CHAPTER 05

584 20 0
                                    

CHAPTER 05 | Hanky |

I'm very much used to bullying. They don't messed with me when I'm in front of them. Instead, they are stabbing me through my back.

Before I used to think what's the reason or what did I do to them to treat me like this. Napagtanto ko na lang na ginaganito nila ako because they envy me, I didn't do wrong, ni hindi ko nga sila personal na kilala kaya wala ng ibang rason ku'ndi inggit. My friends also helped me to realize that. Kung pwede ko lang ipamigay ang buhay ko na parang ayuda matagal ko nang ginawa, kung naiinggit sila sa 'kin mas naiinggit ako sa kanila.

Lahat ng tao may tinatagong inggit, it depends upon the person how they will deal on it. And my way of dealing it? Is to stay silent.

One week had passed since that incident in the bathroom happened. Lagi kong nakikita si Prine sa school but I'm just to shy to approach him.

Oh yeah, I finally found out what's his name. It's Prineson Monte Amis, people used to call him Prine kaya, Prine. Nag-iisang anak ng may-ari ng M.A Construction, they're filthy rich like us! That is according to my research by the way.

"Kabagot naman ang daming assignments." reklamo ni Mae. Sa aming tatlo ay siya ang pinakamatalino, it's unusual na nagrereklamo siya nang ganito.

Napabuntonghininga na lang ako nang may naalala, I then turned to Mae. "Mae, pahiram ng assignment sa Science." Hindi kasi ako nakapag assignment kagabi, nakatulog ako.

"Pahiram o pakopya?" nakangising aniya sa 'kin. Sumimangot naman ako pero sa huli ay binigay niya pa rin ang notebook niya.

"Ikaw Lian tapos ka na sa assignment?" Mae asked Lian, nakikinig lang ako sa kanila dahil busy na ako sa pagkopya.

"Huh? Ah, h-hindi pa," Lian answered.

"Bigay ko sayo 'to after," sabi ko habang busy pa rin sa pagkopya, I was pertaining to Mae's Science notebook.

"H-hindi na, kaya ko naman sagutan." Ngumisi lang ako, himala at sinipag 'tong isa.

"Cafeteria ulit?" I asked them habang pababa kami ng hagdan, nasa third floor kasi ang classroom namin.

"As usual," si Mae.

"Maiba naman tayo, bili tayo sa cafeteria ng food tapos sa garden tayo kumain." Lian suggested na agad ko namang tinanguan it's a great idea!

"Sige, tapos ikaw manlibre!" hirit ni Mae sa excited ding tono.

Ngumiwi naman si Lian sa kanya, "Kuripot nito!"

"Treat ko!" I volunteered, kabibigay lang din kasi ng allowance ko for this week.

"Oh, ayan ay may manlilibre na, bongga!" Pumalakpak pa si Lian sa tuwa as if naman hindi niya afford na bumili ng sariling pagkain.

"Uy h'wag, nakakahiya," si Mae.

"Ay, nahiya pa! Pero gusto rin naman!" Kiniliti siya ni Lian kaya natawa na lang din si Mae.

"Boba!" ani Mae, pinagtawanan na lang namin siya ni Lian.

"Ako na lang bibili, mauna na kayo sa garden 'di ba may dadaanan ka pa sa faculty Mae?" Medyo malayo rin kasi ang distansya ng garden at cafeteria namin.

"Hindi pwede!" sabay na sigaw nila sa 'kin.

"Ayos lang, walang mambu-bully roon."

"Paano ka naman nakakasiguro aber?" taas kilay na ani Lian sa 'kin.

I sighed heavily, pakiramdam ko ay kinder ako na kailangan bantayan.

"Ganito na lang, since may dadaanan pa ako sa faculty, kayo na lang ni Lian ang bumili sa cafeteria, mauuna na lang ako sa garden." I know I don't have a choice kaya pumayag na lang ako sa suggestion mi Mae.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now