CHAPTER 18

407 15 2
                                    

CHAPTER 18 | Hatred |

"Bakit n'yo 'ko pinigilan?Sasampalin ko na 'yon, eh! Kaasar naman kayo!" Tulala lang ako habang pinapanood si Lian na singhalan si Clark. Frustrated siya masyado kaya ang kaklase ko ang napagbubuntongan niya ng galit.

Hindi ko na alam ano'ng mararamdaman sa sitwasyong 'to. Tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ko kahit nakatulala lang ako.

"Magre-report na tayo this time!" Si Mae na alam kong galit na galit din sa nangyari. "Hindi na ako papayag na maulit 'to! Sumusobra na sila!" nanggagalaiting aniya.

Hindi ko na kayang magsalita, pinabayaan ko na lang ang dalawang kaibigan sa galit nila.

Galit din ako, galit na galit. What happened earlier was superb, I've never been embarrassed like that before.

My hatred is now like a burning fire with a blue flame, silent but dangerous. Hindi ko matanggap ang nangyari kanina. . . what Grecel did, what Prine said. Tahimik na nagngingitngit sa galit ang kalooban ko ngayon.

Hanggang sa maka-uwi ako ay wala akong ibang inisip kun 'di ang nangyaring iyon.

Parang sirang plaka ang utak ko dahil nagpabalik-balik sa utak ko kung gaano ako kaawa-awa kanina, kung paano ako pinahiya kanina, lalong lalo na ang mga sinabi ni Prine. Hindi ko 'yon lahat makakalimutan.

"Kasalanan ko 'to, eh!"

"Dapat talaga sinamahan ka namin!"

Napailing na lang ako nang maalala kung paano sinisisi ng mga kaibigan ko ang mga sarili nila. Gusto kong sabihin na wala silang kasalanan pero hindi ko kayang magsalita.

Tahimik kong pinalis ang luha sa pisngi ko, ayaw na naman paawat ng luha ko. Nawalan na ako ng reaction sa lahat ng nangyayari sa paligid ngayon.

I felt like my world was ruined in an instant, ang mundo kong dati ng sira mas lalo pang nasira.

Why is the world like this? I just want to live and to be free, bakit kailangan ganito? Mali ba talaga maging masaya kahit saglit?

"Good afternoon po Ma'am." Maging ang kasambahay ay hindi ko na nagawang batiin nang dumating ako. Agad akong dumeritso sa kwarto ko at agad na humilata sa kama, wala na akong balak bumangon pa ulit. Ang gusto ko lang ay makahiga na at ipagpahinga ang lahat ng nangyari sa araw na 'to.

Kinagabihan ay kinatok nila ang pintuan ko para sa dinner, I didn't answer them and I just let them. Wala akong gana.

I felt so empty, I felt like a hallow.

Pabalik-balik sa isip ko ang sinabi ni Prine. Kung paano niya ipinamukha sa 'kin na hindi niya ako gusto, at kailanman hinding-hindi niya ako magugustohan.

Nakatulogan ko ang tahimik na pag-iyak sa gabing 'yon. Nagising lang ako nang makarinig ng katok sa pintuan ko.

Akala ko paggising ko ay magbabago na ang lahat, hiniling ko pa na sana ay panaginip na lang ang lahat. Pero hindi, gano'n pa rin ang nararamdaman ko.

Empty, hallow, and hatred.

Namamaga pa ang mga mata ko nang bumangon ako sa higaan. Narinig ko ulit ang marahang katok kaya nilapitan ko na ang pintuan ko at binuksan. I wasn't surprise anymore to see who was it.

I looked at her coldly, I made a grim line on my lip as I faced her. Hindi nakatakas sa 'kin ang panginginig ng mga kamay niya while holding my food on the tray.

"Pumasok ka," I coldly said to her. Hindi magandang umaga pa lang siya na itong bumubungad sa 'kin.

"M-magandang umaga po Ma'am S-serene." I glared at her, nang makita niya ang masamang titig ko ay agad siyang yumuko. Bumalik ako sa kama ko at umupo roon.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now