29 THE TRUTH

310 21 4
                                    



<ANDREA>

"Tsk.tsk." pumapalatak na lumapit sa table ko si Margaux.

"Hi Best Friend!" bati niya pa sa akin ng makapwesto sa tapat ko. Bagaman nakangiti ay halatang peke ito.

'Best friend?Baka Best fiend?

<A/N: Fiend is an old English term for enemy. Credit to my professor in World and Anglo-American Literature. HAHAH >

Matapos niya akong batiin ay agad nagtawanan ang mga kasama niya.

Imbes na sumagot ay itinuloy ko ang pagkain ko. Hindi ako nagpapa-api sadyang ayaw ko lang bumaba sa level na taglay niya. Isang linggo matapos kong marinig kay Kent ang salitang dumurog sa puso kong basag ay tila ba palagi na akong tinitingnan ng mga kaeskwela ko na para bang ang laki ng kasalanan ko.

Parang gusto ko tuloy magsabit ng karatula na 'AKO ANG NILOKO, HINDI AKO ANG NANLOKO'

Sa mga sumunod na araw ay hindi ko na din pinapansin si Jigs at madalas ay iniiwasan ko siya. Pumapasok na ulit si Kent at si Jigs ang palagi niyang kasama paminsan si Marky din. Tama 'yan! Magsama-sama sila, mga manloloko! Squad goals ata nila 'yan! Sana idinamay nila si pati si Micko para F4 ang datingan.

Kapeste nga eh kasi matapos yung araw na 'yon palagi din nila akong ginugulo. Idagdag pa 'tong si Margaux na hindi ko namalayang umupo na pala sa harap ko.

"Totoo ba?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Na umasa ka kay Charles Kent?" nakangising dugtong niya. Napabuntong hininga ako. Hard ne'to eh! Hardcore-in ko din kaya?

"Totoo ba?" tanong ko sa kanya na ikinataas naman ng kilay niya.

"Na ganyan ka na ka-chismosa ngayon?" sarkastiko kong tanong sa kanya. Tumayo ako at akmang aalis sa harap niya ng nahila niya ang braso ko. Sabi ngang ayokong pumatol eh! Inuubos ng haliparot na 'to ang pasensya ko. Hampasin ko 'to ng ampalaya! Hindi ko natapos ang pangtotorture ko sa isip ko ng bigla siyang sumigaw.

"Hindi pa tayo tapos!"

Nanlaki ang mata ko, "Wala naman tayong sinimulan..." inosenteng sagot ko. Totoo naman 'di ba?

"Aba't—" akmang sasampalin niya ko ng may humawak sa kamay niya.

"Don't you dare or else kakalbuhin kitang ahas ka!"

Naiinis na hinigit ni Margaux yung kamay niya... "Wow! Eh kung ikaw ang kalbuhin ko bakla? Wag mo kong mahawak-hawakan at wag kang magmalinis. Balitang-balita na sa buong school ang panloloko niyo sa kanya."

Nakita kong sumama ang tingin ni Jigs kay Margaux. Totoo naman ang sinabi niya hindi ba.

"Ah... Oo... yung balita na ikaw mismo ang nagkalat. Chismosang ahas ka gawing kitang bulate eh! Kung anu-ano ang kinekemerot mong balita, feeling media personnel ha'ne? Buti sana kung tama yang mga hot news mo! Wisikan kita ng asin ng mangisay kang bulate ka!"

Napailing na lang ako, kung okay kami ni Jigs baka humagalpak na ko ng tawa dahil sa pinagsasabi niya kaso hindi eh. HINDI KAMI OKAY.

'Bakit hindi ba tama naman yung ikinalat ni Margaux?' tanong ko sa isip ko. Hindi niya na dapat ipagtanggol kasi isa siya sa mga nanloko sa akin. Pare-pareho sila.

Nagpasya akong tumalikod pero wrong move dahil nandoon pala si Kent kasama si Marky.

Aysus! Squad goals talaga 'to!

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now