang matapos ang second period class namin nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. I sneaked my phone out habang nagsasalita ang lecturer namin.

Yushi Fukawa:

Hi Serene! I'm here at school meet me at the dean's office.

Agad akong napangiti sa text ng pinsan ko, ang totoo ay magkapatid sina Mommy at si Tita Louise, ang may-ari ng school na ito. Anak ni Tita Louise si Yushi na malapit kong pinsan.

"Guys nasa Dean's office raw si, Yushi." Nakangiti kong pagbabalita sa mga kaibigan. Agad namang na-excite at nagningning ang mga mata ni Lian. Kilala rin kasi nila si Yushi dahil nga senior namin noon.

Tinignan ko ang reaction ni Mae na ngayon ay nakangiwi na.

"Gusto niyong sumama?"

"Ayoko," sagot agad ni Mae, hindi man lang nagdalawang isip. Dati kasi ay niligawan siya ng pinsan ko pero binusted niya, bitter kasi sa pag-ibig 'tong si Mae. Kung si Lian may ex na isa at may mga manliligaw din, sa 'kin naman walang nagkamaling manligaw.

"Hoy! Bitter ka pa rin kay Yushi 'no? Galit ka lang dahil iniwan ka," pang-aasar sa kanya ni Lian.

"Manahimik ka nga!" suway ni Mae sa kanya.

"Sama kayo?" tanong ko ulit.

"Ayaw ni Mae, eh. Sasamahan ko na lang ang pighati nating kaibigan." Nang-aasar na ani Lian.

"Baka ikaw ang pighati?" Halos sabay pa naming sabi ni Mae kay Lian.

"Paano 'yan? Siya lang mag-isa baka ma-bully na naman 'yan," concern na ani Lian.

"Ayos lang, sa dean's office lang naman ako eh, walang magtatangka," I assured them. They really care for me, kahit ilang araw na simula noong nangyari sa bathroom, bantay-sarado pa rin ako ng dalawa. Dahil ayaw talaga ni Mae na makita si, Yushi ako na lang mag-isa.

"Yushi kamusta!" Ang dami niya ring pinagbago, ah!

"I'm fine Serene, you're a big girl now," puna niya rin sa 'kin. "Sayang at hindi ako naka-attend sa debut mo, but Mommy sent me your pictures. Ang ganda." Siguro two years din kaming hindi nagkita.

"Yushi, I'm flattered!"

"Tara sa cafeteria, treat kita? Nasaan na nga pala mga friends mo?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Friends ko ba o si, Mae ang hinahanap mo? Come on you can directly ask Yushi!"  Natawa at umiling si Yushi sa kin. Pagkatapos ay ginulo niya ang buhok ko na parang bata.

"So cute Serene, but darling I have a girlfriend sa Japan." Nanlaki ang mga mata ko!

"Oh, well that's good to hear!" He chuckled at me.

"Mauna ka na sa labas, kukunin ko lang cellphone ko." Tumango ako at nagpamauna nang naglakad. Tinext ko sina Lian at Mae about what Yushi told me.

"Uy, galing dean's office, oh?"

"Malamang nangolekta na naman 'yan ng connections niya."

"Alam ko bobo raw 'yan eh, pumapasa lang dahil sa connection." Huminga ako nang malalim. Few of them knows that I have Vellomina on my name, ang iba naman ay hindi alam at mas gugustohin kong hindi na nila malaman.

And what did they say? I'm a bobo?!
Aaminin kong hindi ako magaling sa academics pero wala naman sigurong bobo na tao? Sobra na sila, ah!

Hindi ko na lang pinansin, mas pinagtuonan ko pa ng pansin ang kagulohan sa malapit.

Napa-awang ang labi ko nang makitang sumubsob si Tine sa damuhan dahil may tumulak sa kanya. Walang pagdadalawang isip akong lumapit, maraming tao ang nakiki-isyuso but no one dared to help Tine!

Nakita ko ang paglapit ng babaeng tumulak kay Tine. Akma niyang sasampalin si Tine pero agad ko na siyang inunahan.

Para hindi niya masampal si Tine ay hinablot ko ang buhok niya. "Stop that!" Nang mailayo ko siya kay Tine ay si Tine naman ang nilapitan ko. Tinulongan ko siyang tumayo bago hinarap ang galit na galit na si Grecel, kilala ko siya bilang isa sa mga elites ng school na ito.

"Ano bang problema mo Serene! H'wag kang makialam dito! H'wag kang pabida at may kasalanan sa 'kin ang hampaslupang scholar na 'yan." Dinuro niya pa ako.

"Grecel kung may kasalanan si, Tine madadaan naman 'to sa usapan, you don't need to push her."

"Don't you dare tell me what to do Serene," aniya sabay hablot kay Tine. Hindi ko siya hinayaang kunin si Tine kaya pinigilan ko ang kamay niya.

Nagmatigas siya kaya wala akong ibang nagawa kun'di gamitin ang basic na natutunan kong self-defense. Pinaikot ko ang kamay niya papunta sa likuran niya.

"Aray ko!" Agad naman siyang sumigaw sa sakit.

"Ano'ng nangyayari rito?" Natigilan ako nang marinig ang baritonong boses na 'yon. Agad kong nabitawan si Grecel nang sumalubong ang matatalim na tingin ni, Prine sa 'kin.

Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yanyan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now