CHAPTER 21

440 14 0
                                    

CHAPTER 21 | Fiancé |

Stay chill, Rose walang mangyayaring sakalan esti kasalan. Pagkausap ko sa sarili, ito na ang isa sa mga sinusumpang araw ko. Sa araw na 'to makikilala ko na ang lalaking ipakakasal nila sa 'kin.

But of course, I'll make sure that it won't happen. Sa nakalipas na buwan ay bumuo na ako ng plano sa isip kung paano ititigil ang kahibangang ito.

Pagdating ko sa bahay ay handang-handa na ang lahat para sa dinner na mangyayari mamaya, ako lang yata itong hindi ready.

Hindi ko na ipinaalam pa kina Mae at Lian na ngayon ko makikilala ang fiancé ko. Masyado na silang pressured sa school works, lalo na't may bago na naman kaming group work. Ayoko nang dumagdag pa sa problema nila.

Hinanda ko na lang ang sarili at hinintay ang oras. Nang tawagin ako ay agad na akong bumaba, hindi ko alam pero hindi man lang ako nakaramdam ng kaba. Kung sino man ang fiancé ko na iyon, sana ay pumayag siya sa plano ko.

Sinalubong ako ni mommy pagbaba, saglit niya akong kinausap at pinaalalahanan ng mga bagay na paulit-ulit na niyang sinasabi sa 'kin.

I was confident not until I heard a familiar sur name from her.

"Wear your proper etiquette and manners, Serene be an elegant lady. Nand'yan na ang mga Monte Amis." My system vibrated, pakiramdam ko ay nagpantig ang tainga ko sa narinig.

Monte Amis. . .  it's impossible. Marami naman sigurong ganoong apelido sa business world right?

But Monte Amis is a unique sur name! At isa lang ang kilala kong Monte Amis.

Wala pa man ay dumadagundong na ang sestima ko sa kaba. My heart doubled in beat, I breathed heavily as I sashayed the way to our garden where the intimate dinner will happen.

Bigla na lang nanlamig ang mga kamay ko, my thoughts then wondered to a lot of what if's.

Pakiramdam ko ay may hinulog sa 'kin ang langit nang makita ko kung sino ang fiancé ko. I don't know if I should be thankful or not.

Ang taong iyon ay ang sagot sa mga what if's ko, ang taong tahimik kong sinubaybayan, kinilala, at pinangarap. Ang taong pinahanga ako, ang taong nagpahiya at nagbigay sa 'kin ng matinding heartbreak, ang taong pinaka-ayaw ko na ngayon sa mundo.

I can't believe that I'm in this situation, I am fixed marriage with my most hated person, my enemy.

Dashing with a black slacks, black button down dress that sleeves are folded upto his forearm, with pushed back hair. Prineson Monte Amis is standing proud.

Wala ang bakas ng gulat sa mga mata niya nang makita ako, pero hindi nakatakas sa 'kin ang lihim niyang pagpasada sa buo kong katawan.

He wasn't shock anymore, that means he already expected me. Kailan niya lang nalaman 'to? Kanina o matagal na?

Kahit gulat na gulat sa nalaman ay nanatili pa rin ang poise ko, nahulog ang panga ko sa gulat pero agad ko rin namang naayos ang sarili.

My hearts is betraying me! Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng pintig nito. My mother pushed me a little kaya natauhan ako, hindi ko man lang napansin na natigilan ako sa paglalakad.

Habang palapit ako sa kanila ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko, I'm sure that my dress is not the problem dahil nang isuot ko 'to kanina ay ayos lang naman ako.

Nasagot ang tanong ko kanina nang may maalala. Iniwas ko ang tingin kay Prine dahil biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko. I felt like I was stabbed on the chest and on my back, I felt so betrayed, Prine betrayed me!

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now