CHAPTER 10

498 24 0
                                    

CHAPTER 10 | Fish ball |

Nagulat ako nang bigla niya na lang hablotin ang kamay ko!

"Oh, gosh!" sigaw ko nang kamuntikan nang mabangga ang ulo ko sa bubong ng jeep. Pagkababa sa jeep ay deri-deritso lang ang takbo ni Prine habang hinihila ako.

Nang makalayo na kami sa jeep ay saka lang kami tumigil. Hindi ko na alam saan kami lumusot para lang makalayo.

I was catching my breath because of that long run, kahit na e-awang ko ang labi ko ay hindi pa rin ako makahinga nang maayos. Tuloyan na akong napaupo dahil nanlalambot ang tuhod ko.

What happened earlier was traumatizing, pinagsisisihan ko nang sumubok akong sumakay sa jeep, ayoko na ulit sumakay roon!

Hingal na hingal pa ako nang maalala kong may kasama pala ako. Agad akong napayuko at napakagat sa labi nang maalalang si Prine nga pala ang kasama ko.

Agad akong nakaramdam ng hiya, hindi ko alam kung para saan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo, bigla ay hindi ko alam ano ang gagawin! Bigla akong nahiya sa kanya.

He saved me again for the nth time, lagi na lang niyang ginagawa 'to.

Maski siya ay hinihingal din, his hands were on his knees while catching his breath. His forehead is sweating already, pati ang uniform niyang suot ay basang-basa na rin dahil sa pawis.

Agad akong umiwas ng tingin nang salubongin niya ang mga mata ko. Naging malikot ang mga mata ko dahil hindi ko na alam saan titingin. Natataranta ako sa kanya.

"’Di ba sabi ko sa ’yo, the next time na mapapahamak ka ’yung wala ako?" singhal niya sa 'kin.

"I'm sorry," I said in a soft voice.

"Bakit ka nandoon?" I almost jump when his voice thundered, frustration was dripping on his voice.

"A-ah, p-para sumakay?" I stuttered.

"Sumakay? Where's your driver?" Seriously? Ganito ba talaga ang tono ng boses niya? Laging may inis o pagalit.

"Ah f-flat tires. . . " Still I can't look on his eyes.

"Why don ’t you call another driver ’di ba mayaman ka?" he said as if mocking me, pinalampas ko lang iyon.

"I tried how to commute." Sinubukan kong salubongin ang titig niya, kunot na kunot ang noo niya. I really can't look on his eyes for a few seconds kaya iniwas ko na naman ulit ang paningin.

"Tss!" Umiling siya sa 'kin.

Why? Mayaman din naman siya pero sumakay siya sa jeep na iyon, so kung pwede siya pwede rin ako!

Kaso, pagkatapos ng nangyari kanina mukhang hindi na ako sasakay ulit ng jeep.

I frowned when I remember my pocket, my cards are there! Nanlaki ang mga mata ko, I'm sure malalaman nila mommy at daddy na nawala ko ang credit cards ko.

I hope they won't know about the holdapping incident. Lagot ako nito!

"P-prine!" My eyes again widened nang balingan ko ng tingin si Prine ay malayo na siya sa 'kin.

Oh no, wala na akong pera! I only have my phone but I'm afraid it's already dead batt.

Ngayon ko lang napansin na napadpad pala kami sa isang park! Alam ko ang park na 'to, malapit lang 'to kina Lian! Pero saan nga ba ang direction papunta kina Lian dito?

"S-saglit lang Prine!" Nagmamadali ko siyang hinabol, sobrang laki ng mga habang niya kaya nahirapan akong habolin. Bigla siyang tumigil sa paglalakad habang tumatakbo ako, I almost bump on him!

"Ano?" Irritation is itched on his voice. I bit my lower lip and bowed down my head. Bahala na, kakapalan ko na ang  mukha ko ngayon.

Wala akong pera, ayoko namang tumawag sa bahay baka malaman nila mommy ang nangyayari, isa pa baka lowbat na rin ang cellphone ko.

"Prine, I don't know how to go home," mahinang sambit ko.

"Ano?" Kunot na kunot pa rin ang noo niya, he lick his lower lip and raised his right brow at me.

"Hindi ko alam paano umuwi!" Nilakasan ko ang boses. Nakita ko ang pagkatigil niya sa sinabi ko, his eyes widened a little, then after a few seconds of silence ay bigla siyang tumawa nang malakas. 

I don't care about his reactions anymore, ang mahalaga rito ay makauwi ako.

"And besides I don't have money for transportation, pwede mo ba akong pahiramin? I promise to pay for it, kahit doble pa," I assured him. Hindi pa rin siya tapos na pagtawanan ako.

"Ikaw? Prinsesa ng NCMC nawalan ng pera?" Napailing siya. My eyes widened a little, I'm surprise na alam niya ang pangalan ng company namin, well everybody knows it nga naman.

"Ninakaw kasi kanina," napayuko ako. Agad naman siyang natigilan sa sinabi ko, mukhang may na-realize siya.

"Napapala ng mga spoiled brat na kagaya mo," seryoso na niyang aniya. This time ako naman ang kumunot ang noo.

"I'm not spoiled brat! Sinubukan ko lang namang mag-jeep, eh!" iritado kong sabi. Nagulat ako nang bigla niya na lang hinila ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng fishball vendor.

Ngumiti si manong sa 'kin kaya gumanti rin ako ng ngiti. Nakita kong pi-ni-prito niya ang fishball at kung ano-ano pang street food sa kawali, bigla akong natakam kaso naalala ko, wala nga pala akong pera. Ang malas ko naman!

Nagulat pa ako nang abotan ako ng plastic cups ni Prine. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, tinaas ko ang kamay para tumanggi sa kaniya.

"Wala akong pera," but he insisted. Kinuha niya ang kamay ko at pinilit na hawakan ko ang plastic cups.

"Libre ko," masungit na aniya. Napangiti ako ng tipid, pakiramdam ko ay biglang uminit ang puso ko. Totoo ba 'to? Ililibre niya ako? "Kaya ayaw mong kumain dahil maarti ka? Hindi ka kumakain ng ganito 'no?"

Agad akong umiling at nagmamadaling kumuha ng stick, pagkatapos ay tumusok ako ng fishballs at inilagay sa baso ko. Kumuha ako ng sauce at pinaghalo ang maanghang sa matamis, gaya ng ginagawa namin nina Lian at Mae. Dahil gutom na gutom na ako hindi ko na napigilang sunod-sunod na isubo ang tatlong fishball, pinigilan ko lang na dagdagan pa dahil hindi na kasya sa bibig ko.

Nang mapatingin ako kay Prine ay nakita kong naka-awang na ang labi niya, naka-amba ang stick ng fishball sa bibig niya pero hindi pa niya sinusubo. Natigilan siya kaya natigilan din ako.

Nang ma-realize kong mukha pala akong humster dahil lumulubo ang pisngi ko ay agad akong tumalikod, nakakahiya ako! Maging si Prine ay umiwas din ng tingin sa 'kin, mas lalong nag-init ang pisngi ko nang marinig ko ang pinipigilan niyang tawa. I bit my lower lip because of embarrassment.

"Ang cute ng girlfriend mo, hijo," biglang nabilaukan si Prine sa sinabi ng vendor. Nahihiya naman akong umiling. It feels like my insides will explode, I felt so light while my cheeks were heating up. I lock my gaze to Prine who's looking at me intently.

Right now I'm sure, I have a crush on Prineson Monte Ames.

Tinulongan niya rin akong maka-uwi, siya ang nagpasakay sa 'kin sa isang trycicle na dineritso ako sa tapat mismo ng bahay namin. Prine knew the driver so it's safe. Pati pamasahe ko ay siya ang nagbayad.

I sleep with a smile on my lips, may crush na ako ngayon.




Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now