CHAPTER 23

480 25 3
                                    

CHAPTER 23 | Date |

Ayokong madikit ang pangalan kay Prine dahil ayokong maging tampulan na naman ng mga bullies. Mainit ang mga tingin nila sa 'kin dahil sa ginawa kong pag-report sa kanila reason bakit sila na-suspend. They hate me more for doing that but they can't do anything because they are afraid to get expalsion. Binantaan kasi sila ng dean na kapag nag-report ako ulit they will be expelled sa Love Academy.

Ayoko ring makarinig ng usapan na ginamit ko na naman ang pera at impluwensiya ko just to get Prine. That's the least thing that I wanted to happen, ayokong masabihan ulit na desperada. Masakit.

Yes crush ko si Prine o baka nga gusto ko siya. . .  n-noon. But I won't pull stupid things just to get him, just to caught his attention. Alam kong campus crush siya, and I am one of those lowkey girls na silently lang ang pagkaka-crush sa kanya.

I'm not desperate, all of my encounters with Prine before are all accidents. Yes I do stalking pero wala akong balak na umamin sa kanya noon. Sadyang naging mapait lang ang tadhana sa 'kin.

Hindi nga pinagkalat ni Prine ang tungkol sa engagement naming dalawa. Oh well, sa 'ming dalawa siya itong mas gugustohing itago ang engagement. That engagement will ruin his image as a campus crush.

Binigyan na rin kami ng parents namin ng engagement rings nang isang beses ulit kaming nag-dinner.  Nasa amin na raw if isusuot namin 'yon. Wala akong balak na isuot 'yon, magpapaalala lang 'yon na hindi ako malaya sa buhay ko.

Hindi na ulit naulit ang pagsundo ni Prine sa 'kin. Mabuti nga 'yon, eh! Ang kaso lang ay nag-re-request ng date ang parents namin na kaming dalawa lang ni Prine. Tahimik lang ako at hindi na sumagot dahil ayoko rin.

Naging busy din kami bago ang Christmas break dahil sa group activity namin na kailangan naming e-perform sa theatre.

"Galit ka pa rin ba sa 'kin?" malungkot na ani Lian. Kausap ko siya ngayon sa cellphone. Mae and I found out about Lian's ex, kung dati ay hindi namin kilala ni Mae sino 'yon, ngayon ay nalaman na namin. I was also shocked, hindi talaga ako makapaniwala.

I sighed, "Hindi naman galit, tampo lang," I told her. Seven months niyang itinago sa 'min na nandito na pala ang ex niya, worst classmate pa pala namin ngayon! At wala man lang kaming kaalam-alam ni Mae. I imagine her sufferings, I guess she felt suffocated, wala man lang kaming naitulong ni Mae kaya nakakatampo.

"I'm sorry talaga Rose." I sighed again.
Hindi ko alam kung deserve ko ba ang sorry ni Lian eh, pareho lang naman kaming may nililihim. Siya tungkol sa ex niya ako naman tungkol sa engagement. At least siya nasabi na niya, ako kaya?

"Sa tingin ko wala tayong pinagkaiba, Lian may nililihim din ako at hindi kayang sabihin sa inyo," I said bitterly.

I spent the holiday like the usual, dapat masaya ako but I felt dull inside me. Mabuti na lang ang away naming magkakaibigan ay madali lang naayos.

Kahapon ay nagpaalam ako kay mommy na pupunta akong mall para bumili ng birthday gift ni Lian. Birthday niya na kasi sa 28, may two days na lang ako para pilian siya ng regalo.

Ang kaso lang ay hindi ako pinayagan ni mommy. Papayag lang daw siya kung kasama ko si Prine.

Ayoko! Pero wala akong choice, I don't want to pick stuffs online para ibigay kay Lian. Gusto kong ako talaga ang bibili.

My mother made sure na maganda ako sa date raw namin ni Prine. I don't consider him as my date, body guard pa pwede. Ganoon kasi lagi, whenever I go alone or with my friends to mall dapat may kasama akong body guards.

Lian texted me earlier na gusto niya raw magpasama sa mall. Gusto ko sana pero tinanggihan ko, I want my gift to appeared surprise for her. Pag kasama ko siyang mamili, hindi na surprise 'yon.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now