CHAPTER 20

449 13 0
                                    

CHAPTER 20 | Throw |


My heart beated so fast, bigla kong nahigit ang hininga nang marinig ang boses niyang tinatawag ang pangalan ko. I bit my lower lip to at least calm myself. I gritted my teeth as my body stiffened to his call.

Bigla ay napahigpit ang hawak ko sa dalang mga papel, I'm sorry Ms. Brianna kung nakusot ko ang mga gamit mo. Dahan-dahan akong humarap sa kanya, when our gaze met, anger drifted on my system like an acid. 

Same cold aura and stare, walang ipinagbago ang mga mata ni Prine. Siguro dahil sa galit ay nakaya kong titigan ang mga mata niya. I'm sure what I'm feeling right now reflected on my eyes. Hatred.

I hate him so much! 

I hate him for shaking my confidence, I hate him for slapping me that he will never like me back! I hate him for making me nervous and intimidated everytime I face him. I hate him for making me feel this way!

I hate him because he is he! I hate everything about him! I hate it because I've learned to like it. . . or maybe loved it?

Masakit kasi na 'yung mga bagay na gusto mo 'yon pa ang mahirap kunin, masakit kasi na siya pa, na gusto ko! Ang kailangang magpahiya sa 'kin ng ganoon! 

Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko pero pilit kong tinatagan ang sarili. Nanginginig ang sestima ko ngayon, bigla ay parang gusto kong magwala! 

"Ano'ng kailangan mo?" I coldly said, bahagya akong umatras sa kanya,  maintaining our distance. 

Iba talaga ang nagagawa ng galit sa tao, nakakatapang! Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot na dahilan nang pagtapang ng isang tao, pag-ibig o galit? 

"I'm here to. . . " he stuttered, naging malikot ang mga mata niya na akala mo ay mahahanap niya ang sagot sa pader ng hallway. Sa huli ay hindi niya natapos ang sasabihin, he deeply sighed instead. 

"To what Mr. Monte Amis?" I was shocked with my own voice. Pakiramdam ko ay bigla akong sinaniban ng spirit ni mommy. 

He sighed again, mukhang nahihirapan siyang magsalita. Bakit naman? Nahihiya siya dahil ipinahiya niya ako? Serves you right Mr. Monte Amis

Pumikit siya nang mariin kaya agad akong nairita. 

"Wala akong panahon para magsayang ng oras. If you have nothing to say then I have to go." Agad kong pinagsisihan ang sinabi, I sounded so rude. 

His arrogant face is still the same, hindi ko pa rin mabasa ang expression niya. 

Bumaba ang tingin ko sa pantalon niya nang may dinukot siya sa bulsa. Hindi ko na napigilan ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang pamilyar na bagay na 'yon. 

It may not be the only one in this world pero agad kong nakilala 'yon. Saglit pa akong nagulat dahil hindi makapaniwala, mabuti na lang at nabalik ko ulit ang poker face ko nang e-abot niya sa 'kin 'yon.

"Your hanky," aniya habang nilalahad sa 'kin ang hanky ko. 

Yes my hanky! 'Yung ibinigay ko sa kanya noon na akala ko ay itinapon na niya. Bakit nandito 'to ngayon? It was folded nicely on his hand, while handing it to me. 

What are you trying to do Prine? Why are you being nice again?

Bumaba ang tingin ko sa panyo ko, I only looked at it at walang balak na tanggapin. Imbes na ilahad ang kamay ay niyakap ko ang mga dalang gamit ni Ms. Brianna.

"I thought you throw it?" Bahagya ko siyang tinaasan ng kilay.

"Hindi ko tinapon," he said arrogantly. Para bang sinasabi niya na dapat pa akong magpasalamat dahil hindi niya itinapon. Agad na nag-init sa galit ang pisngi ko. Don't be so full of yourself Prine! 

"Kung ganoon, pakitapon na lang. I don't need it anymore. Kagaya nang sinabi mo noon, I can by hundreds of that, mayaman ako 'di ba?" I said with sarcasm, ibinalik ko lang ang sinabi niya sa 'kin noon. 

I saw how his lips parted, shock is evident on his eyes. Pinigilan ko ang sariling mapairap bago siya tuloyang tinalikuran. I sighed heavily, hindi ko akalaing nakaya kong sabihin 'yon sa kanya.

Naging mahigpit ang paghawak ko sa railling ng hagdan habang pababa ako, nanginginig ang sestima ko at nangangatog ang mga binti ko. Kung hindi ako mag-iingat ay baka mahulog ako sa hagdan na ito. Muli akong nagpakawala nang malalim na paghinga, nakalimotan ko yatang huminga habang kaharap siya kanina.

That was my last encounter with Prineson Monte Amis, I mean lagi kaming nagkikita sa school pero hindi kami nagpapansinan. That was the last time that I talked to him.

The issue about me crushing Prine slowly died down as another month passed. Ang mga bullies ko ay na-report sa dean's office kaya na-suspend sila ng dalawang Linggo. Kasali na roon sina Grecel, Givanne, Archy, at si Tine. Marami pa sila pero sila lang naman ang maituturo ko dahil wala naman akong pake sa iba kong bullies na hindi ko kilala. Gusto ko sanang isama si Prine ang kaso lang ay wala naman akong masasampa sa kanya.

Ano 'yon? E-re-report ko siya dahil hindi niya ako kri-nush-back? Kung pwede lang naku! 

Marami pa rin naman ang nagpaparinig sa 'kin pero konti na lang, takot lang nilang ma-report sa dean. 

Walang kaalam-alam si mommy sa nangyayari sa 'kin sa school. Personal ko ring kinausap si Tita Louisa tungkol dito na huwag nang ipaalam kay mommy dahil ayoko siyang abalahin. Mabuti na lang at napilit ko siya kahit ayaw nilang dalawa ni Yushi. 

Tine and I we're distant to each other, ayoko rin siyang maka-usap. 

Sa nakalipas na mga Linggo ay dahan-dahan na rin akong bumuo ng mga plano sa isip ko para matigil ang engagement na 'yon.

I'm slowly eating dinner habang in-a-absorb ang sinasabi ni mommy. It's our another family dinner, at alam ko ang agenda.

"The first of December Serene, makikilala mo na ang fiancé mo." Mommy said na para bang dapat akong ma-excite. Tumango lang ako kahit na ang totoo ay nasasakal ako sa mga pinagsasabi niya.

"Na set na namin ang dinner with his family, and my amego gladly cleared their familiy's schedule for that day. We'll invite them at home, dapat ay maaga kang umuwi sa araw na 'yon, hija." Tango lang ako nang tango kay mommy. 

We'll let's see what will really happen.








Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on IG:
@Ayanna_lhi

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now