17 BITTER PUTO

652 33 7
                                    


I'm on my way.

-end of message

Tatawag daw pero text naman ang ginawa. Kita mo! Paasa talaga. Kasalukuyan akong naghihintay sa sala ng ma-receive ko ang text ni Kent. Pasado alas singko na pero wala pa siya. Ayoko sa lahat pinaghihintay ako.

♪My heart is sinking as I'm lifting up above the clouds away from you...

And I keep believe I'm leaving Ooh I don't know what I'm gonna do..."

PAASANG LALAKI calling...

"Oh bakit?" bungad ko.

"Galit agad? Dito na ko sa labas ng bahay niyo."

Hindi ko na siya sinagot bagkus ay binabaan ko siya tsaka ko isinakbit ang bag na may lamang mga reviewer. Pagkalabas ko ng pinto ay natanawan ko siyang nakasandal sa may kotse niya. Oh edi siya na ang parang model dun.

"Anak, saan ka pupunta?"

"Ahh. Magrereview po kami ng classmate ko."

"Classmate mo lang yung gwapong lalaki sa labas?"

"Mom!" saway ko sa kanya baka kasi marinig pa ni Kent at iyabang niya pa sa kin.

"Yan ba yung Micko?" pag-uusisa niya.

"HINDI AH! LAKING GWAPO NAMAN NIYAN DUN!" tanggi ko.

"Ay! Akala ko siya. So hindi gwapo yung Micko?"

"MOM!" sigaw ko ulit. " Gwapo naman kaya lang mayabang" paliwanag ko.

"So hindi mayabang 'yan" tanong niya.

"Anong hindi? SOBRANG YABANG NIYAN!"

Bigla namang natawa si Mom. "So wala ka ding mapili sa kanila?"

"HAH?"

Alam kong namula ako sa tanong ni Mom. "Aalis na nga ko. Bye"

Narinig ko pang tumawa si Mom bago ako lumabas ng gate. Lumapit ako kay Kent. Mataman naman siyang nakatingin sa akin.

"Oh bakit?" iritang tanong ko.

"Galit ka pa din?"

"Hindi ako galit. Tara na."

Bubuksan ko na sana ang shot gun seat ng bigla niyang pigilan ang kamay ko. Tiningnan ko siya ng masama.

"Sa likod tayo" pagkasabi niya ay agad niyang binuksan ang pinto niyon at sumakay naman ako. Mataman kung tiningnan ang lalaking nasa driver's seat at ang babaeng nasa shot gun seat ng makasakay ako. Agad din namang sumakay si Kent. Tahimik lang ang lahat ng biglang nagsalita yung lalaking nagda-drive.

"Saan kayo magrereview?" tumingin ako kay Kent at ganoon din siya sa akin. Agad niyang inilipat ang tingin sa lalaking nagtanong.

"Sa shop"

Tumango naman ang lalaki pamilyar siya sa akin hindi ko maalala kung saan ko siya nakita .Hindi ko na lang pinansin baka random person lang. Sa shop daw kami pupunta siguro doon sa dati naming pinuntahan.

"Kent. Hindi mo ba kami ipapakilala sa kanya?" basag sa katahimikan ng babaeng nasa harapan.

"Why? Para saan?" bored na tanong niya tsaka pumikit.

"So rude kanina ayaw mong sabihin kung sino ang kausap mo then now aya—"

"HONEY!" sigaw ng lalaking nagdadrive.

"Bakit ba Jarvis?" iritang tanong ng babae. Wala na ba silang ibang alam na endearment at puro honey ang naririnig ko sa kanila. Naalala ko na naman ang conversation namin kanina ni Kent at may tinawag din siyang honey. PSH.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now