CHAPTER 13

443 18 0
                                    

CHAPTER 13 | Announcement |

Ang bilis talaga ng panahon, 'di ko akalaing October na ngayon! Parang kailan lang noong nagsimula ang pasokan, it's been four months na pala.

Hindi ko makakalimotan ang nasaksihan ko noon sa restaurant, Prine walked away to his father. Hindi ko alam sa sarili ko, dapat ay na-turn off na ako pero heto pa rin ako crush na crush siya.

It bothered me a lot pero kalaunan ay tila nawala na sa isipan ko, though it discouraged me. . . a bit. Hindi ko na kayang makita siya ulit na ganu'n, P
parang ang sakit sa mata?

"So, October na!" Pumasok ang teacher namin dala-dala ang announcement na 'yon.

"May kalendaryo kami sa bahay Ma'am," mahinang ani Mae, it seems like wala siya sa mood ngayon. I laugh at her when I realized what's going to happen next.

"Alam n'yo naman ang nangyayari sa music fest 'di ba? Walang excempted unless may sakit kayong malubha sa lalamunan. Wala akong pake kung umulan, bumagyo o boses kambing ang boses n’yo basta kakanta kayong lahat." Some of my classmates shouted in joy, ako naman ay napanguso lang. Ayoko nito, mabu-bully na naman ako nito, sasabihin nilang pabida na naman ako masyado.

Music fest seems like a Grade Twelve tradition dito sa Love Academy. Mahihirapan kang maka-graduate kung hindi ka kakanta. It usually happened mga 3rd week ng October, lahat ng grade twelve students ay isa-isang kakanta sa stage, it's a graded activity, if you aim for a higher grades dapat hindi mo palampasin ang event na 'to.

"I'll post the criteria on the announcement board later. Tandaan, malaki ang puntos nito sa grado n'yo kaya dapat niyong seryusohin. Kayo ang pipili ng kantang gusto n’yong kantahin, at dapat ang kantang iyon ay naglalahad o nag-e-express sa inyong sarili o sa gusto mong sabihin sa isang tao."

A song that will express myself? Ano nga ba? Magdalena? Kalapating mababa ang lipad?

Haha, silly of you Rose.

"Bago ang araw ng Music Fest ay magbubunotan kayong lahat kung sino ang mauunang kumanta." Sa pagkaka-alam ko ay two days ang celebration ng Music Fest.

"Baka bumagyo lang kapag kumanta ako," iling-iling na ani Mae. Natawa ulit ako sa kanya.

"Sa 'kin baka bumaha!" Pagak akong natawa.

"Cheer up guyz! Be confident, sabi nga ni Ma'am 'di ba? Wala siyang pake kung boses kambing man tayo?" Lian cheered us up. Pareho naman namin siyang inasar ni Mae.

"Palibhasa may talento ka sa pagkanta! Paano naman ako nito?" Mae complained, sa 'ming tatlo siya talaga itong kulilat sa music. Ako? Ewan ko sa boses ko, na-try kong magpa-voice lesson dati dahil kay mommy pero hindi ko naman hilig ang pagkanta.

"Edi magpaturo ka kay kuya Mike, kun 'di sa mga barkada niya. 'Di ba may kaibigan silang singer?" Lian suggested, tumango naman ako.

"You can invite your family to this awesome Music Fest." Bored kong pagbasa sa poster na nakalagay sa announcement board. Agad ko namang tiningnan ang reaction nila.

"Hindi ko na e-invite sina mommy at daddy may work sila niyan." Nagkibit balikat si Lian.

Naiinggit ako kay Lian, super bait ng mommy at daddy niya. Kung sasabihin niya ritong pumunta sa Music Fest ay sure akong walang pagdadalawang isip na manonood ang pareho niyang parents. Napaka-supportive kasi nina tita at tito sa kanya.

Napatingin ako kay Mae na nagkibit lang din ng balikat. Hindi na ako aasang pupunta si mommy o 'di kaya ay si daddy. Busy ang mga 'yon, walang time sa 'kin.

