16 CHECK LIST

929 41 10
                                    


"Oh Ang mata! Ang mata!"

Tiningnan ko ng masama si Jigs tsaka ko muling itunuon ang sarili sa pagkain. Pesteng Kent 'yon! Kaya ba hindi ako naihatid kahapon at hindi ako sinundo ngayon ay dahil busy siya...Busy siya sa pakikipaglandian! Oh edi siya na! Siya na ang sikat! Sino ba yung mga babaeng yun at ipapasalvage ko na!

"Hindi naman totoong kayo kaya huwag kang mag-inaso!" sita niya pa sa akin kaya mas lalong sumama ang mukha ko. Ang galing din sumuporta ng baklang 'to. Hindi ako tinigilan hangga't hindi ako umaamin na joke lang yung in a relationship namin ni Kent kaya ayun nasabi ko na yung totoo. Muntik pang magpaparty at magpa-misa kasi single pa din daw si Kent. Sira talaga ang tuktok eh.  

Huminga ako ng malalim. Nakakabadtrip kasi matapos akong sagipin kay Marky, gaganituhin niya ko? Masyadong pa-fall ang leche. Ako naman si tanga ang hilig umasa. Hindi na nadala! Si Kupido talaga, not once but twice pa ata ang gagawin sa masalimuot kong lovelife.

 Lumingon ako sa kabilang side at nakita ko si Marky kasama si Margaux. Utang na lamang loob! Kailan ako tatantanan ng mga 'to. Hindi naman ako masyadong affected, naasar lang talaga ko ng konte. OO KONTE LANG! Okay na ko eh. Hindi na ko bitter.

"Ang hard!" napalingon ako kay Jigs. Nakatingin din siya kila Marky habang nakapangalumbaba.

"Dati sabi niya ikaw ang mundo niya, anyare ngayon 'te? Nangibang planeta?" komento niya na may pailing-iling pa.

"Aray ah!" sigaw niya matapos ko siyang batukan. May pa-plane-planeta pa ang bakla!

"Mundo? So ano isa akong planeta tapos siya si Kokey?" mataray na sabi ko pero ang abnormal na si Jigs tumawa ng malakas kaya natawa na din ako.

"Ang havey te! Kokey talaga? Kaloka parang hindi mo minahal ah" with that natigil kami pareho sa pagtawa. Naging awkward ang atmosphere. Loko talagang Jigs eh. Okay na eh. Masaya na isisingit pa talaga yung nakaraan.

"Chos lang 'te! Wag masyadong serious mode. Nakakatanda!" pagbabago niya ng topic.

Nginusuan ko lang sya tsaka kumain. Ang tagal ng oras! Palibhasa wala kaming teacher sa next subject eh kaya pwedeng magtagal sa canteen!

"Akala ko ba okay ka na?"

"Anong klaseng tanong yan Jiego?" taas kilay kong tanong.

"Ay. Ay. Ay galit na naman siya! Wala pa nga eh" sabi niya na may pa-roll-roll pa ng eyes.

"Jigs! Ilang beses ko bang sinabi sayo na hindi na ko bitter. Okay na ko" pag-a-assure ko sa kanya.

"Weh?Promise?"

"Oo promise."

"Mamatay na sinungaling?" pangungulit niya.

"Patayin kita"

"Ay hard talaga! Bruha!" sabi niya sabay hila ng buhok ko.

"Aray! Gumaganti ka na ngayon ah!" sabay tingin ng masama sa kanya.

Bigla naman siyang may inabot na papel, kinuha ko iyon ng walang pag-aalinlangan.  

  "Ano to?" tanong ko habang sinisipat sipat ang laman. Nakatiklop pa kasi.

"Papel. Wag tanga Andeng! Ano ba 'yan!" sabi niya na parang naaburido.

"Alam kong papel 'to! Anong gagawin ko dito?"

"Crumple mo 'te tapos lunukin mo tsaka ka sumigaw ng Volta para maiba!" then he flips his hair. Feeler talaga! Akala mo haba ng hair eh.

"Leche! Mauna ka!" sabay balik nung papel sa kanya. Pa-volta-volta pa ang bakla? KAMUKHA KO BA SI AI-AI. Kinuha niya naman tsaka binuksan. Tiningnan niya ko ng seryoso. Mata sa mata. Kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Inilapag niya ang papel sa mesa tsaka nagsalita.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now