31 NOT A BAD THING

139 7 8
                                    

<ANDREA> 

Nagdaan ang isang linggo at hindi na ko ginambala nila Kent. Madalas ko silang makasalubong pero hindi man lang nila ako pinapansin. Mas okay na siguro 'yon. Masakit nga lang na pati si Jigs kasama na nila. Pakiramdam ko tuloy iniwan na ko ng lahat. Hindi na din ako ginugulo ni Margaux, ewan ko nga kung bakit eh.

Pumunta ako sa park kung saan kami tumambay ni Kent noon. Nagtext kasi sa akin si Kim, may sasabihin daw siya sa akin. Baka aamin na siyang sila na ni Kent. Wala naman akong pake pero dahil pinilit niya kong makipagkita sa kanya, kaya pumunta na ko. Hindi naman ako bitter eh. Okay lang sakin. Okay na okay. Siguro?

Pagdating ko doon ay naupo ako sa isang bench sa tabi ng isang puno ng may biglang umupo sa tapat ko na isang babae at lalaki, hindi sila mukhang mga estudyante parang mga nagtatrabaho na, naka-office attire kasi yung babae tapos yung lalaki ay naka-suit and tie pa. Bagay sila! I admit. Kamukha nga nung lalaki si Kang Min Hyuk ng CNBLUE tapos yung babae kamukha ni Krystal Jung ng Fx! Artistahin!

Pero WOW lang! Tapatan daw ba ako? Nananadya ang mga 'to! Nilabas ko ang cellphone ko at kunwaring nagtext.

"Sana naging totoo ka sakin, Geo..." dinig kong sabi nung babae kaya nag-angat ako ng ulo. Eh hindi ko naman sinasadyang marinig kasi nasa tapat nila ko eh kung lumayo-layo sila edi sana hindi ko mapakikinggan.

"Sorry na nga eh ...mamamatay ako pag iniwan mo ko, Jann" tugon naman ng lalaki.

Napailing ako. Patay agad? Wow. Dala niya ang buhay mo kuya? Napa-palatak ako kaya napalingon sila sa akin. Oops! I didn't mean to react! Kasi naman feeling ko nasa teledrama ako. Hindi naman ako talent manager? Bakit sa harap ko sila gumaganyan?

Nagulat ako ng biglang tumayo si ate at nagwalk-out. Naiwan si kuya na nakatitig sa akin ng masama.

"Oh bakit hindi ka pa namamatay? Iniwan ka na ah? Tagal. Kapeng-kape na ko!"

Kumunot naman yung noo niya sa akin. "Ang hard mo! Bakit kasi pumala-palatak ka pa dyan? Iniwan tuloy ako!"reklamo niya sa akin.

"Eh ang drama mo kasi kuya...may pa-sorry-sorry ka pa! Eh nagawa mo na nga! Ang hirap sa inyong mga lalaki...akala niyo kasi lahat nadadaan sa sorry. Mamamatay daw pag iniwan, oh eh bakit humihinga ka pa ha?"

"Maka-niyo ka! Isa lang akong kausap mo no! Yan ang hirap sa inyong mga babae, isa lang ang nanakit, nilalahat niyo na! Bakit hindi niyo subukang makinig muna?"

"Paano pa makikinig? Eh kung puro kasinungalingan na lang ang sasabihin. Ganito kasi 'yon kung nakapagsinungaling ka sa una hindi posibleng gawin mo ulit yun sa ikalawa at sa mga susunod pa!"

"Hugot pa!" sigaw niya. "Bitter mo!"

"Nahiya naman ako sayo! Isigaw mo pa!"

"BITTER KA!" pagdidiin niya sabay tayo at lakad.

"Grabe siya oh! Isinigaw nga!" napailing ako at napahawak sa noo ko. Nasaan na ba kasi si Kim? Napapahamak ako eh.

Maya-maya ay may tumabi sa aking babae. Base sa suot niya, isa siyang college student. Bumuntong hininga siya na tila problemado. Grabe, araw ng pagiging isang saksi ko?

Nagulat ako dahil biglang may sumulpot na lalaki sa harap namin. Aba! Gwapo si Kuya! Hawig niya si Lee Min Hyuk ng BTOB, pero wala pa din akong pake. Allergic nga ko sa gwapo eh. Kita mo si Kent! Manloloko! Lahat yata ng gwapo manloloko!

Naglabas ito ng bouquet of white roses at iniaabot sa babaeng katabi ko. Oh edi siya na! Maganda naman siya, mukha nga lang mataray.

"Blairre...babe, sorry na..." saad nito.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon