19 NAIINIS, NAGAGALIT, NAGSESELOS

657 35 95
                                    


A week after naming mag-usap ni Kent ay mas naging close kami sa isa't isa. May bangayan pa din pero at least hindi na ko naasar sa kanya or should I say medyo naasar pa di pero din a katulad nung dati. Nasanay na din ako na palagi siyang nandyan. Tuloy-tuloy pa din ang pagpapanggap namin kapag nasa school kami.

 "Sasabihin ko sayo mamaya."

Tumango na lang ako sa kanya kahit alam ko namang hindi niya sasabihin sa akin ang pag-uusapan nila ni Mam. Bigla kasi siyang tinawag ni Mam kanina pagkatapos ng klase at pinapunta sa office. I wonder kung ano ang pag-uusapan nila.   

"Andeng, kailan nga yung Quiz Bee niyo?"

"Bukas daw"

"Alam mo bang kasama pala sila Margaux at Marky doon?"

Tumango ako. Unfortunately kalaban namin sila sa elimination round.

"Nakakaloka bakla! Kahit iisa lang ang school natin tandaan mo. Wag kang papatalo sa mga yun!"

Tumango ulit ako. Kung bakit biglang nagkaroon ng elimination round. Wala ba silang tiwala sa amin ni Kent? O kahit sa akin man lang.

"May sakit ka ba?"

"Hah?" nilingon ko si Jigs.

"Alam mo nitong mga nakakaraang araw parang palagi kang wala sa sarili" tinitigan niya ko ng maigi. "Nilunok mo ba yung papel?"

Tiningnan ko siya bago nagsalita "Eh kung sayo ko ipalunok? Leche 'to!" 

"Haha ayan! Hindi kasi ako sanay ng tahimik ka eh! Tarayan mo pa ko!" sabi niya na may halong tawa.

"Kinakabhan kasi ako."

"Saan?"

"Kay Kent..."

"Bakit?"

"Ano kasi..."

Paano ko ba sasabihin kay Jigs? Aish.

"Hi Baby!  Hi Jigs!" Napalingon kami pareho sa tumawag sa amin.

Nginitian ko siya at ganun din naman ang ginawa niya. Kagaya nga ng sabi ko kanina nasanay na ako na palagi siyang nasa tabi ko. At sinanay ang sarili ko sa tawag niya sa akin kahit paminsan ay nakakapikon. Nakakadiri kasi.

"Magrereview kayo ngayon?" tanong ni Jigs pero kay Kent lamang nakatingin. Kibit-balikat lang ang isinagot sa kanya ni Kent tsaka bumaling sa akin. Agad naman akong umiling.

"May sakit ka ba?" tanong ni Kent.

"Nako kanina ko pa nga yan tinatanong—"

"Wala" sabi ko sabay tingin ng masama kay Jigs para patahimikin siya.

Hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan kay Kent. Buhat kasi nung isang linggo napapadalas na ang pagliban niya sa klase.Yun siguro ang dahilan kung bakit bglang nagkaroon ng elimination round. Kung pupunta man siya sa school hindi niya matatapos ang buong araw ng klase. Madalas pa siyang nagmamadali. May isang beses pa na nakitang kong may dugo siya sa kanang braso na nagmarka sa uniform niya. Nang tanungin ko naman kung anong nangyari sa kanya sinabi lang niya na nadisgrasya siya ng maglinis sila sa shop. Madalas din na parang inaantok siya kapag nasa klase na hindi ko na tinanong kung bakit. Mahirap na baka sabihin niya na sobrang concern ko sa kanya.  

"Oh girl! Diba mamaya yung dinner niyo nung Micko na taga- EunJi?"

Pinanlakihan ko ng mata si Jigs dahil sa kadaldalan.

"May dinner kayo?" tanong ng katabi ko.

Tumango ako bilang sagot. Lecheng bakla 'to napaka-daldal talaga!

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon