SPECIAL CHAPTER

430 15 0
                                    

SPECIAL CHAPTER

~Rona Serene “Rose” Norriente~

"Hmm! Ang guwapo talaga ng boyfriend ko!" Tuwang-tuwa kong pinisil ang pisngi ni Prine nang  salubongin niya 'ko sa labas ng mansion namin. He's wearing a black t-shirt and black shorts. He's wearing a casual outfit pero tinalo pa niya ang mga modelo ng mga mamahaling brands.

Paano nga ba napasa 'kin ang lalaking 'to? Ang swerte ko naman! Ano nga bang ginawa ko sa past life ko?Kidding! 

“I miss you,” nakangusong sabi ko sabay yakap sa kanya. Isang Linggo ko na siyang hindi nakikita. Masyado kasi akong abala sa pag-aaral. 

He chuckled lightly, ginantihan niya ang yakap ko at bahagyang yumuko upang maipahinga niya ang baba sa braso ko. “I miss you too.” 

“Mas miss kita.” Hinigpitan ko ang yakap sa kanya bago siya binitiwan. Nahiya ako bigla sa suot kong mini shorts at puting cotton oversized long sleeve. Sa sobrang excited ko ay hindi man lang ako nakapagpalit ng mas maayos na damit. 

“Tinakasan mo na naman ang tutor mo?” nang-aakusang tanong niya. Tinaasan niya pa ‘ko ng kilay.

“Anong na naman? Ngayon lang ‘to 'no!” guilty kong depensa sa sarili. Sa sobrang tuwa ko sa kanya ay nakalimutan kong may CCTV sa labas. Napatingin tuloy ako sa camera at napangiwi. 

“Tara na Prine! Ngayon lang ako tatakas, promise!” Hinila ko siya papasok sa dala niyang sasakyan. No’ng una ay nagmatigas pa siya pero nagpadala rin naman sa hila ko kalaunan. 

Pumasok kami sa kotse niya. Wala sina mommy at daddy sa mansion kaya malaya akong makakatakas sa tutor ko. Ang paalam ko pa naman ay pupunta lang akong banyo. Naku! Baka isipin no’n ay na flash na ‘ko sa toilet! 

“Sigurado kang hindi ka magpapaalam? At least call your Mom,” nakakunot ang noong ani Prine. I bit my lower lip and smiled sheepishly at him. Pinagdikit ko ang palad para magpa-cute. 

“Ngayon lang ako tatakas talaga, one week na ‘kong puros aral lang kaya pagbigyan mo na ‘ko.” Ngumuso ako sa kanya.

Ngumuso rin siya, he mirrored my expression kaya natawa ako. 

“You’re really good magpa-cute, ah.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi at kinindatan siya. He started the engine kaya napapalakpak ako sa tuwa.

Nangialam ako sa dashboard niya, kinuha ko roon ang liptint na sinadya kong iwan para may magamit ako sa mga oras na ‘to. 

Tiningnan niya lang ako nang ginamit kong salamin ang kanyang rearview mirror. Nang matapos ay pinagdikit ko ang mga labi at blenend na ang tint. 

Muli kong inilagay sa dashboard niya ang liptint. Napatingin ako sa kamay niya nang ilahad niya ito sa ‘kin. Ngumisi ako at agad na pinagsalikop ang kamay naming dalawa. 

“Saan tayo?” tanong ko. 

“Saan mo gusto?” tanong niya rin. 

“Gusto ko ng ice cream. Nasimot yata lahat ng brain cells ko sa pag-aaral.” He chuckled.

“Alright, ice cream it is! Ano pa?” Pinanliitan ko siya ng mga mata.

“Oh, gusto ko ‘yan! I want fries, pizza, ahm maybe milkshake? And burger!” 

“That’s unhealthy,” komento niya. 

“It’s fine, Prine. Minsan lang naman, eh.” 

“Tumitigas na ulo mo ngayon, ah?” aniya sa ‘kin. Ngumisi lang ako.  

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now