25 A THOUSAND MILES

537 34 22
                                    



The worst feeling is when someone makes you feel special then suddenly leaves you hanging...

<ANDREA>

The night after that incident ay hindi na nagpakita pa sa akin si Kent, para bang bigla na lang siyang naglaho na parang bula at tila hindi ito naging kawalan sa mga tao liban sa akin. Even sa school hindi na siya pumapasok. May mga naririnig akong balita pero ayokong maniwala hangga't hindi mismo sa kanya nanggaling yun.

Halos mag-iisang buwan na at sa araw-araw na nakalipas ay hinihintay ko siya. Sa halos isang buwan din na iyon ay napalapit ako kay Micko. Sinusundo niya ako at kung minsan ay hinahatid sa bahay o di kaya'y sinasamahang gumala, katulad na lamang ngayon.

"Where do you want to go?" tanong niya ng makapasok ako sa kotse.

"Home"

"Home? Tinawagan mo ko para lang magpahatid sa bahay niyo?"

Tumango naman ako bilang sagot.

"Nako naman Andrea! Hindi porke't may gusto ako sa'yo ay pwede mo na kong abusuhin. Sana tinawagan mo na lang yung driver niyo" may pakamot-kamot sa pa siya sa ulo habang sumasagot.

"Sabi mo tawagan kita after class?" tanong ko.

"Oo nga—" naputol ang pagsagot niya ng biglang tumunog yung cellphone niya. Agad niya namang sinagot iyon at nagulantang ako sa sunod-sunod na pagsigaw niya.

"Hello. Ano na namang kaila—Hoy! Ikaw na babae ka! What the—"

Tiningnan niya yung cellphone niya na para bang binabaan siya ng kausap.

"Anyare?"

He looked at me with frustration at nagsimulang magkwento.

"You know what, Last night I met a girl. Maganda siya kaya lang mataray. And we met by accident. She bumped to my car at pakatapos siya pa ang may ganang magalit. Bina-black mail niya ko, kita mo 'yon binabaan pa ko..." then he sighed.

Natawa ako sa mukha niya.

"Oh bakit ka tumatawa?"

"Nothing. It's just that, I think nakahanap ka na ng katapat mo..." paliwanag ko

"Oh no. That's a bad joke, alam mo namang ikaw ang soul mate ko"

Gusto kong masuka sa sinasabi niya.

"Soul mate mo mukha mo! Ang tanda mo na kaya!"

"Matanda? Isang taon lang ang agwat natin!"

Sasagot na sana ako ng biglang nag-ring ulet ang cell phone niya. Tiningnan niya muna ako bago iyon sinagot. Agad ko naman siyang tinaguan bilang pagpayag.

"Ano na naman? Ha? Ayoko nga. May lakad ako. Sus! Baha—Sh*t"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Binabaan ako"

Napangiti ako sa kanya.

"Puntahan mo na siya"

"Paano ka?"

"No worries"

"You sure?"

Tumango ako tsaka lumabas ng kotse niya.

Katulad ng mga nakakaraang araw umaasa ako na susulpot siya katulad ng dati, pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Nawala siya kasabay ng mga pangakong sinabi niyang tutulungan niya kong makalimot. Mas malala lang ang naging resulta ng mga iyon. Mas lalo akong nasaktan, mas lalo akong nagmukhang tanga.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now