CHAPTER 08

481 19 0
                                    

CHAPTER 08 | Spoiled |

My jaw dropped when I saw Prine's serious looked at me. I suddenly felt hallow on my stomach and at this moment, I just want the floor to open and let me swallowed by it.

"P-prine! Aray ko!" Pahaklit na kinuha ni Grecel ang braso mula sa pagkakahawak ko kaya pabalya ring napabitiw ang braso ko. "Ouch, it hurts," maarting ani Grecel, hawak-hawak niya pa ang braso habang palapit kay Prine. Halatang magsu-sumbong. Yumuko ako at iniwas ang tingin nang hindi ko na makayanan ang titig niya.

Ito na naman ang pakiramdam ko na napahiya ako sa harapan niya, I never felt this way to someone before. Siya lang ang nakakaganito sa 'kin! What's with this foreign feeling? Is it because of the way he stand and stare at me? Is it because of his domineering presence and very intimidating aura?

Gosh, I don't know!

"What's happening here?" seryosong ulit niya sa tanong. Ngumawa naman si Grecel at agad na itinuro si Tine.

"That girl! Nasiko niya ang boobs ko!" Sabay hawak ni Grecel sa malaki niyang hinaharap. Agad naman akong napaiwas ng tingin, ako ang nahihiya sa ginagawa niya.

Tama bang magsumbong siya ng gan'yan sa lalaki? I bit my lower lip to stifle my laugh, narinig ko ang tawanan ng mga nakiki-isyusong nakarinig kaya natawa ako, hindi ko na napigilan ang sarili.

"Tss," suminghal si Prine kaya nag-angat ako ng tingin. Kumunot ang noo ko nang makitang tinitingnan niya ang boobs ni Grecel na kulang na lang ay lumuwa na sa uniform ng Love Academy.

I faked a cough pagkatapos ay nilapitan ko si Tine, "Are you okay?" I asked her.

"I'm okay Ma'am, kasalanan ko naman po talaga, nabangga ko ang dibdib ni Grecel sa siko." Umiling ako kay Tine.

"Kahit na Tine, it's not reasonable na itulak ka niya." Napatingin ako sa siko niyang may gasgas.

"'Di ba Prine? Kasalanan niya?" si Grecel ulit, halata sa mukha niya ang kagustohan kay Prine. It's obvious that she likes Prine.

Dahil nga naging stalker ako ni Prine, nalaman kong tinuturing pala siyang campus crush ng Love Academy. Marami kasing nagkakagusto sa kanya, and base on what I've observed sikat talaga siya sa campus. Ngayon ko lang nalaman kasi. . .  ngayon lang naman ako nagka-interest sa kanya.

"Tss, wala akong pake kung sino ang may kasalanan o wala. Away spoiled brat," aniya sabay lakad paalis. My jaw dropped again, this time it's because of what he said.

Ano raw? Spoiled brat?!

I blinked twice, cause I couldn't believe of what he said.

"Serene? What happened?" Lumapit si Yushi sa 'min. Tiningnan ko si Tine at ang sugat niya sa braso.

Imbes na sa cafeteria ang punta namin ni Yushi, sa clinic kami tumuloy para ipagamot ang sugat ni Tine. T-in-next ko na rin sina Mae at Lian kaya roon na nila ako pinuntahan.

Hindi na tuloy kami nakapag-snack dahil sa nangyari. We had a long tiring day in school, kaya naman pag-uwi ay nagkulong na lang ako sa kwarto.

Napanguso ako habang nakahiga sa kama. I can't get off him on my mind, lalo na 'yung sinabi niya.

"Away spoiled brat."

Nagpabalik-balik 'yon sa utak ko na parang isang sirang plaka!

"Away spoiled brat."

"What, me? Spoiled brat? Away spoiled brat? How could he say that! Impossible namang si, Tine ang sinabihan niya no'n because being a picture of spoiled brat is far from Tine. Tine is simple, while me? Halatang kami ni Grecel ang sinabihan niya no'n.

