28 I HATE YOU

441 20 3
                                    

<KENT>

"Magmumukmok ka na lang ba dyan?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at agad ko din iyong binawi. Muli kong tinakluban ng kumot ang mukha ko.

"Lunes na lunes! Mukang Biyernes Santo ang mukha! Hoy CHARLES KENT WENTFORD!" may pagdidiin na tawag niya sa pangalan ko.

"Lalaki ka ba talaga o ano? Ikaw ang pinuno namin pero naknamputsa bossing! Nakakawala ng angas yang ganyan!" naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at hinigit niya pa ang kumot dahilan para matanggal ang pagkakatakip nito sa mukha ko. Dinungaw niya pa ako bago muling magsalita.

"Nyaaaay! Dinaig mo pa ang nakipaglamay dahil sa eyebags mong sing-itim ng uling ah" natatawang aniya.

"Tss. Tigilan mo ko sa kabaklaan mong komento Zeus!" at tsaka muling hinigit ang kumot at dumapa.

"Nakooo! Ikaw yata ang bakla. Kung ako sayo ay pupuntahan ko si Andrea at sasabihin lahat sa kanya. Kung gusto mo siya ay hindi mo na dapat pakawalan pa." dagdag niya pa na alam kong nasa tabi pa din ng kama.

"Yung mga ganyan kasi dapat inaamin na...nako mahirap na baka maunahan ka pa!"

'Eh sa ayoko nga. Paano ko ba gagawin yon? Hindi ko nga alam kung paano magsisimula eh kahit na napag-usapan na namin 'to ni Jarvis'

"Kung ako ikaw, pero pasensya na dahil hindi ako ikaw. Ako ay ako, Zeus! Magkaiba tayo. Kaya ngayon kung pwede lang, lumayas-layas ka muna dito at gusto kong mapag-isa." sagot ko bagaman nakadapa at hindi tumitingin sa kanya ay batid kong nasa malapit pa din siya.

"Aysus! Ganyan yan. Magkaiba tayo? Ayos! may lahing alien, Kent? Pareho lang tayong lalaki! Kung ayaw mo ay ako na lang ang aamin."

Napabangon ako sa sinabi ni Zeus. "Anong ikaw ang aamin?" singhal ko sa kanya. "Hiniling mo na bang mamatay ka? Ngayon mo na gustong matupad?" dagdag ko pa.

Imbes na matakot ay natawa pa siya sa sinabi ko. Hindi ko maintindihan ang reaksyon niya. Katatawa-tawa na ba ngayon ang pagkamatay. Tiim bagang akong tumayo at lumapit sa kanya.

"Oh..oh..oh teka... hahah...Aamin lang naman ako sa kanya" umaatras na paliwanag niya habang nakamwestra ang kamay sa harapan na tila ipansasalag.

"Anong sabi mo?" seryosong tanong ko.

"Aamin lang ako sa kanya"

'Aba't inulit pa talaga! Bwiset!'

"Ano iyon ZEUS?" nauubusang pasensyang tawag ko sa kanya.

"Nyaaay! Bingi? Na-inlove lang bingi na? Aamin. Aamin ako kay Andrea" nakangiting aniya.

'Matikas. Inulit na nga may diin pa'

"Ah ganoon? At talagang inulit-ulit mo pa" sagot ko at mas lumapit pa at hinawakan ang kuwelyo ng collar shirt niya.

"Wait—teka... Hoy!" pigil niya sa akin pero imbes na itigil ko ay talagang naiinis ako sapagkat nakangiti pa siya sa akin. "Inulit ulit ko iyon dahil paulit-ulit mo din namang tinanong ah?"

"Sinabi ko bang ulit-ulitin mo ang sagot?" muling singhal ko.

"Hindi pero akala ko ay gusto mong paulit-ulit na marinig"

"Aba't loko ka—"

"KENT!"

Hindi ko na nagawang saktan pa si Zeus ng pumasok si Hero sa kwarto.

"Anong meron?" takhang tanong pa nito tsaka nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Binitawan ko ang kwelyo ni Zeus at tsaka tumalikod at nagbalik sa pagkakadapa.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Onde histórias criam vida. Descubra agora