5 BITTER NA BITTER LANG.

1.2K 45 4
                                    

Eh bakit ang bilis naman kasi lumipas ng weekend? Hindi pa nga ako nakaka-get over sa task na pinapagawa ni Ms. Mercedes eh..

Nako naman kasi -_____________-

Library…mamaya?

Kasama yung lalaking yun?

Harujuiceko!

Kill me now!

Kill me now!   

“KILLLL MEEE NOOWWW!!—Aaaaray!”

“Gaga! Kill me now your face! Sana sinabi mo agad para nagdala ako ng baril o kaya kutsilyo pwede ding itak para mala-Andres Bonifacio ang peg!”

Napakamot ako sa ulo ko. “Gaga ka din! Bakit ka nambabatok?”

“Muntanga ka kasi -_- girl pinagtitinginan ka na ng madlang pipolets!”

Lumingon ako sa paligid. Ang dami ngang nakatingin. Syet!

“Aga-aga puro kabitter-an na naman ang alam mo nakita mo lang yung ex mo eh” napalingon ako kay Jigs. Anong nakita? Ansabe niya?

“Oh wag mong sabihing hindi? Ayun oh” sabi niya tsaka ngumuso.

“Seriously hindi ko sila nakita” sabi ko habang nakatingin sa mga manlolokong naglalakad.

“Wow bulag lang ang peg. Deny pa more!”

“Hay nako Jigs! Nagbago na ko. Hindi na ko bitter nu!”

“Nagbago? Ay baka transformer.”

Komontra pa to? OO transformer ako! si Optimus Prime. -__- Peste!

Sinimangutan ko siya tsaka naglakad. Aga-aga pambwisit talaga tong Jigs na to eh. Pakialam ko sa ex ko at sa panget niyang girlfriend -______-

Hindi ko sila nakita. Hindi ako bitter. Period. No erase.

“Ay taray walk-out ang lola” sabi ni Jigs na humabol sa paglalakad ko.

“Pikon te?” tanong niya.

“Uy Andeng. Di ka na mabiro—pag di mo ko pinansin ibig sabihin bitter ka pa din”

Tumigil at ako at humarap sa kanya “ isa pang banggit ng word na bitter, ipapatapon na talaga kita sa neverland!”

“Ay gusto ko yan! Diba hindi tumatanda ang mga tao dun?” sabi niya na may ngiti sa mga labi—ow wait hindi ata labi yun? Nguso :3

*DEATH GLARE*

“Sunget much! Meron ka?”

*DEATH GLARE*

“Okay silence means yes. Tara na nga sa room, baka tawagan mo si Peter pan eh”

Sabay hila sa akin. Kahit kailan talaga ang lakas mambasag nitong Jigs na’to -_-

---

“Andeng late na ba tayo? Music ang una nating subject diba?” tanong sa akin ni Jigs nung makarating kami sa tapat ng room. Tiningnan ko yung relo ko pero 5 minutes pa naman bago mag-bell.

“Hindi, maaga pa. Baka nagpapractice lang mga classmates natin” sabi ko sa kanya sabay pihit ng doorknob para buksan yung pinto.

Pagkapasok ko…

 I don't know why

I'm drawn to you

Could you be the other one so we'd equal two?

Nagulat ako dahil kumakanta yung mokong na transferee sa harap at lumapit pa siya sa akin…

and this is all based on a lucky chance

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now