CHAPTER 39

429 14 1
                                    

CHAPTER 39 | Own |

I stared blankly at the hanky she gave me, nang minsang siningil niya 'to sa 'kin dati ay hindi ko alam bakit sinabi kong itinapon ko na.

Actually that day, nasa bulsa ko ang panyo niya at balak sanang isauli sa araw na 'yon. Pero hindi ko ginawa.

It's been three days, three days since she woke up. Three days ko na rin siyang hindi nakikita, gustohin ko man pero hindi pwede. Her parents won't allow me.

Mrs. Norriente is blaming me for what happened, ganoon din si Mr. Norriente. I understand them though, I understand them why they won't let me see her. Bilang parents niya, naiintindihan ko ang galit nila.

Galit na galit din sa 'kin sina dad at mom dahil sa ginawa ko. The engagement was cancelled, dapat ay masaya na 'ko, dapat ay masaya na kaming pareho dahil nakuha na namin ang gusto namin, pero hindi.

Walang dahilan para maging masaya ako.

Ang laban namin sa pagiging malaya ay nauwi lang sa isang trahedya, nakakabaliw! Pabalik-balik sa isipan ko 'yung araw na iyon, 'yung araw na nakuha siya sa ilog, basang-basa at namumutla.

Lagi 'yung bumabalik sa isipan ko, bago ako matulog, pagkagising, habang kumakain at lalo na kapag natutulala gaya ngayon.

I don't want to think negative thoughts, kahit na hindi ko pa siya nakikita, muling nakaka-usap, masaya na 'ko na narinig ng Dios ang panalangin ko. She's now safe.

"Para saan 'tong kakantahin mo? Gosh nahiya akong tumabi sa 'yo, pakiramdam ko germs ako rito." I still clearly remember that day. When Serene made my world stop for a little. 'Yon 'yung unang beses na pakiramdam ko ay mababaliw ako sa bilis nang paghinga ko.

"Para 'to sa crush ko," sagot niya sabay tawa. Nakakunot lang ang noong tinitingnan ko siya sa stage. Ngayon ko lang siguro nakita ang gan'yang klaseng ngiti niya.

"Sino ba ang crush mo?" tanong sa kanya ng host, saglit na nagtama ang paningin namin kaya hindi ko alam ba't ako kinabahan. Normal lang naman na nangyayari 'yon pero iba ang pakiramdam ko.

Nang magsimula siyang kumanta ay halatang nag-e-enjoy siya sa stage. May pagkakataon na hindi niya mahabol ang beat dahil sa bilis nito pero walang makakabasag sa performance niya dahil kitang-kita na masaya siya at nag-e-enjoy sa entablado.

"~Dahil sa iyo puso ko'y sumasayaw
Isip di mapakali ngiti ay laging nasa labi.~"

Nakisabay ang mga students sa performance niya sa pamamagitan nang pagpalakpak, nag-e-enjoy din ang mga tao sa kanya.

"~Dahil sa iyo puso ko'y sumasayaw
Isip di mapakali ngiti ay laging nasa labi~"

Iginala niya ang tingin sa crowd kaya napaayos ang tayo ko nang bigla niya 'kong kinindatan. Siguro naman ay hindi para sa 'kin 'yon, para 'yon sa lahat sadyang ako lang ang natamaan.

Pero ang kakaiba sa lahat ay ang saglit na pagtigil ng mundo ko, kahit na mabilis ang beat at galaw niya sa stage, kahit na nagtatalonan na ang mga tao, pakiramdam ko ay bumagal ang lahat. Hindi ko pa namalayan na matagal akong natulala sa kanya, I was completely mesmerized by her smile.

Napapangiti na lang talaga ako sa t'wing naaalala ko ang mga araw na 'yon. Those days, hindi ko pa alam na may nararamdaman na 'ko para sa kanya. Ang mga araw na 'yon, malaya ko siyang natatanaw at napagmamasdan sa malayo.

Palagi ko ring napupuna sa isipan ko kung gaano siya kaganda at ang mga ngiti niya.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko, muli kong idinikit ang likod sa pintuan ko kung saan ako naka-upo at nag-iisip. Wala na 'kong ibang magagawa kung 'di ang isipin siya.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon