CHAPTER 17

414 16 0
                                    

CHAPTER 17 | Embarrassment |

I let out a deep sigh upon seeing the large bouquet on the dean's table.

''Ito na po ang pinapabigay sa inyo Ms. Serene." Tumango ako sa secretary ng dean, she's the one who led me here. Nang iwan niya ako sa office ay lumapit ako sa boquet, it's a boquet filled with red roses.

Serene Darling,
                           Hindi ako makakapunta, I have an emergency meeting. Congratulations!

Iyon lang ang nakasulat sa card na kasama nito. I'm sad and dissapointed, pero naisip ko kung dumating ba si mommy magagawa ko ba 'yung nagawa ko sa stage kanina?

Definitely not! May magandang dulot din pala ang hindi pagpunta ni mommy kaya medyo gumaan ang loob ko.

Buhat ang malaking boquet, I sashayed my way on the main building's hallway, the most busiest hallway in our school. Dito kasi dumadaan ang lahat para makalabas at makapasok sa iba pang premises ng school gaya ng mga classrooms.

As usual I caught attentions na naman, kahit wala naman siguro akong dalang malaking boquet lagi pa rin akong nakakakuha ng attention.

"Pasikat talaga, may pa-boquet pa akala mo naman siya ang nanalo sa Music Fest." Hindi ko na lang pinansin ang grupo ng mga students na pinagtatawanan ako. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, sina Mae at Lian ay parehong nasa classroom ngayon at hinihintay ako. Naisip kong bigyan sila ng roses total madami naman 'to.

Nang mapatingin ako sa mini fountain ay nakita ko ang grupo nina Tine roon na nag-uusap. Naisip kong bigyan ng bulaklak si Tine kaya lumapit ako.

"Tine," I called her while smiling nicely. Nang lingonin ako ni Tine ay nakita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata niya. I walked closer to her, ganoon din ang ginawa ni Tine. Sa likod niya ay ang mga kaibigan niyang sina Archy at Givanne.

"Ma'am, S-serene!" Bakit ba gulat na gulat si Tine sa 'kin?

"Hindi na pala natin kailangang hanapin eh, kusa nang lumapit, oh?"

"Tawagan mo si, Grecel dali!" I heard Givanne and Archy talking but I choose to face Tine, siya naman talaga ang pakay ko.

"Congratulations sa performance mo kanina, ang galing mo palang kumanta!" I complemented her. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya kaya mas lalo akong natuwa.

"Ikaw din po Ma'am, ang galing-galing mo rin po," nahihiyang aniya.

"Wee? Walang halong bola?" I joked at her pero hindi man lang siya natawa. Wala ba akong sense of humor?

"M-may kailangan po ba kayo Ma'am? Ano po ang maitutulong ko?" Bahagya pa siyang nataranta, agad naman akong umiling at bumunot ng tatlong rosas mula sa boquet ko.

"No, I don't need anything. I just want to give you this." I gave her the flowers, matagal pa bago niya inabot.

"Oh! May pa-bulaklak pa ang prinsesa!" Agad akong napalingon sa likod ko nang marinig ang boses ni Grecel.

Nang tingnan ko siya ay nakahalukipkip na siya, nakasabit sa kanang kamay niya ang LV niyang bag. She's smirking at me as if mocking me about something.

"Ikaw pala Grecel," I address her coldly.

"Yes Darling it's me," she stretched her lips widely at me, I know that smile so well. . . it's fake.

"Grecel!" Lumapit sina Givanne at Archy kay Grecel. Hindi ko alam na magkakaibigan ang tatlong ito.

"Goodluck sa 'yo para bukas," I coldly said at Grecel. Hinarap ko si Tine para magpaalam, nang akma na akong aalis ay agad na hinawakan ni Grecel ang braso ko.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon