11 ANNOYING GUY

952 40 10
                                    

“Kinikilig ako! Sobra! Abot hanggang Mt. Everest! Nako Andeng!”

Kanina pa nagsasabi si Jigs na kinikilig siya pero mukha namang hindi. Matapos ko kasing ikwento sa kanya yung nangyari kahapon eh ganyan na  ang reaksyon niya. Sunday ngayon at kasalukuyan kaming naglalakad sa mall. Katatapos lang naming magsimba. Nakakaloka ‘tong si Jigs, wala naman kasi kaming bibilhin pero heto kami at panay ang ikot. Ang malala pa iniisa-isa niya ang bawat boutique and stall per ground level. Ultimo yung mga fast food chains pinapasok niya pero hindi naman kami umo-order. Nakakahiya talaga kasama ‘to eh. Kung hindi ko lang bestfriend ‘to, eh matagal ko ng pinabayaan siya sa mga trip niya. On the other hand ay naaliw naman ako at hindi ko na iniisip ang nangyari kahapon.

Nagpunta kami sa ground floor, may nakita kaming mga lalaking naka-itim na nag-aayos ng stage. May show yata mamaya. Sino kayang artista ang nandito? International kaya? O Local. Nagkatinginan kami ni Jigs.

“Nood tayo?” bulong ni Jigs na tila excited.

“Tanong mo kung may bayad? Tapos kung anong meron?”

Tumango si Jigs tapos lumapit dun sa isang lalaki. Malaki ang ngiti niya ng makabalik sa pwesto ko.

“Oh anong sabi?” tanong ko ng makalapit siya sa akin.

“Dance for a Cause daw. Tara na!” sabi niya sabay hila sa akin sa pinaka-unang upuan na nakaayos na. Peste! Ni hindi niya man lang hinin tay kung payag akong manood.

“Wala ba daw ‘tong bayad? Tsaka anong oras mag-start? Bakit andito tayo sa unahan? Hoy Jiego!” pangungulit ko kay Jigs na ngayon ay panay ang ikot ng mata na tila 360°

Hinarap niya naman ako tsaka nagsalita, “Ikaw! Apo ka ng may-ari ng school. Hindi mo alam na nag-foundation week sila.”

Nagulat ako sa sinabi ni Jigs. “EUNJI?” tanong ko.

Tumango naman siya na tila bored. “Hindi na natin kailangang magbayad kasi apo ka naman ng may-ari ng school aaaawww! My sexy curves!” sigaw niya matapos ko siyang hampasin.

“Sexy curves? Kakasuka!” Naglabas ako ng pera tsaka inabot sa kanya. Tinaasan niya naman ako ng kilay. “Jigs, didn’t you get it? DANCE FOR A CAUSE! Meaning to say para sa mga in need na tao ‘to yet you’re taking advantage. Hind po—“ tinakpan ni Jigs ang bibig ko tsaka siya nagsalita.

“Okay fine, magababayad na. Ikaw na mabait” sabi niya sabay kuha nung pera sa kamay ko.

“Pero bitter ka pa din pagdating sa love” pahabol niya. Sinabunutan ko naman siya.

“Aray naman Andeng! Kumokota ka na!” reklamo niya.

 “Tss. Ewan ko sayo. Kwento mo kay Dora!”

“Tse, Bitter!”

Umiling ako pagkaalis niya. Lahat na lang ini-re-relate niya sa bitter. Naisip ko na naman yung sinabi ni Kent.

Hindi ka na bitter kung hindi ka na galit sa kanya at wala ka ng paki sa kanya.

Tumango-tango ako. Tama dapat subukan ko ng wag siyang alalahanin. Tapos nay un so I better forget everything.

Nakakabored maghintay kaya lumingon-linon ako sa paligid para aliwin ang sarili ko. Pero imbes na maaliw at matuwa ay tila isang malaking pagkakamali ang ginawa ko. May nakita akong nag-de-date! Naka-couple shirt sila tapos may dalang bouquet of red roses yung girl. Napasimangot tuloy ako.

Tapos na VALENTINES DAY! Bakit gumaganyan pa sila?

EXTENDED?

ANO ‘TO COMPUTER SHOP?

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now