30 ONE STEP CLOSER

581 26 3
                                    



<KENT>

"Where's Kuya?" umaalingaw-ngaw ang boses ni Charlotte sa buong shop. Kahit naririnig ko siya ay ayokong sumagot. Para saan pa ang pagbangon ko sa umaga kung buong araw ay iiwasan naman ako ni Andrea. Haay! Ayoko na! Ayoko na talaga!

Eh pag tinanong nga ko kung para kanino ako bumabangon baka ihampas ko ang pangalan ni Andrea dun sa magtatanong.

"Zeus!" dinig kong sigaw ng kapatid ko. "Where is he?" batid ko ang pangungulit niya.

"Aish! Tulog pa. pwede ba Charlie---aww"

"It's Charlotte! Not Charlie. You idiot!"

Ramdam kong naiinis na si Charlotte kay Zeus kaya malamang nahataw niya na naman ang makulit kong kaibigan. Asar na asar kasi si Charlotte pagtinatawag siyang Charlie. Hindi naman daw kasi siya lalaki. Napapailing na lang ako tuwing maririnig ang mga singhal ni Charlotte at pag-aray ni Zeus.

"Oh edi baby na lang!....aaaa—aa-aray!"

Napangiti ako ng marinig ko ang malakas na sigaw na 'yon ni Zeus. Paniguradong pag hindi siya tumigil ay bugbog sarado na naman siya kay Charlotte.

"Tigilan mo ko Zeus at baka ipalapa kita kay Michi! Nasaan nga si Kuya? Pag hindi mo sa akin sinabi ay talagang tatamaan ka! Nasaan na ba yung samurai dito?"

Bagaman pupungas-pungas pa ay mabilis akong tumayo. Marunong gumamit si Charlotte ng samurai. Mahirap na baka tamaan talaga si Zeus!

"Anong problema?" tanong ko ng sumilip mula sa itaas.

"Ikaw ang problema!" sigaw ni Charlotte sa akin. Tinakbo niya ang daan paakyat at sa isang iglap ay nasa tapat ko na siya.

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko.

"Yan! Panay ang higa mo dito! Paano ka kakausapin ni Ate Andrea kung daig mo pa ang babae sa pag-iinarte? Kuya naman! "

Nagkamot ako ng ulo...pati ba siya ay namomroblema?

"Hindi ako nag-iinarte, nag-iisip ako kung ano ang dapat gawin para makausap siya..." napabuntong hininga pa ko bago muling nagsalita "Eh palagi nga kong iniiwas--"

"Palagi?" putol niya sa sinasabi ko. "Ilang beses mo sinubukan?"

"Mga tatlo...apat?"

"Tatatlo o apat lang?Tapos palagi na para sayo 'yon? Grabe tapos ano? napapagod ka na? Anong klaseng lalaki ka!"

Napakamot ako sa ulo ko. Nakakarindi talaga 'tong kapatid ko.

"Eh ayaw niya nga kong kausapin---"

"Tapos okay na sayo yun? Ayaw mo na din siyang kulitin?"

"Eh bakit ko pa kukulitin? Ayaw nga. Baka mamaya lalo pang magalit!"

"Eh bakit hindi ka gumawa ng ibang paraan, 'yun lang ba ang alam mong gawin?"

Sumama ang tingin ko sa kanya. Mas marunong pa talaga siya sa akin?

"Oh bakit? Para kang ewan Kuya! Kung talagang sincere ka gagawa ka ng paraan! May magagawa ba yang pagmu-mukmok mo?"

"Wala. At wala din namang magagawa yang pag-iingay mo sa harap ko. Alis!" pagtataboy ko sa kanya. Kung anu-ano ang idinadaldal, nagugulo lang ang isip ko. Imbes na si Andrea lang ang dapat isipin e.

"Akala mo lang wala, if I know, madami ng tumatakbo diyan sa isip mo!" pagyayabang niya.

"Madami? Eh nag-iisa nga lang siya! Itanong mo nga kay Andrea kung hindi ba siya napapagod? Magpahinga kamo siya sa puso ko"

Ngumiwi siya sa sinabi ko, bago nagsalita "Korni mo, Kuya! Alam ko na kung bakit ayaw sayo ni Ate Andrea" umiiling pang aniya.

"Bawiin mo yang sinabi mo!" singhal ko sa kanya. "Loko kang bata ka! Umuwi ka na nga!"

"Walang imposible sa taong desidido, kung mahal mo talaga siya kahit ilang beses ka niyang ipagtabuyan, hindi ka susuko..." ngumiti siya bago ako tinalikuran at naglakad ngunit bigla siyang tumigil saka lumingon sa akin.

"Komplikado. Pero alam kong malalagpasan niyong dalawa 'yan!" nag-okay sign pa siya bago muling tumalikod at naglakad.

Napailing ako. Kailan pa siya natutong mag-advice? Matagal ko siyang tinitigan habang pababa at palabas ng shop. Nanumbalik lang ako sa huwisyo ng marinig ko ang boses ni Zeus. Kailan pa 'to naka-akyat?

"BOSS! KURAP-KURAP! Wala na 'yong kapatid mong kalahi ni Kenshin! AAAW! Para saan 'yon Kent?"

"Sira ulo ka! Eh kung ako ang sumamurai sayo? Ikaw talaga ang hilig mong asarin yung kapatid ko... may gusto ka sa kanya 'no?"

Agad kong nakita ang pamumula ni Zeus. Anakng! Umiisa pa ang loko! Muli ko siya binatukan.

"Loko ka! Hindi naman ako tututol, pero pwede bang saka ka na? Dapat focus tayo sa amin ni Andrea!"

Ngumiti naman siya ng pagkalaki-laki, nakakadiri pala matuwa 'tong si Zeus.

"Talaga, Boss? So bayaw na itatawag ko say—aaawww! Nakadalawa ka na ah!"

"REKLAMO PA? Hindi ka nakikinig. Ang sabi ko focus muna tayo sa aming dalawa ni Andrea!"

"Eh wala namang kayo diba?"

Inambahan ko siya ng kamao.

"Kaya nga dapat magkaroon ng "KAYO", tapos tsaka na yung sa amin ni Charlotte" nakangisi niyang tugon. "Ayos ba, Bayaw?" naka-okay sign pang aniya.

"Bayaw mo mukha mo! Isa pang tawag mo sakin niyan, buburahin ko yang mukha mo! Ipatawag mo sila Hero. Kailangan makaisip ako ng magandang plano para hindi na ko iwasan ni Andrea. Tandaan mo, pag hindi pa kami naging okay ni Andrea, damay pati yung sayo!" mahabang litanya ko na may kasama pang banta.

"Aye! Aye! Captain! Syempre hindi naman ako papayag na madamay yung sakin HAHAHAH . Kaya aayusin natin ang gusot niyo ng Andrea babes mo... HAHAH. Alis muna ko!"

Hindi ko na siya nahabol dahil mabilis na siyang nakatakbo sa baba. Lumingon muna siya bago sumigaw...

"BYE BAYAW!" tsaka tumawa ng malakas at nagtatakbo palabas.

Napailing na lang ako. Andrea Babes? WHAT THE F*CK?

Bayaw daw? Ramdam na ramdam ng loko.

---

"Is it too late now to say sorry..."

Napalingon ako kay Jigs habang pakanta-kanta papasok sa shop.

"Cause I'm missing more than just your body..." dugtong ni Zeus na animo'y may pagiling-giling pa na nakasunod dito.

"Ooh. Is it too late now to say sorry...Yeah I know that I let you down...Is it too late to say sorry now..."

Bigla pa silang nagsabay at sumayaw-sayaw. Nakakadiri ang dalawang 'to.

"Araw-araw semana santa dito ha'ne?" turan sa akin ni Jigs. Naupo siya sa tapat ko at pumangalumbaba.

"Bakit hindi mo sayawan si Andeng?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. Sayawan? Yung parang... macho dancer? Nanlaki ang mata ko dahil sa naisip.

"ARAAAAY!" sigaw ko ng bigla niya kong batukan.

"Isip mong kay dumi! Sabunin ko yan eh!" sita niya sa akin at tumawa naman si Zeus.

"Oo nga boss...nakantahan mo na siya eh. Ilang beses na, pero mas okay siguro kung sumayaw ka naman tapos kumanta. Parang production number... ayos yun para kang nagconcert" paliwanang niya na may kasamang tawa.

"Tigilan niyo ko. Hindi ko gagawin 'yang sinasabi niyo..."

Tsk. Sinong maniniwala sa mga mokong na'to. Asa naman na gagawin ko 'yon!

A/N: Sorry na sa mabagal na update. Mianhe!

�������K�'��

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang