CHAPTER 29

484 17 0
                                    

CHAPTER 29 | Camp |

Prine:

Nasa bus na 'ko, ikaw?

I bit my lower lip while reading Prine's message. I sighed before typing my reply.

Ako:

Nasa bus na rin kami

Pagkatapos kong ma-send 'yon ay pinatay ko na ang cellphone at itinago na sa bag ko. I smiled at my best friends who's busy talking with some random stuffs.

We already settled down at our service bus para makapunta na sa Joy Ride Forest kung saan kami mag-ka-camp.

One bus per section kaya naman hindi kami mag-kasama ni Prine. Nasa ibang bus siya.

Lahat kami ay excited para sa camping na 'to. Naisip ko rin na kahit three days magkakaroon ako ng freedom and I'm really looking forward to that! Tatlong araw kong makakasama ang mga kaibigan, tatlong araw akong mamumuhay ng walang katulong, tatlong araw akong magiging malaya!

Pakiramdam ko ay nakawala ako sa hawla sa saya ko ngayon.

My mother seemed weird when she bid her goodbye. I thought she will remind me of so many things about ethics and proper manners, instead she only told me to enjoy my three days at the camp.

Sa haba ng biyahe ay saglit akong nakatulog sa bus, naalimpungatan lang ako nang umalog ang bus dahil sa nadaanang lubak. My two friends are both sleeping, napangiti na lang ako nang makita si Mae na nakahilig sa balikat ko.

Maingat kong kinuha ang cellphone sa bag para hindi siya magising, I checked my phone and the first thing I saw was Prine's reply to my text few hours ago.

Prine:

Ingat

I sighed, hindi na ako manhid para hindi mapansin ang mga ginagawa ni Prine. I don't know his motives and I'm afraid na baka tama si Mae. To be honest, I'm scared that he'll hurt me again and I might fall harder for him.

Imbes na crush lang ay baka ma-inlove pa 'ko sa kanya!

Ni hindi ko na nga rin alam kung crush lang 'tong nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay gusto ko na siya. But I'm afraid to acknowledge it, baka masaktan lang ako lalo. Masakit na nga 'yung crush ko pa lang siya, paano pa kaya kapag gusto na?

Hindi na ako nag-reply kay Prine at nag-check na lang ng map sa cellphone ko, ilang minutes na lang n
nasa Joy Ride na kami.

I almost lost my breath because of fascination, to say that the place is beautiful and amazing is an understatement. The place looked so perfect for a camping!

The tall trees are standing proudly providing as clean and fresh air to breathe, its leaves blocks the sunlight making the place colder. The place looks so eco friendly, looking at their pots, tables, and chairs that are made up of natural and recyclable materials. The staffs are very accommodating also, nakangiti talaga sila nang salubongin kami.

Nabasa ko na marami rawng rides and adventures sila rito, hindi ko alam kung pwede ba naming subukan 'yon pero sana pwede.

Una naming ginawa ay ang orientation and briefing for our whole three days itenirary here. We sat down on a grass and listened to the instructions.

Nilibot ko ang tingin habang may nagsasalita sa harap, sa parehong tabi ko ay ang mga kaibigan na nakikinig.

Nang makita si Prine ay agad na akong humarap sa harapan ko at nakinig.

After the orientation is our free time, we have a chance to roam around the place and to take photos. Ilang oras pa lang kami rito enjoy na enjoy na ako.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now