Yes I was born with a silver spoon pero hindi naman ako spoiled brat! Okay, I was spoiled by my parents because that's what they want but I'm not a brat! At mas lalong hindi ako nakikipag-away, I just defended Tine!

Napailing ako sa sariling naiisip, bakit ko ba kasi sinusubukang linisin ang pangalan ko para lang sa opinion niya sa 'kin?

Hindi tuloy ako naka-tulog nang gabing 'yon, tuloy kinabukasan ay bangag ako at litaw na litaw ang eyebags.

"Ano'ng nangyari sa inyong dalawa? Nagpuyat ba kayo kagabi? Nagchikahan together?" sermon sa 'min ni Mae. Napatingin ako kay Lian na malalim din ang eyebags. Pareho kaming napailing at sinandal ang ulo sa mesa, inaantok pa ako.

"Ay naku! I told you h'wag na kayong magpuyat sa maling tao. Sige kayo, mahal na ang dugo ngayon. 'Pag nagka-anemic kayo hindi ko kayo bibigyan ng dugo," ani Mae.

Humagikhik naman si Lian. "Hindi kita type 'no!" Natawa na rin ako, sa 'ming tatlo si Lian talaga ang pala-asar, pala-tawa, pinakamaingay. Si Mae naman ay may pagkatahimik, pero kapag nanermon daig pa mommy ko. Kagaya ngayon.

Sa kanilang tatlo ako naman ang parang neutral, I'm the sweet type, may pagkamahinhin na wala sa katangian nina Mae at Lian. Tahimik lang talaga akong tao, pero dahil kina Mae at Lian natoto akong maging madaldal at maloko minsan.

"Do you know Prineson Monte Amis guys?" I asked them.

"Sino namang 'di makakakilala roon?"
Si Lian.

"'Di ba siya 'yung tumulong sa 'yo noon sa bathroom?" Napatingala pa si Mae, tila inaalala ang araw na 'yon. Agad naman akong tumango sa kanya.

"Oo siya 'yon."

"Bakit mo natanong?" si Lian, agad naman akong umiling.

"Wala lang. . . " nagkibit ako ng balikat. Bigla akong pinaningkitan ng mata ni Lian.

"Crush mo 'no?" pang-aakusa niya, agad namang nanlaki ang mga mata ko.

"Uy hindi, ah!" depensa ko sa sarili. Ngumisi si Lian na para bang may isang impormasyon na naman siya tungkol sa 'kin na ikasisira ng buhay ko.

Pababa na kami nang hapon na 'yon papuntang parking lot nang makasalubong namin si Prine. I shrieked when suddenly Lian pinched my waist.

"Si, Prine oh." Sa boses ni Mae gusto kong bumili ng tape ngayon.

Ngunit si Prine, hindi man lang niya nagawang lumingon sa 'kin. Deri-deritso lang ang pag-akyat niya na tila ba wala ako, na tila ba hindi niya ako nakita.

Ano ka ba Rose! Ano naman ngayon kung hindi ka niya pinansin? Hindi naman kayo magkaibigan o ano!

Napahinga ako nang malalim nang biglang bumigat ang dibdib ko.

I sat on my study table while thingking of what's happening in me for the past days. I saw my diary kaya kinuha ko at ibinuklat. Matagal-tagal na rin pala simula noong sumulat ako rito.

Ewan ko ba! But I just found myself scribbling words on it.

Dear Diary,

Why do people judge others so easily? Is really eyes have a scanner that they do easily conclude things? Ano ba talaga ang makasalanan? Mata na nakakakita ng huhusgahan o isip na nanghuhusga? Or maybe the one who is being judged?

Bakit napaka-judgemtal ng mga tao? Kahit na hindi naman nila alam ang bigger picture ng isang bagay o sitwasyon?

They say,  there's more to see than meet the eye.

I can say that there's more to him than looking on his dark eyes.

But with me? What can he saw through my eyes? Is my eyes shinning and sparking like a diamond that he said I'm a spoiled brat?

And what's happening to me? Why do I'm feeling this way towards him?




Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yanyan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now