CHAPTER 16

423 15 0
                                    

CHAPTER 16 | Music Fest |

The day I was waiting for came, actually kinakabahan ako. My fingers were interwind to each other, the judges are now being introduced dahil kasisimula pa lang ng event.

I looked at the VIP seats para tingnan kung nandoon na ba si mommy. I saw her name in one of the chairs earlier, pero wala pa rin siya.

I texted her and I'm sure she knew and received it. Hindi na kasi kami nagpang-abot sa bahay dahil pareho kaming busy, kaninang umaga naman ay maaga rin siya umalis.

It's fine. . . matagal pa naman, eh. Number twenty-eight ako.

I looked at my dress, pagkagising ko ay dinala ni Tine ang box ng dress na ito. I was shocked and nervous, baka kasi sobrang garbo ng binili ni mommy na dress. Baka sabihin ng schoolmates ko na masyado akong mayabang.

"'Yan daw po ang suotin n'yo ngayon Ma'am," ani Tine sabay yuko. Syempre sobrang thankful ko pa rin ako kay mommy.

Brand pa lang na nakasulat sa box pinanghinaan na ako, mabuti na lang at simple lang ang desinyo ng dress, I'm sure it will suit me well.

It's a white dress, hanggang tuhod ang haba, it has a slit longsleve and a sequence of white and gold beads. Napakaganda.

"Wow ang ganda po Ma'am!" Pareho kaming namangha ni Tine nang e-angat ko ang dress.

"Oo nga Tine," ibinaba ko ang dress at tiningnan siya. "Anong number ka nga pala?"

Bahagya pa siyang nagulat sa tanong ko, "Number fourthy-three po ako Ma'am."

"Anong susuotin mo? I can give you a dress Tine marami pa akong hindi nasusuot." Tumayo ako at nagtungo sa walk-in closet ko.

"Naku Ma'am, huwag na po!" Bahagya siyang nataranta. Huli na ang lahat dahil madali akong nakahugot ng pastel blue flowy dress, I liked it but I don't have the opportunity to wear. Tine and I have the same body built naman kaya I'm sure magkakasya sa kanya.

"Sa 'yo na 'yan Tine." Ngumiti ako at dumeritso na sa bathroom para 'di na siya maka-angal.

I saw her earlier at nakita ko ngang suot niya ang ibinigay kong dress, natutuwa akong ginamit niya iyon. Marami pa nga ang napapatingin sa kanya dahil sa suot niya, she looked so beautiful.

Ilang oras pa ang lumipas pero hindi pa rin dumadating si mommy. Nakaramdam ako ng panlulumo pero umaasa pa rin akong dadating siya. Ilang minuto na lang ay pipila na ako para ibigay ang CD ng kakantahin ko.

"You okay? Is there a problem?" Napuna siguro ni Lian ang pagsimangot ko. Tumingin ulit ako sa entrance na hindi ko alam kung ilang beses ko nang ginawa.

"Your mom?" Tumango ako kay Mae. Bitterness filled me, malapit na akong pumila pero wala pa rin siya.

"Performers from number twenty-one to thirty, kindly form your line in the right wing for your musics to prepare." I bit my lower lip, tinatawag na kami ng announcer.

"Pila ka na roon Rose, baka dadating din 'yon mamaya." Wala akong nagawa, with crumpled face I walked to the right wing.

Sana talaga ay dumating na si mommy. Papunta na ako sa pila nang magtama ang mga mata naman ni Prine, gaya ko ay kunot na kunot din ang noo niya habang tinititigan ako. Nasa unahan siya nakapila pero sa likod naka-harap ang katawan niya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpasada niya ng tingin sa 'kin mula ulo hanggang paa.

I can't smile because of the disappointment I'm feeling right now. I bit my lower lip as I inserted on the line, iniwas ko na rin ang tingin kay Prine.

It hurts.

Sana ay dumating na si mommy. She said she'll come and she'll support me, I did my best in practicing cause I want her to be proud of me. Nag-effort ako para rito.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now