CHAPTER 11

526 20 0
                                    

CHAPTER 11 | Crush |

Napailing ako sa sarili, it's four in the morning when I woke up. Sobrang aga pa but I can't bring myself to sleep again!

I bit my lower lip to stifle my smile, I still can't move on from what happened yesterday. It was really traumatizing but the feeling of having Prine beside me during that time gives me a different feels.

He save me again for the nth time! He gave me food and pinasakay niya pa ako! It was really a romantic scene, pakiramdam ko tuloy ay bida ako sa isang teenfic movie.

Na-realize ko sa sarili na para akong baliw ngayon kapipigil ng ngiti ko, nilibot ko ang tingin sa napakalawak kong kwarto, tanging ang lamp shade sa side table lang ang bukas na ilaw. Madilim pero dilat na dilat ang diwa ko.

Wala namang ibang nakatingin kaya pinakawalan ko na ang ngiti ko, crush ko na si Prine! May crush ako sa kanya!

Pakiramdam ko ay may paru-parung nagsiliparan sa tiyan ko! Kinuha ko ang unan at itinabon sa mukha ko. Napa-irit ako sa kilig na nararamdaman kaya ’di ko na napigilang maibato ang unan ko.

Ang swerte swerte ko dahil niligtas at nilibre ako ng crush ko! Hindi na talaga ako makatulog kaya naman bumangon na lang ako sa kama. I stretched my arms before walking to my study table.

Binuksan ko ang ilaw sa study table at nagsimulang magsulat sa diary ko. I scribbled there what happened yesterday, at ano ngayon ang nararamdaman ko, pagkatapos ay nilagyan ko ng date at pirma.

Dahil maaga nagising ay maaga rin ako nakapag-prepare para sa school, Tine was even shock to see me na handang-handa na nang katokin niya ako para sa breakfast ko.

"Akala ko hindi ka po papasok ngayon Ma'am," Tine said politely while preparing my breakfast in bed.

"Ha, bakit naman?" nagtataka kong tanong, binalingan ako ni Tine na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Umiling siya sa 'kin, "Ah wala po Ma'am." Tipid na lang akong ngumiti sa kanya.

"Kain tayo Tine," alok ko.

"Tapos na po ako Ma'am," aniya.

"Si, Mommy naka-alis na ba?" tanong ko sa kanya, hindi ko alam kung kailan malalaman ni mommy na naiwala, or should I say nanakaw ang pitaka ko. Hinanda ko na ang sariling magrason kung paano nawala ang pitaka ko.

"Naka-alis na po si, ma'am."

Pagkatapos kong kumain at magtootbrush ay agad na akong bumaba. Sa aga ko ngayon ay sigurado akong mauuna pa ako sa early bird na si Mae o 'di kaya ay kay Lian na sinusumpong ng kasipagan ngayon. Hindi ko alam pero feel ko ay may crush na rin ang isang 'yon, it's either schoolmate namin o 'di kaya ay classmate namin. Lagi na kasing nagsisipag si Lian, dati naman ay katulad ko siyang chill lang sa pag-aaral pero ngayon pursigido siya, is it because we're graduating students na or may crush talaga siya?

"Magandang umaga Ma'am," bati sa 'kin ng medyo batang driver. Nangunot ang noo ko dahil hindi siya pamilyar sa 'kin.

"Ah, magandang umaga rin po Kuya," I politely said. "Nasaan po si, Manong?" Ang tinutukoy ko ay ang driver ko palagi na naghahatid at sumusundo sa 'kin.

"Hindi n’yo po alam Ma'am? Tinanggal na siya sa trabaho." Biglang nanlaki ang mga mata ko.

"Ano po?!" sigaw ko sa gulat, nahihiya namang ngumiti sa 'kin ang bagong driver ko.

"Bakit daw po?" nag-aalalang tanong ko. Hindi kaya kasalanan ko? Bakit naman siya tatanggalin ni mommy?

"Hindi ko po alam Ma'am eh,"

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now