CHAPTER 22

454 19 0
                                    

CHAPTER 22 | Close |


"What are you doing?" nanginig ang boses ko nang itanong ko 'yon sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na akala ko ay luluwa na ito sa dibdib ko.

Isang hakbang pa ang ginawa niya kaya umatras ulit ako, aatras pa sana ako nang humakbang siya ulit pero tumama na ang likod ng tuhod ko sa gilid ng kama.

I was so stunned that when he towered over me I was shock. Dahil sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw, sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin na ang mainit niyang hininga ay tumatama na sa mukha ko.

Napalunok ako nang titigan niya ako sa mata, pilit kong iniwas ang tingin, kung hindi lang kama ang nasa likod ko ay matagal na akong tumakbo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang itulak siya. Nanghihina ako sa presensiya niya.

"I thought you knew," aniya sa namamaos na boses. Bigla akong napapikit sa lamig ng boses niya. Napamulat lang ako at natauhan nang maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko.

"Hey, that's mine!" aabotin ko sana ang kamay niya pero agad na siyang lumayo sa 'kin. "Bakit mo kinuha 'yan? That's mine!" singhal ko na ang tinutukoy ay ang kinuha niyang plastic ring sa kamay ko bago lang.

Ngumisi siya at itinaas ang bagay na 'yon. "Talaga sa 'yo 'to? Kanino galing?" nang-aasar na aniya. Agad namang umalburoto ang sestima ko sa irita. This guy is i really pissing me off!

"Sa fiancé ko," matapang kong sagot.

"Sinong fiancé mo?" ganti niya. Doon lang ako natauhan sa sinabi. I felt my checks burning, dang you Rose! Oo nga naman!

"I don't care, get out of my room and give me that!" Nilapitan ko siya at sinubukang agawin ang singsing sa kanya. But he's fast, agad niya itong itinaas para 'di ko maabot.

At dahil mas matangkad siya sa 'kin, sinasamantala niya ang height namin.  Hindo na maabot ang singsing dahil sa haba ngbraso niya.

I tried to jump just to get it but I couldn't, tuwing tatalon ako ay aatras siya.

"Ibalik mo sa 'kin 'yan!" I shouted in frustration.

I jumped again, saktong pagtalon ko ay ang pag-atras niya sa bed ko. Dahil matangkad siya, agad siyang nawalan ng balanse nang tumama ang likod ng tuhod niya sa edge ng kama ko. Napasigaw ako nang sinubukan niyang kumuha ng suporta sa 'kin sa pamamagitan nang paghila sa braso ko para hindi siya tuloyang matumba. Katatalon ko lang kaya hindi pa maayos ang balanse ko, dahil hinila niya ako kaming dalawa ang natumba sa kama.

My eyes widened, sa isang iglap bigla ay nakapatong na ako sa dibib niya habang nakahiga kami sa kama, ang dalawang kamay ko ay nasa dibdib na rin niya. Hindi ko maipaliwanag ang lakas ng pintig ng puso ko. My breathing became heavy, paano ako umabot na ganito kalapit sa lalaking 'to?

Tiningnan ko siya nang masama nang ngumisi siya, doon ko na-realize ang suot kong tube dress! Baka nasilipan niya ako!

"You pervert!" sigaw ko. Agad namang napaawang ang labi niya sa paratang ko. Akma akong tatayo nang mapamaang ako sa sakit, nasabit ang buhok ko sa butones ng polo niya!

"Aray y-yung buhok—"

"W-what's happening. . . here?" Natigilan ako nang marnig ang boses ni mommy. My eyes widened upon seeing her shock reaction.


Pareho kaming naka-upo ni Prine sa sofa, may space sa pagitan naming dalawa na para bang bawal kaming magtabi dahil isa sa 'min ang may sakit.

Ayaw ko rin siyang katabi 'no!

Sa harap namin ay sina Mommy, Daddy, Madame Phely, at Sir Gil. Para silang mga husgado at kami ang kanilang huhusgahan.

Mommy is glaring at me intently. What happened earlier was so scandalous! At dahil sa ganoong posisyon niya kami naabotan ni Prine kanina, probably she's thingking horribly.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now