22 CHEEK KISS

675 44 21
                                    


Ti-nap ni Kent ang likod ko. "Sorry" bulong niya. WAAAAHHH! MUKANG NATANGGAP NIYANG TALO NGA KAMI! ANG SAKLAP NAMAN!

Hindi ko naman siya pwedeng sisihin dahil in the first place, pinabayaan ko siyang magcompute mag-isa dahil sa pesteng mga kaharap namin.

Ang tagal naman i-announce na mali yung sagot namin! Kakapeste eh. Talagang pinatatagal pa, eh obvious naman.

"Group 1, Got it right!..."

Napatingin ako sa quiz master tapos kay Kent na nagpipigil ng tawa. Pinaghahampas ko siya sa braso!

"Paano nangyari yun?" tanong ko pa pero imbes na sumagot sa akin ay pinagtawanan niya lang ako. Nagpalakpakan yung mga audience. Bumababa kami ng stage dahil aalisin na daw ang mga upuan at quiz bee paraphernalia kasunod na daw kasi ang awarding.

Inakbayan ako ni Kent, tatanggalin ko sana ng bumulong siya "Kanina pa tayo tinitingnan ng unggoy mong ex, maging sweet ka naman sa akin"

Lilingunin ko na sana ng pinigilan niya ang ulo ko, "Lilingon pa, gusto talagang nasasaktan"

Hindi na lang ako umimik.

---

"I think I deserve a prize..." sabi ni Kent habang nakahiga sa damuhan. Ang cool niya lang tingnan sa posisyon niya, para siyang model. Pinagsaklop niya kasi ang kamay niya tsaka inilagay sa likod ng ulo niya, tila ginawa niyang unang iyon.

Dito kami dumiretso sa garden sanctuary matapos ang quiz bee. Excuse kami sa lahat ng subject ngayong araw, nandito lang kami para hintayin si Jigs.

"Nakuha na natin yung medal pati certificate ah tapos pwede tayong mag-absent bukas..." sabi ko habang nagbabasa ng libro.

"Tss. I want a prize from you" sabi niya na parang bata.

Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin, "From me? Tigilan mo ko Wentford ha! Ako ba ang nagpaquiz bee? Kung bibigyan kita ng prize, bigyan mo din ako!" sabi ko tsaka muling itinuon ang sarili sa pagbabasa.

"Ako ang nagpanalo kaya ako lang dapat ang makatanggap"

Sa asar ko kinuha ko ang certificate at medal sa bag ko at itinapon sa kanya "Oh ayan! Saksak mo sa baga mo!"

"Anong gagawin ko sa certificate at medal?" tanong niya matapos mapabangon.

"Ilaga mo yung medal, iprito mo yung certificate!"

"Tss" Bigla niyang kinuha ang bag ko at inilagay doon ang medal at certificate. Akala ko ba dapat siya lang ang may prize? Hindi ko na lang siya pinansin. Itinuloy ko ang pagbabasa hanggang sa muli siyang magsalita.

"Yung prize ko..."

Nilingon ko siya, why he's acting like that ?

"Ano bang prize kasi?" tanong ko. Nakakakosensya kasi yung itsura niya.

Ngumiti siya sa akin, kung kanina nakahiga siya ngayon nakadapa na siya "Leche ka! Umayos ka!" saway ko sa kanya. Abnormal 'to ginawa ng kama yung damo!

" Sama ka sa akin"

"Hah?"

"Sumama ka sa akin"

"Ano?"

"ANDREA NAMAN!" sigaw niya. Umupo siya na nakaharap sa akin pero nakatagilid ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi mo maintindihan yung sumama ka sa akin?" tanong niya na parang frustrated na.

"Naiintindihan" sagot ko.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now