12 MANHID OVERLOAD

825 37 7
                                    

“Aray! Ano ba!”

“Nasasaktan na ko!”

“Bitawan mo nga ko!”

Kanina pa ko sigaw ng sigaw habang hinihila ako ni Kent. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero hindi niya pa din ako binibitawan.

“Isa! Sisigaw pa ko ulit!” banta ko sa kanya.

Bigla naman siyang tumigil tsaka ako hinarap. Hindi ako makagalaw kasi ang lapit ng mukha niya sa akin. Tiningnan niya ko sa mata kaya ganoon din ang ginawa ko. Ako pa ba? Champion ako sa larong ‘yan! Patagalan sa pakikipagtitigan tapos bawal kumurap! Dati palagi akong nananalo dito pero ngayon hindi ko alam kung bakit ako ang naunang nag-iwas ng tingin. Nakaramdam pa ko ng mabilis na kabog sa bandang puso ko. May sakit na yata ako sa puso eh.

Gamit ang peripheral vision ko, nakita kong ngumiti siya tsaka muling naglakad pero hila-hila niya pa din ako. Leche ‘to ah! Hindi naman ako nakasigaw ulit dahil baka humarap ulit siya sa akin at tuluyan na akong atakihin sa puso. Ang aga naman ng pagkamatay ko pag-nagkataon!

“Aww!” Napahawak ako sa noo ko na nauntog sa balikat niya. Masakit ‘yon ah!

“Tss. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo” sabi niya sa akin.

Aba’t lecheng ‘to!

“Hoy, kung hindi mo ko hinila at kung hindi ka biglang tumigil hindi ako mauuntog” sabi ko sa kanya.

Hindi niya ko pinansin tapos bigla niyang binuksan yung kotse. Doon ko lang napansin na nasa parking lot na pala kami nitong mall. Oh my pinaghalo-halong gulay! PINAKBET! Si Jiego! Tumalikod ako para balikan siya, kailangan kong balikan ang bakla!

Hindi pa ko nakakahakbang ng hawakan ni Kent ang braso ko.

“Saan ka na naman pupunta?”

Humarap ako sa kanya, “Babalikan ko si---“

“Sino? Sino yung babalikan mo? Yung lalaki sa coffee shop?” pagalit na tanong niya.

“Ha?”

Bigla niyang binitawan yung braso ko, “SINO BA ‘YON?” sigaw niya pa sa akin. Aba? Loko ‘to ah. Kung gusto niyang malaman ang pangalan ng lalaking ‘yon bakit hindi niya itinanong mismo doon sa tao. Tapos ngayon nagagalit siya sa akin. Nakakapeste ah!

“Ewan ko. Itanong mo kung sino siya. Leche” sabi ko tsaka tumalikod at naglakad.Sumasakit ang ulo ko sa Kent na ’to.

Hindi pa ko nakakalayo ay agad niya na naman akong nahila. Tinapa!

“Ano ba CHARLES KENT WENTFORD! Hila ka ng hila! PESTE!” sigaw ko sa kanya na ikinatigil niya naman. Na-realize niya na sigurong tao ako. Humarap siya sa akin tsaka nagsalita, “Pumasok ka sa loob ng kotse”

“Wow. Inuutusan mo ba ko?” tanong ko sa kanya.

“Andrea, pwede ba?” sabi niya na tila na-iinis na, namumula na nga siya eh siguro dahil sa inis.

“Inaano ba kita?” tanong ko sa kanya ”Pupuntahan ko lang si…”

“Sino ba kasi ‘yon bakit kailangan mo pa siyang puntahan?” tanong niya na ang sama ng tingin sa akin. Para na kaming ewan dito na nagsisigawan.

Pumasok ako sa loob ng kotse niya at naupo sa shot gun seat. Nakakahiya kung magpapatuloy kami sa pakikipagsigawan sa isa’t isa kung nasa labas kami. Nakita ko namang umikot siya papunta sa driver’s seat tsaka binuksan ang pinto ng kotse para maka-upo.

“Let’s go” sabi niya nung makapasok sa loob. Aba’t feeling mayor ‘to ah!

“hoy! Anong let’s go! Pumasok lang ako dito kasi nakakahiyang makipagsigawan sayo sa labas.”  Sabi ko sa kanya. I heard him cussed.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon