CHAPTER 30

469 17 0
                                    

CHAPTER 30 | Sorry |

I felt my checks burning, not because of the fire reflected on my face but because of Prine's confession. I felt like my heart will run and get out of my rib cage because of it's fast beating. I breathed heavily while absorbing what he just said.

I'm not deaf right? Did I heard it right? And please tell me I'm not dreaming. He said he likes me!

"Aray!" Napangiwi ako nang kurotin ni Mae ang tagiliran ko. Masakit!

"You're not dreaming, it's true!" Natauhan ako sa sinabi ni Mae. I don't know if I said my thoughts loudly because Mae answered it.

Everyone whispered at Prine's confession, ang iba ay tuloyan nang naiyak dahil sa nalaman. After a moment of exaggerated gasps and deafining whispers, pumasok na ulit sa eksena si Sir.

My knees trembled and I couldn't look at Prine, hindi ko siya kayang tingnan sa lakas nang pintig ng puso ko ngayon. And the fact na magkatabi kami ngayon ay mas lalong nagpakaba sa 'kin.

"Rose? Si, Rona Serene 'yon tama?" My eyes widened at Sir Rico's question.

"Tama, Sir!" Halos magsabay-sabay sa pagsagot ang mga kaklase ko na alam na ganoon ang tawag sa 'kin ng mga matalik na kaibigan ko.

Sir Rico smirked, ngumisi siya sa katabi ko at tinaasan ito ng kilay, "You should settle that Prine."

Nagtilhian ang mga kaklase ko, ang gusto ko na lang ay lamunin ng lupang kinau-upuan ko ngayon dahil sa hiya. Dahan-dahang dumapo ang palad ko sa dibdib, puso kalma.

I made a side glance to Prine, agad ko itong iniwas nang makita kong nakatitig siya sa 'kin!

"Ano ba naman 'yan Prine! Baka matunaw ang Rose ko!" suway ni Lian na kinaway pa ang kamay sa peripheral vision ng lalaki para kumurap ito. Mae chuckled.

"Sana all Serene, ni-crush back!"

"Yeih!"

"Kaya pala tumabi si, Prine. Duma-da moves Prine ninyo!" hiyaw ng isang kaklase ko.

Ang mga classmates ko lang yata ang tuwang-tuwa sa mga nangyayari. Ang ibang section ay halos mag-iyakan at mag-singhalan na lalo na ang mga classmates ni Prine, marami talaga ang nagkaka-crush sa kan'ya.

"Tumigil nga kayo," nahihiyang suway ko sa kanila. Hindi na kami makapag-proceed sa next program dahil nagkagulo na ang section namin. Malakas na tumawa si Mae sa inasta ko. Kulang na lang ay tuloyan ko nang iyuko at itago ang ulo sa mga tuhod ko dahil sa hiya.

"Tumigil nga kayo," Mae mimicked what I said with more childish tone. Mas lalong nagtawanan ang mga kaklase ko.

"Serene ninyo nahihiya!"

"Yieeh! Isang malaking sana all!"

"Hala, sana ako rin!" I heard Margareth and Jude.

Mas lalo pang naghiyawan ang mga kaklase ko sa pang-aasar, ako naman ay hindi na talaga kayang tingnan si Prine.

"Ikaw'ng babae ka, hindi ka pwedeng pumasok sa tent hanggang hindi kayo nag-uusap ng lalaking 'yan," bulong ni Lian sa 'kin. Akala mo ay isa siyang love expert!

"Serene, Serene! Ano'ng masasabi mo?" tanong ng isa kong kaklase na kinunotan ko lang ng noo. I bit my lower lip, natatawa na naiirita na ako sa mga ginagawa nila!

Hindi ko alam, hindi naman ako ang nag-confess pero ako itong nahihiya!

Ang akala kong biro lang ni Lian ay tinotoo niya talaga! Hindi ko akalaing kaya nilang gawin 'to sa 'kin! They set me up! They set us up!

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now