CHAPTER 35

437 17 3
                                    

CHAPTER 35 | Hold |

"Bagay 'to sayo. . ." Sabay abot ko kay Prine ng kulay puting Vans t-shirt.

“You think so?" Tumango ako at ipinatong sa harap niya ang naka-hanger na t-shirt para tingnan kung bagay nga ba talaga ito sa kanya.

"Yeah, it suits you."

"Kunin na natin," aniya.

"Sure!" Ngumiti ako at inilagay na sa basket ang damit na napili.

Pinaypayan ko ang sarili dahil sa init, I'm wearing a white longsleve shirt and a black jeans, may aircon naman sa mall pero dahil sa suot ko at sa cap ay naiinitan ako.

Paubos na ang stock namin ni Prine sa bahay kaya we decided to go grocery. Dalawang sakayan lang naman ang mall na 'to, maliit lang at hindi masyadong matao. Pero kahit gano'n, sinigurado pa rin naming hindi kami makikilala.

True enough, nakakasawa nga ang puros delata.

Binitiwan ni Prine ang dalang basket at lumapit sa likod ko, ngumiti ako nang maramdamang tatalian niya ang mahaba kong buhok.

I expected that he'll tie it loosely, pero pagkatapos niya ay naramdaman ko ang higpit ng pagkakatali. Hmm, kailan pa 'to natutong magtali ng buhok?

"Thank you," I said to him. Pakiramdam ko ay ang pula-pula na ng pisngi ko.

He pinched my nose and pick up the basket, inakbayan niya rin ako at inakay. Namili muna kami ng mga gamit na kailangang-kailangan namin. We decided to stay three more days before going back to our own houses, before going back to our reality.

Lian told me that the engagement
was not cancelled yet, it means our parents are expecting us to come. Sinusubukan nila kami kung talaga bang kaya naming sumuway sa kanila.

After strolling on the second floor, we went to first floor for the groceries. It's our first time doing it so I'm kinda excited and amaze. Our first date is a grocery shopping! Para talaga kaming mag-asawa sa ginagawa namin, minus the circumstances we're facing.

Umiling ako sa sariling iniisip, kanina pa may kulisap sa tiyan ko! I do groceries with my bestfriends, minsan ay sinasamahan namin si, Mae na mag-grocery or kung may outing or sleep over kami ay nag-go-grocery kaming tatlo. I enjoyed doing it so much, pero kakaiba ngayong si, Prine na ang kasama ko.

"Banana ketchup or tomato ketchup?" I asked him while holding the two bottles of ketchup.

Prine is pushing the grocery cart, his veins are showing because of his fair skin and his firm hold. He looks out of place and dashing with his white polo shirt and rolled up sleeves unto his forearm.

"Kahit ano," he chuckled. Kanina niya pa ako tinatawanan. His smile never faded, naninibago ako dahil mas sanay akong nakikita siyang nakakunot ang noo at masungit tignan.

But of course, Prine looks more handsome and softer with his smilling facade, hindi nakakasawang tignan. It's like his not the Prine I used to glance before everytime we saw each other on a staircase.

"Okay, tomato ketchup it's more sweeter."

"Ang dami naman niyan," puna ko nang makitang ang dami niyang nilagay na frozen goods. Ni hindi niya tinitignan ang presyo, lagay lang nang lagay sa cart!

Inisa-isa kong ni-check ang mga nilagay niya at tinignan kung may damage ba ito o ano.

"Hindi naman tayo mag-pupurga ng pork diba?" Napanganga ako nang makitang ang dami niyang kinuhang pork and bacon.

"Seriously Prine? Mauubos ba natin 'yan?" Ako ang nag-aalala sa ginagawa niya. Ang dami na nito para sa tatlong araw! Masasayang lang 'yan.

Medyo na-stress ako kay Prine sa grocery, siya taga-kuha ako naman taga-balik. Nakakahiya, pinagtitinginan na nga kami ng mga tao!

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon