9 ANG UNANG HAKBANG

1.2K 47 2
                                    

Paano mo masasabing hindi ka BITTER at nakapag MOVED ON ka na?

1. Hindi ka na galit sa kanya at wala ka ng paki sa kanya.

Love- sabi nila kapag nagmahal ka at dumating ang oras na nagalit ka sa kanya, yung tindi ng galit mo ang nagiging batayan kung gaano mo siya kamahal o kung gaano ka ka-concern sa kanya. Kapag patuloy ka pa din nakakaramdam ng galit o inis kapag nakikita siya, isa lang ang ibig sabihin nun—APEKTADO KA PA DIN SA PRESENSIYA NIYA at HINDI ka pa nakaka GET OVER.

---

Nakauwi naman ako ng payapa pero magulo ang isip ko. Hindi naman talaga kasi ako bitter eh. Pero bakit ayaw maniwala ng mga tao sa paligid ko? Kung alam lang nila ang tunay na nangyari. Haaay!

Pagkapasok ko sa bahay ay agad kong naabutan si Manang at si Mommy na nanunuod ng movie. Napailing ako- Romantic Movie na naman yan panigurado

“Mam, ang gwapo ni John Llyod ano po?”

“Nako Manang! Sinabi mo pa! Kinikilig na nga ako”

Like…Seriously? Kinikilig sila? ANG TATANDA NA EH -_-

Kilig-Kilig. EDI WOW!

“Mommy, I’m here” tawag ko ng pansin sa kanila pero tila hindi nila ako narinig.

“MOM!” sigaw ko pa.

“Oh Ellaine, anak, andito ka na pala?”

Napa-poker-face ako sa sinabi ni Mama, hindi kasi siya nakatingin sa akin nung sinabi niya yun. Focus na focus sa pinapanood eh.

“Ay hindi, picture ko lang ‘to Mom”

Aakyat na sana ako ng biglang nagsalita si Manang.

“Hala Ma’am? May nagsasalitang picture pala si Ms. Ellaine dito sa bahay?”

Napailing ako sa narinig ko, Ayan ang napapala ng mga nanunuod ng kung anu-ano. Kinilig lang nagkaganyan na, yan ang hirap eh -_-

Umakyat na lang ako at nagderetso sa kwarto. Humiga ako sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang nakaalala sa akin.

From: Jiego Armando Silang

I miss you Ampalaya Queen!. In love ka na ba? Hihi.

-end of message-

Pwe! ANSABE? “IN LOVE KA NA BA?” SASALAKSAKIN KO NA TALAGA YAN NG AMPALAYA! Wala lang akong load kaya hindi ko mareplyan ang bakla. Oo wala akong load-  anong masama dun? Wala naman kasi akong katext at madalas si eh puro si Jigs lang naman ang nagtetext. Minsan iniisip ko para saan pa ang cellphone ko?

Nagpalit muna ako ng damit sa walk in closet ko pagkatapos bashin ang text ni Jigs tsaka humiga sa kama. Nakakapagod ang araw na ‘to sana wag ng maulit yung mga nangyari.

---

Maaga akong pumasok para wala akong makitang masamang nilalang sa ground pero dahil napakaswerte ko araw-araw, may nahagip ang mata ko na di kaaya-aya. Sayang ang umagang kay ganda!

Nagpatuloy ako sa paglalakad. So what kung dadaan ako sa lugar nila. I really don’t care.

“Look who’s here, kay aga-aga may bitter kang makikita.”

Kahit wala siyang sinabing pangalan, alam kong ako ang pinaparinggan nila. Like seriously? Ako at sila lang ang tao sa hall way. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.

“Oops, ang aga-aga may mang-aagaw kang makikita”  nginisian ko siya sabay tinalikuran, hindi hamak na mas malala ang mang-aagaw sa bitter. Nakita kong nagulat yung mga alipores niya at ganun din siya. Hindi pa ko nakakalayo ng magsalita ulit siya.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now