CHAPTER 19

412 15 0
                                    

CHAPTER 19 | Okay |

Nakaya kong pumasok sa school noong Biyernes para suportahan ang mga kaibigan ko. They supported me during my performance kaya dapat naka-suporta rin ako sa kanila.

Funny how everything change in an instant, kahapon lang ay masayang masaya pa ako habang kumakanta sa taas ng stage na 'yan. But yesterday also was the worst day of my life.

Siguro nga matagal na akong manhid, matagal na akong nagpapanggap na ayos na ang lahat, nasanay na ako sa mga sinasabi nila kaya madali na lang sa 'kin na gawin 'to.

They say experience molds the person to become who she will be today. I was molded with bullying, stereotyping, rascality, and envy. And I guess those negative things thrown at me molded me to become a strong person like this. To become who I am today.

Kahit papaano proud ako sa sarili ko ngayon, kasi nakaya ko ang lahat ng 'yon. Despite of the things they threw me, I grew up humble and patient.

Pero siguro talagang nauubos ang pisi ng tao, pagod na ako. I'm tired pleasing everyone and proving myself to them. Wala na akong pake sa ibang tao ngayon. All I cared right now are the people who loves me, sila lang ang tunay na nakakaintindi sa 'kin kahit na hindi ko ipaintindi ang sarili ko sa kanila.

I don't need to please everyone, sa dami ng population sa campus na ito My two best friends are more than enough, wala na akong pake sa iba. Pagod na akong intindihin sila at ang mga makikitid nilang utak.

I learned to stay humble before, but after what happened yesterday? I learned to hate the people who hate me. My mother is right, masama ang maging sobrang mabait.

I cheered for my two best friends while they are singing on stage. Kung lumala man ang mga pagpaparinig nila sa 'kin, mas lalo naman akong naging manhid. I realized na wala na talaga akong magagawa sa kanila at bahala na sila kung 'yon man ang tingin nila sa 'kin.

"Desperada, alam mo bang si, Prine ang crush niyan?"

"Nabalitaan ko nga, ang sabi ay in-announce raw niya sa buong campus. Grabe ang kapal ng mukha."

Dumaan lang ako sa harap nila na para bang hangin. Bumaba ang tingin ko sa nakakuyom na kamao ni Mae.

"Chill Babe, galit na galit, ah?" bulong ko sa kanya, nandito kami ngayon sa cafeteria. Si Lian ay naiwan sa classroom, nadapa siya kanina kaya siguro may naipit na ugat. Kumikirot ang paa niya kaya hindi siya makasama sa 'min. Nahihirapan siyang maglakad.

Malalim akong napabuntonghininga nang maalala na naman ang nangyari kanina.

Kanina ay nadapa si Lian, mabuti na lang at walang ibang taong nakakita bukod sa 'min at sa kaklase naming si Clark. We helped her out, na-sprain yata ang ankle niya kaya nahirapan siyang maglakad. Nag-alala ako sa kanya dahil nasugatan din siya.

Hawak namin siya ni Mae sa magkabilang braso habang paakyat ng hagdan kanina. Sakto naman ay pababa rin si Prine. Masikip ang hagdan sa building namin kaya tatlong tao lang ang kasya.

Nang makita ko siya ay agad akong nagpuyos sa galit, biglang nag-init ang pisngi ko. Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang paghinga ko kaya inawang ko ang labi.

Dahil hindi makasingit si Prine, napilitan siyang umakyat ulit sa floor namin at hayaan muna kaming dumaan. Gusto kong matawa dahil inisip ko na maaasar siya sa pag-akyat niya pabalik. I chuckled bitterly, agad namang napatingin si Lian sa 'kin.

Minsan pang dumapo ang malamig niyang titig sa 'kin, sa irita ko ay nairapan ko siya. Buti na lang at hindi nakita nina Mae at ni Lian.

Nang makarating kami sa floor namin ay agad namang bumaba si Prine. Malamig kong sinundan nang tingin ang likod niya. My heart is beating so loud, I'm sure it's because of my anger.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum