20 DINNER DATE

520 32 50
                                    


"Ellaine! Bumaba ka na nandito na ang lola mo..."

 Muli kong tiningnan ang itsura ko sa harap ng human sized mirror na nasa kwarto ko. Nagsuot ako ng simpleng dress na floral ang design, hindi na ako naglagay ng make-up dahil natural naman ang ganda ko (Ang sumubok magreact- susungalngalin ko ng ampalaya!), hindi ko na din inayos ang buhok ko. Iniisip ko pa lang na makakasama ko si Micko naiinis na ako. Kung bakit naman kasi ang kulit ni lola.

*beep

From: Paasang lalaki 

You looked beautiful tonight.

-end of message-

Tss. Manglalandi na lang sa akin pa naitext! Talagang pinapahalata niyang nambabae siya ah! Akala niya ba affected ako? Tss. Teka nga at masakyan ang trip ng loko!

You didn't even see me.

Message Sent!

*beep

From: Paasang lalaki 

Don't have to  ^_^

-end of message-

Ay anak ng tinapa oh! Bago pa ko tuluyang kiligin sa kalokohan ng paasang lalaki ay inilagay ko na sa purse ko ang cellphone ko at bumaba. Nakuha niya pa talagang magreply? Pa- don't have to- don't have to pa! Mambobola! Akala niya ba magpapadala ako sa kalokohan niya?

Nakita kong nakaupo sa couch ang lola ko katabi si Mama ng mapansin ako ay tumayo na silang dalawa. Agad kong niyakap si lola at hinalikan niya naman ako sa pisngi. Hindi nagtagal ay naglakad na kami palabas ng bahay.

"Ms. President" bati ng assistant ni Lola ng pagbuksan siya ng pinto ng kotse. Agad na sumakay si Lola at sinundan namin siya. Nagsimulang paandarin ng driver ang kotse ng biglang nagsalita ang assistant ni Lola na naksakay sa shotgun seat.

"Ms.President, nasa restaurant na daw po si Mr. Dela Rosa..."

Tinanguan siya ni Lola at bumaling kay Mama.

"He's a good guy Eunice. Bagay na bagay siya kay, Ellaine..."

Alangang ngumiti si Mama bago nagsalita, "Ma, hindi ba't masyado pang maaga para dyan?"

"At ano? Magmamahal na naman ang apo ng isang lalaking hindi karapat-dapat?"

"Lola-"

"Ma-"

Itinaas ni Lola ang kamay upang patigilin kami. "Hindi naman kita ipapa-arranged marriage, Ellaine. Isa pa ikaw pa din ang mamimili ng lalaking pakakasalan mo. I'm just showing you who's a good catch and not. "

Natahimik kami ni Mama. Lola doesn't care with money and popularity kaya alam ko namang hindi niya ko ipapa-arranged marriage. Kaya lang pag-ayaw niya sa isang tao, ayaw niya talaga. She's quite strict and a little bit perfectionist. Mahirap siyang i-please.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa restaurant. Nakita ko agad si Micko pagkababa ng sasakyan. Nakangiti pa ang loko, akala niya ba masaya ko?

Yumukod siya para magbigay galang kay Lola, well alam niya naman siguro na si Lola ang may-ari ng EunJi. Ngumiti din siya sa amin ni Mommy ng makalapit kami sa lugar niya. Akala mo ang gwapo eh mas gwapo pa sa kanya si Kent. Ay peste! Kent na naman?

"Hindi ba dapat graduating ka na? What happened?" tanong ni Lola kay Micko habang kumakain kami. Actually silang dalawa ang kanina pa nag-uusap. Nakakahiya nga eh ginawa pa kong palamuti dito. Magkatapat kami ni Micko then magkatapat naman si Mama at Lola.

Ang Diary ng Bitter (Medyo Ampalaya)Where stories live. Discover now