Humarap ako sa piano habang sinusubukang magtipa ng keys, wala akong maisip na kantahin para sa Music Fest. I know how to play piano, nag-piano lesson kasi ako before.

"Oh, oh pag-ibig, oh ohh pag-ibig." Kumanta ako habang panaka-nakang nagtitipa sa piano keys. Bigla kong naisip si Prine. Hindi ko kasi siya nakita ngayong araw.

"~Bakit ganito, ang nadarama. Makita lang kita may gustong sabihin. Ang araw ko ay buong-buo. Sa gabi ikaw ang panaginip.~" Naisip ko na naman ang araw na 'yon, pakiramdam ko ay bida ako ng isang fairytale. Ang setting nga lang ay sa jeep at sa park.

"~Nakakakaba,
nakaka-aliw,
nakakakilig,
nakakabaliw.~"

I bit my lower lip to stifle my smile. Nag-iinit na ang pisngi ko eh, nag-i-imagine lang naman ako rito. Paano na kaya kapag kaharap ko siya lagi?

"Serene?" Dali-dali akong napatayo nang marinig ang boses ni mommy. Bahagya ko pang inayos ang buhok, hinawakan ko ang pisngi at baka pulang-pula na ito.

"Mommy. . ." Lumabas si mommy at natagpuan ako. She's with her usual black stilleto, bunned hair, elegant dress with a serious face.

"Darling!" Lumapit siya sa 'kin at nakipagbeso.

"Good evening Mommy, how are you?" I asked her.

"Oh, I'm fine hija, ano 'tong nalaman ko kay Tita Louise mo? Music Fest?" I was surprise na nabanggit niya 'yon.

"Ah, y-yes Mom, October fifteen to sixteen, all grade 12 students will be performing a song on stage." I informed her, I didn't expect much about this. Alam ko naman ang sasabihin niya, eh. Busy siya kaya hindi siya makakapunta.

"Then I should be there!" Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"P-pardon?" Napakurap ako.

"I should be there Serene, you're going to perform so I should be there to watch you, right?" Nagtaas siya ng kilay sa 'kin. Pakiramdam ko ay biglang sumabog ang saya ko, totoo ba 'to?

My mother is giving me her time? Agad akong napangiti sa tuwa, I swear I'm not going to disappoint her!

"S-sure Mom you can, I'll be glad." Sa tuwa ko ay nayakap ko siya.

"Don't worry I'll hire you a voice coach, dapat sa 'yo ang pinakamaganda sa araw na 'yon. You should shine brighter." Wala na akong pake sa kakantahin ko, ang mahalaga ay ang presence ng mommy ko. I'm so happy!

Kaya naman noong gabi ay nakatulog ako ng may ngiti sa labi. Excitement filled me, at the same time kinabahan din ako sa pressure.

"Relax ka lang Ms. Serene, inhale and exhale. When you're singing, the movement of your stomach should be opposite than your usual breathing." Tumango ako at sinunod ang sinabi ng voice coach.

"~There's a song that inside of my soul, it's the one that I've tried to write over and over again." I'll be singing Only Hope by Mandy More. Ang kantang ito ay pinili ni mommy for me.

"Don't forget the facial expression." The voice coach said.

"~I'm awake in the infinite cold. But you sing to me over and over and over again~"

It was a long day but I made sure to finish it with a content on my diary.

Dear Diary,

Today October 9, I saw Prine alone sitting on the garden's bench. I was really nervous by just looking at his back. His presence really brings a different effect on me, it's like my body will immediately convulse every time I see him.

I watched him sitting alone, I never saw him with a friend. That time I was thinking if he's an introvert and he don't have friends. I want to be his friend. I want to sit beside him and talk to him, I want to comfort him cause he seemed sad and. . . lonely.

When he stood up, our eyes met, I immediately felt the electricity all over my body. I was nervous and immediately turned my back at him and continue walking.


Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon