10 UNDAS 2015

910 46 6
                                    

Mabilis na lumipas ang araw, busy kasi kami ni Kent sa pagrereview para sa quiz bee. Huling araw na  sana namin sa pagbabantay sa Library kahapon pero nagkaroon ng pasok ngayon. SATURDAY CLASS is </3. Idagdag mo pa na undas ngayon. Pwe!

 “Ay undas!” sigaw ko ng tawagin ako ni Jigs. Leche! Ang lapit lang niya sa akin e sisigaw pa!

“Ay ay ay. Anong undas ‘te?” tanong ni Jigs ng may mapanuring tingin sa akin.

“Wala. Malapit na kasi undas e” palusot ko. Ang hilig kasi manggulat ng palakang ‘to.

“Malapit? Lokaret ka? February pa lang. Undas agad?”

Hindi na ko nagsalita bagkus ay inirapan ko siya. Kakatapos pa lang ng klase namin. Hindi katulad ng nakagawian, nagpaiwan si Jigs ngayon sa room. Obvious diba kasi kausap ko siya kani-kanina lang. Nasa harap ko siya na tila binabantayan ako sa bawat kilos ko. Isa-isang kong nilagay ang mga gamit ko sa loob ng bag ko, binagalan ko talaga ang galaw ko.

“So kailangan ala-maria clara ang peg pag naglalagay ng gamit sa bag? Ganyan ba ang acting pag malapit na ang undas?” Hindi nga ko nagkamali, binabantayan niya nga ako. Tiningnan ko naman siya saka ibinalik ang tingin ko sa mga gamit ko na isa-isa kong inaayos.

“Andeng nakikipag-unahan ka ba sa snail?”

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Jigs. “Hah?”

“Nauna na siya. Mas mabagal pa yung kilos mo sa kilos niya. Ay grabe!”

Tss. I rolled my eyes tsaka muling itinuon ang pansin sa gamit ko na ang totoo eh nakaayos na talaga kanina pa. Isinara ko ang zipper ng bag ko tsaka iyon isinakbit sa magkabilang balikat.

“Ay taray! Dora the Explorer!” sigaw niya.

“Jigs ang ingay mo” puna ko sa kanya tsaka nagsimulang maglakad palabas. Agad naman niya akong hinabol.

“Meron ka ‘te? Ang sungit! Ganyan ba talaga dapat pag-Valentine’s day?”

Tumigil ako sa paglalakad tsaka siya hinarap.

“Oh tapos? Iko-connect mo na naman na bitter ako?” after that muli akong naglakad.

“Hindi.” Sabi niya habang naglalakad kasabay ko.

“Weh”

“Trulalu, walang halong eklabu ‘te.”

“Maniwala sayo, Panget!” sabi ko sa kanya.

“So naniwala ka?” tanong niya.

“Medyo” sagot ko.

“So panget ka?” sabi niya sabay tawa.

“PAKNESS KA!” sigaw ko sa kanya.

Tumahimik naman si Jigs pagkatapos nun kaya ganun na din ang ginawa ko. Bigla kaming may nakasalubong na babaeng naka floral cap, t-shirt, pants at shoes tapos may dala pang bulaklak. WOW GARDEN!

Tiningnan ko ng may pagkadisgusto yung babae. Kaasar! Agad naman akong siniko ng kasama ko mukhang nakita niya ang itsura ko.

“Why?” tanong ko sa kanya.

“Wag kang bitter, porke’t wala kang flowers ganyan na agad ang mukha mo?” bulong niya sa akin.

“Gaga! Akala ko kasi nasa floral garden ako.” sabi ko sabay tawa. Hinampas naman ako ni Jigs.

“Oh bakit?”

“Loka-loka! ‘ge aliwin mo yung sarili mo”

“bakit? Hindi naman ako nabo-boring e” sabi ko pero ang bakla tiningnan lang ako sabay alis. Tss. Hindi na naman naniniwalang hindi ako bitter.  Buti na lang at nasa tapat na kami ng library kaya pumasok ako agad. Himala dahil sinamahan ako ng bakla hanggang dito. Ano kayang nakain nun?

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now